I'm a Joke.

I'm a Joke. The owner of this page dyed.

Commissioned portrait using Acrylic PaintBattlefield: 18x24" CanvasWeapons: Paint Brushes
30/07/2020

Commissioned portrait using Acrylic Paint
Battlefield: 18x24" Canvas
Weapons: Paint Brushes

Matapos maligo, nalimutang isuot ng dalaga ang tuwalya na nakasabit sa bungad ng pinto. Lumabas siya sa banyo nang balis...
12/06/2020

Matapos maligo, nalimutang isuot ng dalaga ang tuwalya na nakasabit sa bungad ng pinto. Lumabas siya sa banyo nang balisa, maga ang mga mata, at sugatan ang mga paa.

Nakaabang si Agapito sa aklatan.

Maya-maya pa ay tila nakakita ng multo ang binata, nanlaki ang mga mata at natagalan bago siya nakakibo. Nang magising ang ulirat, awang-awa niyang binihisan ang dalaga.

Umiiyak ang dilag at pilit na hinuhubad ang tuwalya na ipinatong sakanya.

"Perla naman! Nasa tamang edad ka na!", singhal ni Agapito.

Hindi umimik ang dalaga matapos siyang sigawan. Nilaro na lamang niya ang kaniyang mahahabang buhok habang kumakanta ng hindi maintindihang awit.

Walang nagawa si Agapito kundi tawagan ang Doktor. Nakaramdam siya ng pagod, akmang lalayas na sa silid sa sakit ng ulo, epekto nang pag-aalaga sa baliw.

Binalot ng katahimikan ang kuwarto na binasag naman agad ng binata.

"Matagal ka na naming pinalaya."

Kibit-balikat ang dalaga at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

"Legal mo nang matatamo ang mga ari-arian na nakapangalan sa'yo. Maari mo nang linangin ang mga bagay na ikaw lamang ang puwedeng umangkin. Mag-ayos ka't magdamit, ipakita mo sakanila ang natatagong kagandahang matagal mong kinimkim", sinserong pahayag ni Agapito sa dalaga.

"Excuse me? What are you talking about?", biglang sambit ni Perla.

"Isang daan at dalawampu't isang taon na ang nakakalipas, hindi ka pa rin mulat? Pinilit kong buksan ang iyong mga mata, maraming nagbuwis ng buhay upang makakita ka... bakit hindi mo pa rin masalamin kung sino ka talaga?"

"I'm sorry? Who are you?"

"Agapito Bagumbayan, isa sa iyong mga masugid na manliligaw. Hindi mo ba naaalala?", padabog na sagot nito.

"I don't understand what you're saying, please speak in English."

"God damm*t! This time, I will just sit down and watch you beg for help while you're being molested! Nakakapagod ka nang ipaglaban!", dala ng emosyon, napasigaw si Agapito.

Nahinto si Perla.

Nakaramdam ng pagsisisi ang binata sakanyang pinakawalang salita.

Muli, katahimikan ang bumalot sa silid.

Puno ng agiw ang kisame, tinititigan na lamang ito ni Agapito at may pagtitiis na hinintay ang manggagamot.

Makaraan ang ilang minuto, dumating na rin sa wakas si Dimas-alang kasama si Bini.

"Who's that dwarf and disabled man?", bungad ni Perla.

"Aba, iba ang tabas ng bibig nito ngayon. Ingles ang dinale, noong nakaraan ay wikang Kastila, ano naman kaya sa susunod na araw?", komento ni Bini.

"Bagong ligo ba talaga si Perla? Bakit ang lansa? Haha", dagdag ni Dimas-alang.

Nagtawanan ang tatlo.

Sinaway ni Delfina ang mga Ginoo at agad binihisan ang dalaga. Kasama niya ang dalawang Agoncillo, pinagsama nila ang tatlong pangunahing kulay na siyang naroong nakalatag sa merkado.

"Ineng, ilang beses ka ba namin bibihisan?", sambit ni Marcela.

Dumating si Magdalo at pinaayos kila Lorenzana ang mga tela. Naglagay sila ng tatlong bituin, isang puting tatsulok at araw na may walong sinag.

"Nag-aaksaya lamang kayo ng oras sa pagpapaganda diyan, wala namang ibang alam yan kundi magsuot ng maskara. Sariling pagkakakilanlan isinusuka upang maghubad sa harap ng mga banyaga", komento ni Agapito.

"Nasayang lamang ang tinta ng aking pluma", dagdag ni Dimas-alang.

