28/04/2026
Nakakatawa na nakaka-frustrate na talaga yung level ng comprehension ng iba ngayon. Yung issue kay Claire Castro, pinaikot-ikot pa kahit sobrang basic lang naman nung punto.
Nag-focus kayo sa word na “nahuli” na parang may iisang kahulugan lang. As in literal na “nahuli = inaresto” agad? Ganun na ba kababaw mag-isip ngayon?
Ang “nahuli” sa Filipino, hindi lang yan pang-legal term. Hindi yan exclusive sa “arrested.” Pwede yan gamitin sa maraming context—naharang, na-intercept, napigilan, na-control, na-take into custody kahit hindi formal arrest. Lalo na kung usapan ay ibang bansa, ibang sistema, ibang proseso.
Pero syempre, mas madali kasing magpanggap na mali siya kaysa umamin na kayo yung nag-assume.
Kung iisipin mo logically:
-May involvement ng authorities
-May restriction or intervention
-Hindi siya basta malayang kumilos
Photos of zaldy co while detained:
https://tinyurl.com/Zaldy-in-custody
Eh ano yun? Lalagyan niyo pa ba ng ibang word para lang ma-satisfy yung narrative niyo?
Ang problema kasi sa iba, hindi naman talaga about sa “tama o mali.” Gusto lang may ma-bash. Kahit i-twist pa yung salita, go lang basta may mapuna.
And let’s be real, kung ibang tao nagsabi niyan na gusto niyo, hindi niyo yan pupunahin. Tatahimik lang kayo or papalakpakan pa.
Selective outrage at its finest.
Hindi porket hindi niyo gusto yung tao, mali na agad lahat ng lumalabas sa bibig niya. Try niyo rin minsan i-check kung kayo ba yung kulang sa understanding bago kayo mag-ingay.
Hindi lahat ng bagay kailangan gawing issue. At hindi lahat ng hindi niyo naintindihan, automatic mali.
Minsan, kayo lang talaga yung hindi marunong umintindi.