05/09/2026
πππππππ πππππππ, ππππππππππ ππ πππππππππ ππ BAYAN NG ALICIA
Matagumpay ang isinagawang medical mission ng Department of Health Office (Rural Health Unit) Alicia kasama ang Southern Isabela Medical Center ngayon araw Setyembre 5, 2026 sa Barangay Rizal bagamat sa susunod na sabado (Setyembre 12) ay sa Barangay Bagnos at (Setyembre 19) sa Barangay Mabini sa nabanggit na bayan.
Pinangunahan ni Saggunian Bayan Member Dra. Mila Paguila Committee on Health, na layunin ito na maihatid ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad. Tinatayang nasa libo-libong katao na benepisyaryo at karamihan ay mula sa marginalized sector at nabigyan ang mga ito ng libreng medical at konsultasyon, check-up, at pamamahagi ng mga Libreng gamot.
Sa panayam ng CIA- Bayanihan Media Channel Kay former Saggunian Bayan Member Gayzle βGegeβ, Reyes at ngayon ay director general ng pista na unang araw ng selebrasyon ang 77th Founding Anniversary at magtatapos ito sa Setyembre 28 taong kasalukuyan ng bayan Alicia.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay Salvacion, Rizal, Sto.Domingo, San Juan, Amistad, at Mataas na Kahoy sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Medical Mission na isinagawa para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.
Lubos po ang aming pasasalamat sa mga Medical Doctors, sa mga kawani ng RHU 1 Floridablanca, at sa lahat ng mga volunteer at katuwang na naglaan ng kanilang oras at serbisyo upang maihatid ang libreng serbisyong medikal sa ating mga kabarangay.
Maraming salamat din po sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) gayundin sa ating mga Barangay Tanod sa kanilang mahalagang ambag upang maging maayos at matagumpay ang programa.
Ang gawaing ito ay higit na naging makahulugan sapagkat pinili ng ating masipag at mapagmalasakit na Punong Barangay, Hon. Andy Dela Pena, PB Dominador Mayo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng paglilingkod at pagbibigay ng tulong medikal sa ating mga kabarangay.
Sa halip na personal, inuna niya ang kapakanan at kalusugan ng mamamayan ng mga nabanggit na Barangay na isang tunay na halimbawa ng tapat at makabuluhang pamumuno.
Nawaβy patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kalakasan, at gabay ng Poong Maykapal sa inyong walang sawang paglilingkod sa ating barangay at Ang naturang medical mission ay patunay ng sama-samang pagkilos ng ibaβt ibang sektor ng pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.