"Hindi lamang iyon, pati na rin ang buhay ng ating mga kaibigan— marami sakanila ang nagsulat ng kasaysayan gamit ang sariling dugo, ngunit hindi man lamang naitala ang pangalan sa libro", mariing sambit ni Bini.

Ilang minuto pa, natapos na rin ang pag-aayos ng tatlong dilag kay Perla.

"El hombre lisiado es tan hablador'", sumabat si Perla.

Humalakhak na lamang si Dimas-alang na siya namang sinabayan ng pagbukas ng pinto, pumasok si Dimas-ilaw.

"Anong meron?", bungad nito.

"Wala namang bago, yang dinadambana ng mga hipokrito binihisan na naman. Ngayong araw kasi gugunitain na naman ng mga mapagkunwari ang kanyang kasarinlan", sagot ni Agapito.

"Haha, tiyak na madami na namang mapapahawak sa dibdib at aawit ng kantang ginawa ng kaibig-ibig na kompositor, hindi ba Agapito?", pang-aasar ni Dimas-ilaw.

"Watashi wa utsukushīdesu!", bulahaw ni Perla nang makita ang repleksyon niya sa salamin.

"Perla ngayon lang yan, bukas naka-Kimono ka na naman", bulahaw ni Oryang sa may pintuan.

Sabay silang pumasok sa silid ni Nakpil, ang kanyang bagong asawa na siyang kompositor ng mga balat-kayo.

Akmang yayakapin ni Agapito ang Lakambini, ngunit nagsitayuan ang lahat.

Si Magdalo, tinalian sa leeg ang baliw at iwinagayway sa harap ng mga palsipikado.

Tumulo ang luha ni Agapito, lumayo siya kay Oryang. Pinagmasdan ang katawan ng kanyang tunay na sinisinta— hindi pa rin malaya.

Sila Jomapa, Buan, Siling Labuyo, Taga-Ilog at ang lahat ng mga bayani ay tahimik na nagtipon-tipon at nagdalamhati.

Isang daan at dalawampu't isang taon.

Madaming kuro-kuro at bulong.

"Perla, isa kang kaawa-awa. Naging tropeyo ng nakaraan, alipin ng kasalukuyan", paghihinagpis ni Dimas-ilaw.

"Perla, isa kang baliw. Naging gamot ng nakaraan, mahirap gamutin sa kasalukuyan", paghihinagpis ni Dimas-alang.

"Perla, masahol ka pa sa lumpo. Naging kalakasan ng nakaraan, sakit sa kasalukuyan", paghihinagpis ni Bini.

Isang daan at dalawampu't isang taon.

Ang dating ubod ng yaman, ngayo'y kaawa-awang ninanakawan ng mga dayuhan.

Ang dating inang bayan, nagmistulang baliw. Kung noo'y ginahasa ng mga banyaga, ngayon, mga sariling anak na ang mga gahaman at mapagsamantala.

Ang dating malakas, ngayo'y nalumpo na, hirap makatayo, hirap gamutin ang sariling paa. Natuluyan na sigurong maging isda, patuloy na lumalangoy sa sariling dagat na inaangkin na ng iba.

"Perla, perlas ka ng silangan, ang nag aalab kong puso, mananatiling sa dibdib mo'y buhay", bulong ng mga bayaning ang katawa'y naging tahanan ng tingga.

Isang daan at dalawampu't isang taon.

Perla, nasa tamang edad ka na. Legal mo nang matatamo ang mga ari-arian na nakapangalan sa'yo. Maari mo nang linangin ang mga bagay na ikaw lamang ang puwedeng umangkin. Mag-ayos ka't magdamit, ipakita mo sakanila ang natatagong kagandahang matagal mong kinimkim.

Isang daan at dalawampu't isang taon.

Malaya ka na, lumaya ka na.


"Ang Pagsilang at Kamatayan ng Kalayaan"


Likhang Panitikan ni: Quennie Jesuro de Vera
Larawan ni: Jonel Blase


122 years na po, 121 ang nakasulat dahil noong nakaraang taon ko pa ito sinulat.


Ang ilan sa mga pangalang ginamit sa akdang ito ay "pen name" ng mga sumusunod;

Agapito Bagumbayan: Andres Bonifacio
Dimas-alang: Jose Rizal
Bini: Apolinario Mabini
Dimas-ilaw: Emilio Jacinto
Magdalo: Emilio Aguinaldo
Jomapa: Jose Maria Panganiban
Siling Labuyo: Marcelo H. Del Pilar
Buan: Juan Luna
Taga-Ilog : Gen. Antonio Luna


Google translate for the Spanish and Japanese translation 😬


Maligayang Araw ng Kasarinlan! 💙

"Dumating siya, sa wakas dumating siya", bulong ko sa aking sarili.Naglalakad siya ngayon sa loob ng gusaling binalutan ...
22/04/2020

"Dumating siya, sa wakas dumating siya", bulong ko sa aking sarili.

