Oliver TULA

Oliver TULA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Oliver TULA, Poet, Cebu City.

07/12/2024

"Hindi naging ako, Dahil hindi naging tayo"

Hindi ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing naalala ko ang ikaw at ako
Mga panahon na tayo'y masaya pa
Walang iniintinding problema;
Pinalangin na lagi tayong mag kasama
Hinihiling bawat oras na kapiling ka;
Ikaw lng ang naka lagay sa puso't isipan sinta
Ikaw lang ang mina-mahal at wala ng iba

Sapagkat sa mahabang taong tayo'y magkasama pagpapangap lng ang ipinakita
Ako'y iyong pinili kasi ako lang ang andito ;
Nong nakita ka ng bago kusa mokong iniwan habang akoy nalilito
Hindi na kita masasabayan sa iyong ngiti at pag-iyak
Sayung pag lipad at at pag bagsak
Sa panaginip nlng ba kita matitigan sa mata;
Habang gumagawa ng tula mga mata'y lumluha
Ayaw ko ng maulit pa ang nakaraan ayaw kong maalala

Hindi naging ako dahil hindi namn talaga naging tayo
Sinubukan Kong tumakbo kasulungat nang pag ikot ng mundo
Nag babasakaling kaya kupang habulin ang nakaraang andyan pa ako sa piling mo
Handa kitang mahalin kahit nasasaktan ang aking damdamin
Tinaksil ako ng kalawakan dahil kusa mokong iniwan
Nakakita kalang ng bola't na ilang kusa
mona kinalimutan ang ating pinagsamahan;
Maraming tula na ang Inalay sayo, marami ng naring luha ang na tuyo
Kaya tatapusin ko na ang paksang ito na walang ikaw at ako dahil hindi naging tayo

-RO ✍️

12/04/2024

"HAPPY CRUSH"

I like it when I say your name
This is my months hobby game
I think I'm inlove
And I feel I'm in above

When I see your face
My eye's turn a hearted shape
I like staring at you ;
Thinking that you will love me too

I feel I'm flying in the sky
When you look at me and give a cute smile
You're the only one;
Who inspires me to become a better one

But what is this pain?
When I saw you happy being with him;
I thought it was a happy crush
But it gives me a heartache crash

And now I hide my tears when I say your name
But the pain in my heart still the same
Although I smile and seem care free;
There is no one who misses you more than me.

-|RO|-✍️

06/02/2024

"VALENTINA"

Sa Babaeng Di inaasahang magustuhan
Sana sa darating na kasiyahan;
Ay maitapat kona ang aking naramdaman
Para sa kaklaseng nagustuhan

Hindi naman sa pilitan,kusa lng naramdaman
Tila ba'y ginawa kang inspirasyon
Sa umaga't sa paaralan mg hapon

Palihim kitang tinitignan
Ngiti mo'y lagi kong minamasdan;
Sana'y pag-ibig koy maitapat na para sayo sinta
Para sa darating na "VALENTINA"

Sana kong maitapat kona ang aking naramdaman
Ay sana meron nang hangganan;
At sana direkta kong masabi sayo
Kung gaano ako nag ka gusto sa babaeng tulad mo

-RO✍️

12/12/2023

"Gusto kita"

Gusto kita...
Salitang hindi ko masabi sa kanya
Salitang kay hirap bigkasin pagkaharap siya;
Salita na hanggang ngayun ay lihim kong dinadala

Nong na kilala kita
Pag tibok ng Puso'y nag iba
Mula noon bawat oras gusto siyang makikita;
Kaya ako'y nagtataka...
Kailan kopa naramdaman na ika'y na gustuhan na

Hindi na mapigilan ng aking puso
Masilayan lang siya ay buo na ang araw ko
Gusto kang mayakap at maka-usap
Tiba ba ika'y pinanagarap

Isang araw sa hindi inaasahan
Gusto kong totohanin ang aking nararamdaman
Ika'y gusto nang ligawan
Sapagkat tila ba Puso'y may pinapangambahan

Puso koy kinabahan
Para ban ayaw kong maniwala s aking nararamdaman
Natatakot akong puso na namay masaktan
At muli na namang iiwan sa walang kadahilanan

-RO ✍️

08/12/2023

"Kaklase"

Simula ng ika'y aking masulyapan
Hindi kana mawawala saking isipan
Hindi ko alam kong kailan ito nag sisimula;
Bumibilis ang tibok ng puso pag ika'y nakikita

Wari'y ko bang na gustuhan kita
Alam ko namang may mahal kang iba
Puso'y pagod nasa pag assumero
Pero bakit ika'y lagi tumatakbo sa isip ko

Ang iyong ngiti, tinig, at mga sulyap mata
Hindi mawawala saking alaala
Ika'y ginawang bitwin;
Sa mga mata koy napakaganada ng aking tanawin

Nais kong makita ka, makasama, at maka-usap
Tila ba ika'y pinapangarap ;
Pag-ibig ko sayo'y hindi inaasahan
At sa kaklase kopa talaga na tagpuan

-RO✍️

06/11/2023

"Kay Tagal Kitang Hinintay"

Nasaan kana ba,
Bakit ang tagal mo naman diba,
Kanina pa ako naghihintay,
Kung sakaling ikaw ay dadating sa aking buhay.

