Cam.Norte Watch

Call Directions Website

Cam.Norte Watch Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cam.Norte Watch, Gaming Video Creator, Daet.

PCL BICOL REGIONAL LEGISLATIVE SUMMIT, MATAGUMPAY NA IDINAOS SA CAMARINES SUR ; PCL REGIONAL  CHAIRMAN BM REY KENNETH ON...
19/10/2026

PCL BICOL REGIONAL LEGISLATIVE SUMMIT, MATAGUMPAY NA IDINAOS SA CAMARINES SUR ; PCL REGIONAL CHAIRMAN BM REY KENNETH ONING NANGUNA SA AKTIBIDAD

PILI, CAMARINES SUR — Matagumpay na idinaos ang 2026 PCL Bicol Regional Legislative Development and Leadership Summit nitong October 15–17, 2026 sa Fuerte CamSur Sports Complex, Pili, Camarines Sur, na dinaluhan ng mga lokal na mambabatas mula sa iba’t ibang panig ng Rehiyon Bicol para sa tatlong araw na talakayan at pagpapalitan ng kaalaman sa pagsusulong ng mahusay na pamamahala.

Pinangunahan ni PCL Bicol Regional Chairperson Rey Kenneth N. Oning ang pagtitipon, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur. Dinaluhan ito ng mahigit 300 na mga konsehal at bise alkade mula sa anim na lalawigan ng rehiyon, kasama ang iba pang mga lokal na opisyal, upang palakasin ang kanilang kakayahan sa paggawa ng mga ordinansa, pagbuo ng mga polisiya, at pagtugon sa mga pangangailangan ng kani-kanilang komunidad.

Nakiisa sa summit bilang mga espesyal na panauhin sina PCL National Chairman Hon. Atty. Raul R. Corro, Naga City Mayor Leni Robredo, Camarines Sur Governor Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., Vice Governor Salvio Patrick Edmund F. Fortuno Jr., Congressman Migz Villafuerte at Senator Joseph Victor “JV” Ejercito.

Samantala, nagbahagi si DILG Bicol Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober Jr. ng mahahalagang pananaw hinggil sa mga alituntunin ng kagawaran at sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga lokal na sanggunian sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Tampok din sa summit ang Inter-Agency Forum on El Niño Mitigation and LGU Preparedness Strategies, na nagbigay-daan sa talakayan hinggil sa kahandaan ng mga lokal na pamahalaan sa mga hamong dulot ng El Niño at iba pang pagbabago sa kondisyon ng panahon. Kasama rito ang mga kinatawan mula sa DOST-PAGASA, National Irrigation Administration (NIA) Bicol, Department of Health (DOH-CHD) Bicol, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol at PENRO, at Department of Agriculture (DA).

​Ayon kay PCL Bicol Chairperson Rey Kenneth Oning, ang tagumpay ng summit ay patunay ng matibay na pagkakaisa at dedikasyon ng Liga ng mga Konsehal sa Bicol na itaas ang antas ng serbisyo at lehislasyon sa bawat bayan at lungsod.

​Ipinakita ng aktibidad na kapag nagtutulungan at nagkakaagapay ang mga lokal na mambabatas sa Bicol, mas mabilis at mas pangkalahatan ang pag-unlad ng buong rehiyon.

KUNG NGAYON GAGANAPIN ANG HALALAN SA 2028 SINO ANG IBOBOTO MO AT PIPILIIN MO SA DALAWA PARA SA PAGKA-KONGRESISTA NG UNO ...
18/10/2026

KUNG NGAYON GAGANAPIN ANG HALALAN SA 2028 SINO ANG IBOBOTO MO AT PIPILIIN MO SA DALAWA PARA SA PAGKA-KONGRESISTA NG UNO DISTRITO NG CAMARINES NORTE?

FORMER GOVERNOR EGAY TALLADO
MAYOR SEVERINO JOJO FRANCISCO - LABO

PULSO CAM.NORTEÑO

PHOTO 📷 UPDATE STATION

𝐀𝐌𝐘𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐂𝐎𝐍𝐔𝐓 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐎, 𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀...
15/10/2026

𝐀𝐌𝐘𝐄𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐂𝐎𝐍𝐔𝐓 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐎, 𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Amendment to Municipal Coconut Industry Development Council Ordinance sa Bayan ng Labo, na naglalayong higit na maisaayos at mapalakas ang organisasyon at mga programa para sa mga magsasaka ng niyog at sa industriya ng niyog sa bayan.

Ang panukalang amyenda ay inakda ni Konsehal Carlo Gayo Pardo bilang bahagi ng mga hakbang upang higit na mapalakas ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga coconut farmer at sa sektor ng niyog.

Isa sa mahahalagang probisyon ng ordinansa ang pagbibigay ng nararapat na honorarium sa mga miyembro ng Municipal Coconut Industry Development Council, bilang pagkilala sa kanilang oras, serbisyo at mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng industriya ng niyog sa Bayan ng Labo.

Layunin ng ordinansa na magkaroon ng mas organisado at koordinadong pagpapatupad ng mga programa at aktibidad na tutugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at makatutulong sa pagpapaunlad ng coconut industry sa bayan.

Inaasahan ding magsisilbing dagdag na mekanismo ang Council upang mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng mga magsasaka, lokal na pamahalaan at iba pang sektor na may mahalagang papel sa industriya ng niyog.

Ang pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ay isang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga coconut farmer at sa pagpapalakas ng agrikultura sa Bayan ng Labo.

Patuloy na isinusulong ng lokal na Pamahalaang Bayan ng Labo sa pamumuno ni Mayor Jojo Francisco, katuwang ang mga miyembro ng Sanguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Alvin Bardon ang mga hakbang na naglalayong mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka, mapalakas ang sektor ng agrikultura, at mapaunlad ang industriya ng niyog sa bayan.

✍️ | Pastor Jhun Villaraza
📷 | Konsehal Carlo G. Pardo
🎨 | Kristine Filio

​

DUMAGMANG - EXCIBAN SPILLWAY LABO, CAMARINES NORTEUMAPAW AT HINDI NA MADAANAN ANG DUMAGMANG - EXCIBAN SPILLWAY DAHIL SA ...
15/10/2026

DUMAGMANG - EXCIBAN SPILLWAY LABO, CAMARINES NORTE

UMAPAW AT HINDI NA MADAANAN ANG DUMAGMANG - EXCIBAN SPILLWAY DAHIL SA WALANG HUMPAY NG PAG-ULAN SIMULA PA KAGABI SA NASABING LUGAR.

INGAT PO TAYO

HOLIDAY BUKAS Special Non-Working Holiday bukas September 28, 2026 sa lalawigan ng Camarines Norte!
27/09/2026

HOLIDAY BUKAS

Special Non-Working Holiday bukas September 28, 2026 sa lalawigan ng Camarines Norte!

Just In | PBBM NILAGDAAN NA ANG BARANGAY AT SK 5-YEAR TERM BILLAyon kay PCO Usec. Castro, nilagdaan na ni Pangulong Ferd...
25/09/2026

Just In | PBBM NILAGDAAN NA ANG BARANGAY AT SK 5-YEAR TERM BILL

Ayon kay PCO Usec. Castro, nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Dahil dito, ang susunod na Barangay and SK Elections ay itatakda sa November 2028.

ETO NA ANG INAANTAY Tumaas na po ang BABOY Ccto.
25/09/2026

ETO NA ANG INAANTAY Tumaas na po ang BABOY

Ccto.

23/09/2026

Hindi na alam ni Kagawad at Kapitan kung Ngingiti o ngingiwi😂

Address

Daet

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cam.Norte Watch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share