30/11/2025
PILIIN ANG PILIPINAS
🇵🇭
by FILIP INO
(News Report)
"Sa ulo ng mga balita…"
(Intro)
May isang lihim, biglang lumabas,
Sa isang palabas — ito ba’y palabas?
Hindi ko na mawari kung ito’y kunyari,
O tunay na pangyayari, utos ng hari!
(Instrumental)
May nahulog una, hinila ang pangalawa,
At sa pag-laglag nila, nadamay pati iba.
Kaya nang bumagsak ang buong lakas,
Walang nakalikas, walang nakaligtas.
May nagturong kaliwa, nagturong kanan,
Pero sa dulo, sila rin ang naglaglagan.
May tila tahimik, nagkunwaring banal,
Pero bandang huli, isa palang hangal, ("kupal!")
(Chorus)
May isang lihim, biglang lumabas,
Sa isang palabas — ito ba’y palabas?
Hindi ko na mawari kung ito’y kunyari,
O tunay na pangyayari, utos ng hari!
Itong si unggoy, muli uling dumenggoy
Alyas pogi daw ang muling nagnakaw
Sigurado ka sa salin? 'di ka pa umamin
Dyus ko Lord, panay ang "praise the Lord!"
Nag-resign, hugas kamay ang design
Pinalitan, ng isa rin palang kasabwatan
Lahat sila, sindikato ng mga kawatan
Nilimas ang kaban, kawawa ang bayan!
(Chorus)
May isang lihim, biglang lumabas,
Sa isang palabas — ito ba’y palabas?
Hindi ko na mawari kung ito’y kunyari,
O tunay na pangyayari, utos ng hari!
(Bridge)
Dati, nilalabanan nyo ang mga gahaman
Anyare? Nasilaw na ba sa kapangyarihan?
Kahit mali, pilit dinidikdik ang "dick" na hari
Eh mismo si Inday...me... alam ang nangyayari!
(Chorus)
May isang lihim, biglang lumabas,
Sa isang palabas — ito ba’y palabas?
Hindi ko na mawari kung ito’y kunyari,
O tunay na pangyayari, utos ng hari!
(Melodic Bass / Guitar Solo)
(Pre-Outro)
Sila-sila na lang ba ang mga kandidato
Eh sila naman pareho ay mga sindikato
Hindi ba puwedeng pumili tayo ng bago
Kung ang pangarap natin ay tunay na pagbabago
(Outro)
Hindi ang dati, hindi na ang makaluma,
Hindi ang ngalan ng pulitikong pamilya
Kundi ang pag-asa na bago at wagas
Mga kababayan —
PILIIN ANG PILIPINAS.
DISCLAIMER:
These songs are creative reflections inspired by real issues, events, and social behaviors observed in the Philippines. They do not represent personal attacks or endorsements. They are artistic commentaries meant to spark thought, awareness, and conversation. 🎨🖌️