22/07/2025
Love All Play!
Nagsimula sa simpleng pag sali sa queue.
Di masyadong kagalingan pero nakaka palo naman ako.
Di ko alam ganito pala kasaya at kay ganda.
Ang makasali sa sa mga taong di ko naman kilala.
Sa larong badminton pala ako lalo sasaya.
Mula bata palang nakahiligan ko na.
Pero di naman tayo pinagpala kaya di masyadong malakas.
Yung tipong laro-laro lang sa mga kaibigan at sa daan .
Yun ang badminton na aking nakagisnan .
Akala ko marunong na ako, pero may mas marunong pa pala.
Nung unang sumali ako sa queue muntik pa kong tamaan sa mata.
Dito di mo kilala, pero yung bonding sobrang ganda.
Tawa ng tawa yan pag nag-uusap kayo.
Pero pag pinaglaro mo na ng badminton .
Tang-ina parang si Taguro pumalo.
Sesenta porsyento palang yun ng lakas,
Pero siguradong maga pag tinamaan ka.
Queue, may studyante, mga may trabaho at yung may edad na.
Mga nagsisimula palang, merong may alam na,
Meron ding mga batak na, parang pro kung nasa court na.
Nung unang sali ko'y ibang saya aking nadama.
Ganito pala ang badminton, napakasaya.
Bawat serve, drop at smash puno ng mahika.
Huwag ka lang matulala at baka tamaan ka.
Mga taong di mo kilala, pero sila pa yung naunang pumansin.
Meron ding mga palakaibigan yung di ka nila hahayaan
Di ka nila pababyaan na mag-isa, kasi ang sakit nun diba?
Alam lang talaga nila makisama, at tuturuan ka pa pano maglaro.
Huwag ka lang mag alinlangan na kausapin sila.
Di mo man sila kilala, pero pareho naman kayo ng piniling laro.
And badminton at gamit na raketa,
Sapat na yun para maging maganda ang inyong mga pagsasama
Love All! Ito na nga at nagsimula na ang queue.
Ano kaya gagawin ko? Ipapalo ko ba agad o i-drop lang muna.
Teka teka Flick yun ah, naks naman ako'y naloko pa!
Di lang pala sa pag-ibig ka maloloko sa badminton din pala.
One-Love ito na babawi nako, di to second chance pero, can we give it a try?
Play, at ayun na nga parang pasa ni Kuruko papunta kay Kagami
Naka-zone at slow motion, pero imbes na dunk, kill ka sakin!
Boom! Di to yung tunog ah, parang sound effects lang para sabihin na malakas, haha.
Hanggang sa dumating na sa 30-all ayun ito at mag de-deuce pa nga.
Hirap naman nitong kalaban parang 333 years na pagka-alipin sa mga Kastila.
Ayaw akong bitawan, heto na nga at iflick ko nga.
Ayun kuhang-kuha, pero andun na ko sa harapan handa na mag smash.
Teka s**t! Ang ganda, pero no mercy, kasi kalaban kita.
One-Love at isa nalang kailangan, heto na't isang daang porsyento ng lakas na.
Yung huling rally, para na kong namatay,
kala ko ba queue to? Parang championship na yata ng mga pro.
Ayaw ibigay, kahit pagod na pagod na, sana may makita rin akong taong katulad nila.
Yung hindi bibitaw kahit katapusan na, hanggang dulo bigay na bigay pa rin.
Di natitinag kahit na anong gawin, parang tayo lang pag handa mo na akong mahalin.
At ayun kala ko di aabot buti nalang na net chord.
Para akong bathalang tumitingin sa aking mga deboto.
Lumuluhod sila sa harapan ko.
Grabe panalo na ko at tinitingala pa ako. ( ng kalaban siyempre )
Hanggang matapos ang tatlong oras ng bakbakan.
Pero hindi lang bakbakan lahat yan
Pag nag papahinga ka naman, andiyan yung kulitan.
Yung pagpakilala ng iba, yung mga estranghero sa unang pagkikita.
Ngayon, parang maraming taon na magkakilala.
Nag-uusap pa yan ng kung anu-ano anime, movies,
Minsan crypto pa nga at business ventures.
Yung iba simpleng turo-turo lang sa iba,
Pero di sinasabi crush na pala nila.
Tinuturo oh pa simpleng tanong lang para di mahalata:
"Ano pala pangalan nun? Grabe ang galling."
Pero yung totoo grabe ang ganda, napatulala pa nga
Mga taong masiyahin pero sa likod ng mga ngiti na ito,
Meron palang tinatagong mabigat sa damdamin:
Pag-aaral, mga bayarin, mga kaganapan sa buhay natin
Mga galit na sinasantabi, mga problemang di masabi.
Kasi dito lang sa court ng badminton, panandaliang gumagaan ang damdamin.
Sumasaya ang damdamin sa bawat hampas nga raketa.
Sa bawat dive, natutong lumaban, na di sumuko, kasi yung ang buhay.
Dapat hindi babagsak ang shuttle para di matalo.
Minsan kailangan mong i-clear: ibato sa likod para makabawi ng posisyon.
Gamitin ang isip, para dumepensa sa smash.
Para yung laban di mag wakas.
Kung sakali namang idrop, gawin mo ang lahat.
I-cross drop kung kaya, minsan hampasin nalang pataas.
Kagaya ng buhay, minsan pinapaubaya natin sa taas, lalo pag hinang-hina na.
Teka may partner pa pala ako, andun na siya handang tumira.
Cross drop pa nga yung paborito kong tira.
Panalo na, tayo na't mag kamayan gamit yung raketa.
Kasi pagkatapos ng laro, tayo'y magkaibigan at magkakakilala naman.
Sa larong badminton natuto akong sumaya.
Sa queuing, natuto akong makisama.
Sa court number 7, una kitang nakita.
Grabi ang ganda, regards nga pala sa'yo.
Isang raketerang prinsesa, isang dropshot pa nga. 🙂