30/04/2026
Sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa, ang Isabela State University (ISU) ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagbibigay-pugay sa lahat ng manggagawang Pilipino na nagsisilbing pundasyon ng ating ekonomiya at haligi ng patuloy na pag-unlad ng ating bansa.
Kinikilala ng ISU ang walang kapantay na sipag, dedikasyon, at sakripisyo ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang sektor – mga magsasaka, manggagawa sa industriya, propesyonal, g**o, at mga kawani, na araw-araw na nagsusumikap upang maitaguyod ang kabuhayan ng kanilang pamilya at maitaguyod ang kaunlaran ng bayan.
Bilang isang institusyong pang-edukasyon, muling pinagtitibay ng ISU ang kanyang misyon na maglinang ng mga mamamayang may kaalaman, kakayahan, at malasakit sa lipunan – mga indibidwal na handang mag-ambag sa isang makatarungan, inklusibo, at maunlad na lipunan para sa lahat ng manggagawang Pilipino.
Sa araw na ito, sama-sama nating ipagdiwang ang dangal ng paggawa at patuloy na ipaglaban ang kapakanan, karapatan, at dignidad ng bawat manggagawa.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino!
| |
|
----
Get to know more about Isabela State University by visiting our official website.