Naglalakad siya ngayon sa loob ng gusaling binalutan ng adobe, puno ng nililok na kahoy at sahig na tila'y bagong lampaso pa lamang. Dito ko siya inimbita sapagkat alam kong dito niya nahahanap ang kapanatagan, alam kong dito siya sumasaya.

Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan, hindi ko magawang kumaway, ni hindi ko masambit ang kaniyang pangalan.

At dito, sa ilalim ng lumang bakal na aranya, napayuko na lamang ako.

Nilamon ng anino niya ang animo'y gintong ilaw nito. Nawala ang kinang sa mga porselang platong kanina ko pa tinitingnan. Marilag ang detalye nito, nasasalamin sa bughaw na tinta, napakaganda— napakaganda pa rin niya.

Makalipas ang halos dalawang taon, nakaharap ko ulit siya. Buong-buo; ang bilugan niyang mukha, ang mga nangungusap na mata, ang kayumangging balat, ang makintab na buhok, ang lahat sakaniya.

Malugod niya akong binati ng malumanay na ngiti bago umupo.

Dumating si Estrella, andito siya.

Kanina ay halos antukin ako sa musikang inilalabas ng lumang plaka. Ang tinaguriang Beatles ng Pinas ay hinaharana ang buong silid, nakakapanindig balahibo.

Ngayon, sigurado akong hindi ako nananaginip; nasa aking harapan si Estrella Aquilino.

Ilang tibok pa ng puso, unti-unting naglaho ang ulyaw ng trumpeta at kumpas ng kwerdas ng gitara.

Para bang nabura ang lahat sa plaka. Tumahimik.

Inaamin ko, sa tagal ng panahong nawala ako ay 'sing tigas na yata ng yelo ang tikom ng mga labi ko— ngunit, sa haba ng panahon ay lalong nag alab ang apoy sa puso ko. Napakasalungat.

Walang umiimik sa amin. Tila ba'y nagpapakiramdaman kung sinong unang gagalaw, sinong unang magsasalita, o kung sinong unang iiyak.

"Iningatan ko 'yan, sa abot ng aking makakaya iningatan ko 'yan", binasag niya ang katahimikan.

Pagkatapos noo'y bumigat ang hangin, namuo ang luha, hanggang pumatak ito sa mayumi niyang damit.

"Matagal kong inalagaan, pinilit huwag gasgasan, mapanatili lang ang porma at dati nitong kinang. Iningatan ko 'yan", sambit niya.

Inakap kami ng katahimikan.

"Iningatan ko dahil nangako ako sayo. Nangako ako sa tapat ni Bathala, sa hirap at ginhawa, iingatan ko— habang nandiyan ka, habang may pag-ibig", dagdag niya.

Sa pagkakataong iyon, nais kong sumigaw, nais kong magmakaawa, nais kong mangako ng bagong simula— at sabihing mahal ko pa siya.

"Ibabalik ko na", sabay lapag ng pilak na singsing sa lamesa.

Para akong tinusok ng bayolete matapos gilitan ng leeg, wala ng boses ngunit nakakaramdam pa.

"Mukhang bago pa rin diba? Huwag kang mag-alala, sa sobrang ingat ay hindi nawala ang ningning niyan mula noong unang beses mong isuot sa akin", sambit niya.

"Pwede mo pa 'yang magamit sa iba, iregalo mo sakaniya o kaya nama'y ibenta. Depende sayo. Ikaw na bahala", dagdag pa niya.

Wari'y bumulong ang hangin mula sa ventanilla. Sumayaw ang mga kurtina. Ngumiti ang marmol na mesa. Lahat sila'y nangungusap na parang gusto akong ipalit sa aranya.

Pakiramdam ko, ang bigat ng mundo'y sinalo ko— pinagtatawanan ako ng lahat ng elemento.

"Iyan na lamang ang kaya kong ibalik. Hindi ko na kayang tanggalin sa aking katawan ang mga alaala mo. Hindi ko na kayang burahin sa aking pangalan ang apelyido mo", ang ulan ng luha sakaniyang mga mata'y naging bagyo.

Ikinalma ko ang aking sarili at pilit isinulat sa plaka ang tunog na kanina pa nawala. Gusto ko nalang mahimbing sa uyayi nito.

"Paalam, salamat", sambit niya.

Nakakatawa, sa kabila ng malakas na paalam niya, hindi ko namalayan ang pag alis niya.

