04/09/2020
Please react, share, and mention some friends God bless😍
Dither John M. Seville:
"Ang aking iginuhit ay nagpapakita ng paghihimagsik ng bawat mamayang pilipino para sa isang layunin. Ito ay ang pagpapanatiling ligtas at malaya sa anumang kapahamakan ang mga mamamayang pilipino para maipagpatuloy ang kulturang kinagisnan noon.
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging matapang sapagkat uhaw tayo sa katarungan at kalayaan. Marami ng mga dayuhan ang sumakop sa ating bansa noon ngunit dahil sa alab ng puso ng ating mga bayani at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino ay nagapi natin sila. Ngayon meron na naman tayong bagong kalaban ang Covid-19 na kumalas na ng maraming buhay at isang malaking banta sa paglago ng ating bansa. Sa aking iginuhit makikita mo na pilit na inaatake ng virus ang mga frontliner dahil gusto nilang sirain ang kalasag na nagsisilbing proteksyon sa ating paraiso at kultura. Dahil sa paghihimagsik noon ng ating mga bayani nagsisilbi natin silang inspirasyon upang magkaroon ng lakas ng loob na labanan ang pandemya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina. Kahit wala na sila ay nananalaytay parin sa ating mga ugat ang pagiging matapang at hindi pagsuko sa laban kaya parang nang diyan parin sila para pasiklabin ang alab ng ating puso. Ngayon ang nagsisilbing sundalo natin ang mga frontliners dahil sila ang sumasagawa nang pagbabayanihan na pilit binubuhat ang parang bahay kubo nating bansa kung saan nangdun din tayo para iligtas ang lahat.
Ang nasa gitna ay ang ating likas na yaman na pinagkukunan natin ng pangkabuhayan at pagpapalago ng turismo sa ating bansa. Ito ang isa sa ating pinoprotekta dahil ito ang ating hiyas na dapat pangalagaan laban sa anumang banta. Ang nasa bandang itaas naman ay ang ating kasaysayan dito nagmula ang ating wika at sining. Dahil sa patuloy na pagbabago ato pagiging malikhain ng ating mga ninuno ay nabuo ang ating nga wika na nagsilbing komunikasyon natin sa isat-isa. Dahil rin dito nabuo ang mga kwento na ngayon ay naging kasaysayan na natin. Ang nasa gitna na naman ay ang Diyos na nagsisilbing lakas at gabay natin upang malampasan nag lahat ng sakuna.
Napaka importante nang kaligtasan at kalusugan dahil hindi mabubuo ang ating kapuluan kung wala tayong mga pinoy. Hindi natin maipagpapatuloy ang nasimulan ng ating mga ninuno kung matatalo lang tayo sa isang sakit. Kaya ingatan ang kalusugan at wag kalimutang maging mapaghimagsik laban sa COVID-19."