Naghihitay sa ating tagpuan,
Upang ikaw ay daraan,
Sa ating pinagsamahan,
Na sana ako ay iyong natatandaan.

Nangungulila ang aking mga mata,
Kung sakaling makikita kita,
Pero bakit wala ka pa,
Nangako kana na magkikita tayo diba.

Gusto ko lang sabihin sayo na miss na kita,
Pero ang tanong darating ka ba,
Habang hinihintay kita,
Papatunayan kong mahal kita.

Pero kailan kita makikita,
Maghihintay ako sinta,
Dahil sa buhay ko ikaw ay mahalaga,
Pero baka ito ay isa na lamang alaala.

Nagbabakasakali pa rin ako,
Andito lang ako,
Naghihintay na dadating ka,
Pero bakit wala ka pa.

Akala ko ba mahal mo ako,
Umiiyak na lang ako,
Habang nakatingin sa iyong litrato,
Na sana dumating ang araw na magkita tayo.

Tagpuang kay saya,
Nawalan na ng sigla,
Dahil di na ata kita makakasama,
Pero maghihintay lang ako hanggang umaga.

Na babalik ka,
Habang ako ay umaasa,
Na darating ka,
Pero wala na talaga.

May iniwan akong sulat sa tagpuan,
Sana ay iyong makita at puntahan,
Pero sana pag nakita mo yun wag kang iiyak ng sobra,
Kasi sa tagal kitang hinitay di ka man lang dumating mahal na mahal kita ngunit ako ay mamamaalam na.

Lumayo na ako sinta,
Malaya kana,
Tandaan mo mga sinabi ko,
Pero ako ay lalayo na sayo.

Dahil hinayaan mong bitawan ako,
Salamat sa iyo,
Nagsusumamo ako,
Pero.............

Paalam na,
Mahal ko o aking sinta,
Ngayon ko lang naranasan ang bagay na ito,
Malaya kana sa gusto mo.

Kung maibabalik ko lang sana ang dati,
Magiging masaya tayo hanggang sa huli,
Pero iba ang iyong pinili,
Kaya ito ako nagsisisi.....

-[RO] - 🤞

08/10/2023

Wala naman akong karapatan
Kasi wala namang tayo
Pero may karapatan akong masaktan
Kasi may gusto ako sayo

Sobrang daya ng mundo
Naging bato ang aking puso
Nararamdaman ay pilit itinatago
Ngunit lihim din namang nabibiyak ang puso

Tumitingin sa kawalan
Luha ay ibig ng magsibagsakan
Mukha mo ay may kaligayahan
Ngunit di naman ako ang naging dahilan.

Ayoko na piliin mo ako
Dahil sa akoy may gusto sayo
Aanhin ko ang makasama ka sa buhay ko
Kung sa puso mo ay iba naman ang laman nito.

Ayoko na sa akin Ika'y magdusa
Piliin mo kung saan ka tunay na maligaya
Hindi kita pipiliting saki'y sumama
Sa sandaling ito ikaw na ay malaya.

"Tula na aking isinulat
Nanggaling sa pusong may sugat
Aanhin pa ang pamagat
Kung sawi at kalungkutan naman ang nakasulat"

08/10/2023

"Pag ibig ko para sayo"

Aking Minahal na ginoo
Sa iyo ay may gusto ako
Pero bakit puso'y nalilito;
Mamahalin mo rin ba kaya ako?

Sanay ma pansin mo ang pag ibig ko
At sanay sa nararamdaman ko ay pareho tayo
Ako'y sigurado sa aking naramdaman;
At sanay sa iyo ay may katotohanan

Habang ako'y nakatulala
Hindi maiwasang Di lumuha
Sa aking naramdaman
Kailangan bang pangambahan?

Ako'y nangagarap na sanay iyong pipiliin
At sanay pag mamahal ay bigyan pansin
Umaasa ako'y magugustuhan
At sa pagmamahal sa akin ay sana walang alinlangan.

-|RO|-

07/10/2023

"Ako yung na una"

Sa pag mamahal ko sayo
Tila bay mundo koy nag bago
Nakukuha mo ang akong intensyon
At ika'y ginawang inspirasyon

Pero bakit iba ang aking nararamdaman
Bakit kalungkotan ang naka lagay saking puso't isipan;
Bakit parang hindi ka masaya
Pag ako'y iyong kasama

Ikaw ay biglang nag bago
Nanlamig at hindi na interesado
Ang pag mamahal mo sakin ay nag laho;
Mundo koy parang gumuguho

May nahanap na ng iba
At sa akin ay nag sawa na
Ako'y naiwang sugatan
At mga mata'y luhaan

Ako namqn yung na una
Pero bakit ako yung nag dudurusa
Ako yung na una;
Pero bakit mas mahal mo siya

Siya lang yung pangalawa
Pero bakit siya payung masaya
Sana ako nalang siya
At sana hindi nalang ako yung na una

Ako yung na una,
Pero hindi na mahalaga
Ako'y susulat nalang ng tula
Pero ang gamit kong tinta ay aking luha

|RO|✍️

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Oliver TULA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category