Umapaw ang tubig sa baso, natunaw na ang lahat ng yelo. Kasabay nang pagkatunaw nito ay ang paghunos ng nangangatog kong labi. Doon, mariin kong sinambit ang unang tunog, ang pagsilang ng musikang ako lamang ang makakarinig.

Sa pagitan ng mga lihim na paghikbi, puno ng pagsisi at pagmamakaawa ang awit na nailimbag ko.

Si Estrella, ang mahal kong asawa.

Umalis na siya.

Naghintay ng ilang taon upang malaman ang rason ng paglisan ko. Ngunit hanggang dulo, walang narinig ni kaluskos.

Si Estrella, masugid na kaibigan ng mga lumang bagay. Mahal niya ang kasaysayan; ang bibliya ng mga kuwento ng pag-ibig at pagkabigo, ang ugat ng himagsikan at kalayaan, ang lugar ng pagbati at paalam.

Dalawang taon, pitong buwan, tatlong linggo at limang araw mula noong isilang ang anak ko kay Iluvia.

Mula noon, hindi ko na siya binalikan.

Si Estrella, ang aking asawa;
minahal ako kawangis ng kasaysayan.

— Baleleng, "Si Estrella"

Litrato ni: Lla Cyvill

Nag-uunahang tumalon mga alon sa dagatNais daw nilang maabot ang ulap     kahit mahirap.Paulit-ulit nalang nababasag at ...
24/03/2020

Nag-uunahang tumalon mga alon sa dagat
Nais daw nilang maabot ang ulap
kahit mahirap.

Paulit-ulit nalang nababasag at
bumabaon sa dalampasigan
kung saan nakatapak ang diwata ng kawalan.

Hindi niya mahanap ang gamot sa parang.
Nawalan ng tahanan sa pinatag na kabundukan.

Nasaan na ang paraiso?

Ang lilim ng puno at lamig ng hangi'y kinupkop siya
sa ilalim ng bisig at init ng yakap ng taong inibig niya.

Doon tumahan
at nabura ang galit ng diwatang hapo.

Binalot muli ng mahika ang mundo—
noong sinambit nitong:

"Ikaw ang tahanang hindi mahahanap sa parang.
Kahit patagin kabundukan nag-iisa ka lang.
Paraiso, paraiso, paraiso...

Paraiso ang puso mo."

Pag-ibig ang gamot sa mundo.

— Baleleng, "Paraiso"
Litrato ni: Arra Aranas

Mahigpit ang piring.Kumalas ang tali—     sa mga kamay.Dumausdos isang alitaptap.Walang mintis,Patay-sinding kumaripas s...
16/03/2020

Mahigpit ang piring.
Kumalas ang tali—
sa mga kamay.

Dumausdos isang alitaptap.

Walang mintis,

Patay-sinding kumaripas siya
nanatiling nakakulong ang iba.

Mahigpit ang piring.
Kumalas ang tali—
sa mga kamay.

Dumausdos pangalawang alitaptap.

Walang mintis,

Patay-sinding lumipad siya
patuloy na naging malaya.

Mahigpit ang piring.
Kumalas ang tali—
sa mga kamay.

Dumausdos pangatlong alitaptap.

Walang mintis,

Patay-sinding kuminang sila
binaybay ang kawalan
sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Mahigpit ang piring.

Tuluyan nang kumalas ang tali sa mga kamay.

Mga alitaptap, dumausdos lahat.

Walang mintis,

Hindi niya nasilayan ang kagandahan nito.

Dahil

Mahigpit ang piring.

Sa pagnanais na huwag masilayan
ang pagdausdos ng nag-iisang
liwanag ng buhay niya

bagaman patay-sindi,

Hinding-hindi siya maghahanap ng liwanag sa iba.


Baleleng

Litrato ni: Arra Aranas

You want to die?Su***de, is it?Tell me you want it.I'll tell you—NobodyWantsSu***de.Most of us SELF-DESTRUCT; we smoke, ...
30/09/2019

You want to die?
Su***de, is it?

Tell me you want it.

I'll tell you—
Nobody
Wants
Su***de.

Most of us SELF-DESTRUCT; we smoke, we drink, we get wasted, we sacrifice relationships— we don't want su***de.

We don't want to kill ourselves,
We want to kill what's killing us inside.

Darling, draw near.
Let's destroy ourselves while living—

Living is the perfect su***de.


Words: Quennie Jesuro de Vera
Artwork: Queenie Hilapo

My grandmother died and my grandfather's the suspect.My mom and dad broke up when I was in Grade 3.My mom left to work a...
21/09/2019

My grandmother died and my grandfather's the suspect.

