31/03/2023
Huwag nyong mamaliitin ang trabaho ng isang CHOREOGRAPHER at lalong huwag nyo silang BABARATIN. Dahil..
1️⃣. Umpisa palang ng training bago nyo sila kinuha para magturo ay 2-3 months pinag-iisipan nila kung ano ang ituturo nila sa mga performers. Minsan hindi pa yan nakakatulog ng maayos sa pag brain storming ng costumes, concept, props at iba pa para lang maging maganda ang kalabasan ng Production.
2️⃣. Bago kayo nakipagkontrata sa kanila ang TALENT FEE na napagkasunduan ninyo ay hindi lang para sa kanila napupunta ang mga iyon. Sapagkat bumabayad pa sila sa visual artist ng 20-50k, musical director 20-50k, dance master 8-10k minsan apat pa ang dance master humigit kumulang babayad sila ng 40k. Hindi pa kasama doon yung mga pamasahe kapag kinapos ang mga staff at iba pang gastusin. Magkano nalang ang matitira sa kanila? (yan ay local competition) Kaya iniisip ng iba kapag Choreographer ka mayaman ka.
3️⃣. Sa pagtrain palang sa mga performers alam nyo yan hindi bababa sa 50 na tao ang tuturuan minsan umaabot ng 100-400 na tao. Ibat ibang ugali pa ang nakakasalamuha nila kaya hirap din magdisiplina lalo na't pasaway ang performers. Kung tutuusin hindi na trabaho ng Choreographers ang magdisiplina ng bata dahil trabaho ng g**o yun. Ang sa kanila lang ay magtrain lang ng sayaw at kung ano pa. Pero dahil love nila ang ginagawa nila at gusto nilang maging maayos ang kalabasan ng production sila nalang ang nagdidisiplina sa mga performers. Pero may mga tao na hindi nila maintindihan ang pagiging strikto ng isang Choreographer. Ang pag sisigaw or pagiging mataas or malakas na boses ay gawa ng "Call of attention" para lahat makarinig at mag pay attention.
4️⃣. Minsan hindi pa yan sila makakakain at nakakatulog ng mabuti sa kakaisip kung maganda or bagay ba yung naituro nila or kung ano ang ipapalit at isusunod nila sa mga choreography sa loob ng 1-2 buwan na pag-iinsayo.
5️⃣. Minsan mahirap din magturo lalo na On and Off ang mga performers dahil di yan tulad sa loob ng class room na kapag absent ang bata pwedeng bigyan ng mababang Grades, At lalong mahirap magturo or magconceptualize kung matagal nabibili o nagagawa ang mga gamit lalo na't kulang ang budget nyo.
6️⃣. Kailangan nyo pakainin at ilagay sa maayos na room ang mga trainers nyo. Hindi naman kinakailangan na Air conditoned pero dapat nasa maayos na lugar na ma-confortable sila. Di naman mamahaling bigas pero huwag naman world food or NFA. Dahil tulad din ninyo. Kaya sila nagtatrabaho para makakain ng masarap. Take note: kapag walang laman ang tiyan di ka makapag-isip ng mabuti at makakapagtrabaho.
7️⃣. Kailangan lahat ng disisyon ay malalaman nila para naman alam nila ang magiging situasyon. Huwag natin isipin na kahit di sila ang school head karapatan parin nila malaman ang bawat mangyayari at gagawin para systematic ang lahat.
8️⃣. At kung alam nyo sa sarili nyo na mas magaling at mas may alam kayo sa Choreographer na nakuha nyo huwag nyo paring ipagkait sa kanila ang position nila bilang isang Choreographer ng Grupo. Dapat lang na mag bigay alam kayo sa kanila sa lahat ng gagawin or plano nyo sa grupo. At pag-usapan nyo ng mabuti. Hindi yung magugulat na lang yung isang choreographer na nagdecide kayo na wala silang alam. Huwag maging GRANDSTANDING.
9️⃣. Kahit anong problema at plano ay idadaan sa protocall or meeting para aware ang lahat.
🔟. Take note: mula sa pakikipagsundo palang ng talent fee, practice, dressrehearsal at lalung lalo na sa araw ng competition ay pagod na pagod yang pag-iisip at katawan ng choreographers nyo. Kaya kailangan kamustahin nyo rin sila at alagaan sapagkat kapag sila ay nagkasakit or kung ano mang di magandang mangyari sa kanila colapse ang buong team.
1️⃣1️⃣. Sa lahat ng experienced at knowlege na naishare nila sa inyo lalo na't mananalo pa kayo ay di matutumbasan ng kahit gaanong kalaking salapi ang mga yun.
1️⃣2️⃣. Tulad nyo may mga pangangailangan din sila sa buhay at lalong may mga binabayaran din silang mga bills. Take note: di sila Government worker na may monthly salary at di sila pwedeng makapagloan kung kinakailangan kaya huwag nyo sila baratin.
1️⃣3️⃣. At ito ang napaka tindi.. Bahagi sila sa tagumpay ng probinsya, city, municipal, barangay o school nyo lalo na kapag panalo kayo dahil malaki ang naiitulong ng Choreographers nyo sa pag promote ng kultura, tradition at ng lugar nyo.
Maraming Salamat Po! 😊