My mom and dad broke up when I was in Grade 3.

My mom left to work abroad.

On sixth grade, my dad told me that I'm nothing but a mistake.

Again, my grandmother died.

My cousins and I has been separated from each other.

I lost everything.

My grandfather has been jailed for 3 weeks— I know it's a set up.

I transferred school.

I lost some friends.

I have planned to commit su***de.

My sister has been dropped out from school.

My dad told me that I'm not his daughter.

Everything is falling into pieces.

The only man I loved left me with no reason.

I have nowhere to go.

But

Believe

Me,

I'm

Still

Breathing

And

Tomorrow's

My

19th

Year.

Keep moving, there's a lot of s**t ahead.

But

You

Can

Always

Choose

To

Breathe.


Words and photo by: Quennie Jesuro de Vera

(A year ago)

I.Night skies still find mein awe with your starlit smilesfar beyond my reach.II.City lights may be grand, why not admir...
15/09/2019

I.
Night skies still find me
in awe with your starlit smiles
far beyond my reach.

II.
City lights may be
grand, why not admire something
brighter and further?

III.
We resemble stars--
two warm and bright suns but with
nothing in between.

IV.
If stars everywhere
the last thing I'll see, then let
the black hole drag me.

V.
People are drawn by
eyes speaking stars, perhaps mine
speak for remote ones.

VI.
You wished upon a
star that was lost somewhere in
infinite space-time.

VII.
My mind is not stars
bursting with purples and blues
but devoid of hues.

VIII.
You promised night skies
for my heart, I received the
void of space beyond.


Haikus for Stargazers
Words by: KenKen Lucero

Artwork by: Quennie Jesuro de Vera

Hinayaan kitang gamitin ako.Sa umaga, tanghali, gabi,Sa bawat sandaling naisin mo.Hinayaan kitang hubaran ako,Sa kuweban...
02/08/2019

Hinayaan kitang gamitin ako.
Sa umaga, tanghali, gabi,
Sa bawat sandaling naisin mo.

Hinayaan kitang hubaran ako,
Sa kuwebang matagal nang inabandona.
Patuloy na sinisilip ng mga tala,
Binura sa iyong gunita.

Hinayaan kitang bihisan ako.
Noong pinihit mo ang bawat buto,
Dinoble ang mga ugat,
Kinalkula ang damdamin,
Hinabi ang isipan—

Isinabit sa sampayan,
Tuluyang pinabayaan,
Hanggang sa kumupas,
At naging basahan na lamang.

Hinayaan kita.

Hinayaan kita sapagkat inangkin mo ako.

Noong suyurin mo ang tulay na nakaumbok, paknit na balat ng hayop at dahon ang suot, walang saplot ang mga paa, nangapa na gumuhit— at umukit— hanggang sa napuno mo ang yungib.

Bago pa mauso ang baybayin, sinasambit mo na ako;
Isinasayaw at inaawit mo na ako.

Bago ka pa angkinin ng mga dayuhan,
Ginamit mo na ako.

Bago ka pa maging dayuhan sa sarili mong bayan,
Gamitin mo na ako!

Marami akong kasuotang binurda ng mga katutubo,
Nakatago sa ritmo ng musikang isinayaw ng 'yong mga ninuno.

Kilala mo pa ba ako?


"Ang ngalan ko'y Filipino"
Ni Quennie Jesuro de Vera


Obra ni Dx Sta Ana

Araw-araw kong hinihintay ang paalam ni Ina—Ang pagluhod sa bulkanAng paghalik sa talampakanDahil sa hambog niyang anak ...
28/07/2019

Araw-araw kong hinihintay ang paalam ni Ina—
Ang pagluhod sa bulkan
Ang paghalik sa talampakan
Dahil sa hambog niyang anak
na pumukaw sa karamihan.

Hanggang sa siya'y sumuko,
at naging alila ng kadiliman.

Araw-araw kong hinihintay ang paalam ni Ina—
Ang pag-usbong ng katotohanan
Ang paghubog sa katapangan
Sapagkat ang musmos niyang anak
naging bayani ng banwaan.

Hanggang ito'y nagtagumpay,
at muling nahimbing sa liwanag ng buwan.

Araw-araw kong hinihintay ang paalam ni Ina—
Gabi-gabi kong tatanawin
ang isinuka ni Bakunawa.


"Takipsilim"
Ni Quennie Jesuro de Vera

Litratong kuha ni: Laarnie Joy Babasa

Address

Daet
4600

Telephone

+639182003262

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when I'm a Joke. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to I'm a Joke.:

Share

Category