Tula ng isang Makata

Tula ng isang Makata tula ng buhay ko

07/11/2020

NILOKO

NAPAKALAMIG NAMAN NITONG GABI
NA TANGING KUMOT AT UNAN ANG NASA TABI
NAPAKALUNGKOT NAMANG ISIPIN NA IKAW AY MAY KATABI
AT YON AY HINDI AKO ANG KASAMA MO TUWING GABI

MAHAL BAKIT IKAW AY HUMANAP NG IBA
SA PAGKAKAALAM KO, AKO AY SAPAT NA
AT AKO LANG WALA NG IBA
PERO BA’T ANG LAHAT AY BUMALIKTAD NG KUSA

IKAW AT AKO AY WALA NA
WALA NA ANG DATING PAGSASAMA
ANG TAMIS NA NGITI AT LIGAYA
NA DALA NUNG TAYONG DALAWA PA

SANA DI NA LANG KITA NAKILALA
PARA DI NA AKO NASAKTAN AT LUMUHA
SANA NAGING PANAGINIP NA LANG ITO
PARA SA PAG-GISING KO WALA NG IKAW SA ISIPAN KO

07/11/2020

TAKSIL NA KAIBIGAN

AHAS KA AKING KAIBIGAN
PATI AKING KASINTAHAN
AY IYONG PINAGSALUHAN
KAPAG IKA’Y KANYANG SINAMAHAN

PINAKATIWALAAN KITA
PERO IYONG SINIRA
DAHIL SAYONG GINAWA
NAPAG-AGAW SA KANYA

IBA TALAGA ANG KAMANDAG MO
DAHIL SYA AY NAKUHA MO
AT KINALIMUTAN MONG KAIBIGAN MO AKO
PARA LANG MAKUHA ANG GUSTO MONG MAPA SAYO

SANA’Y MAGING MASAYA KA SA MUNDONG PINASUKAN MO
SA PILING NG TAONG MINAHAL KO AT MINAHAL MO
NA SA NGAYON AY NAKUHA MO
KAHIT MASAKIT AY TATANGAPIN KO

07/11/2020

RASON

NGUMINGITI AKO PARA MAITAGO ANG NABASAG KONG MUNDO
TUMATAWA AKO PARA MATAKPAN ANG NAWAWALA KONG PAGKATAO
UMIIYAK NA LANG HANGGANG MAWALA ITO
WALANG NAKAKAALAM, NI ISA DI NAKAKAINTINDI KUNG ANO

NAPANAGINIPAN KO ANG AKING KINABUKASAN
KAYA TAKOT AKONG BUMAGSAK SA KATOTOHANAN
KATOTOHANANG PUMUKAW SA’KING KATAPANGAN
HANGGANG AKO’Y NAGING TALONAN

IKAW ANG RASON KONG BAKIT AKO’Y NAGKAGANITO
AT IKAW RIN ANG RASON KONG BAKIT AKO’Y NABILANGGO
NABILANGGO SA ISANG MUNDONG PUNO NG LARO
LARO NA SA BUONG BUHAY KO’Y DI KO GINUSTO

NAGKAMALI AKONG IKAW ANG PINILI KO
TAMA KA NONG AKO’Y INIWAN MO
ANG PAGKASUKO NA PARANG ISANG PANAGINIP KO
NA HUMIHILING NG TIME MACHINE PARA MAIBALIK ANG PAG-IBIG MO

ANG MALAMIG NA HANGIN SA GABI ANG SYANG KAYAKAP KO
PERO ANG YONG PAG- AALAGA ANG SYANG NAGPAPAINIT SA MALAMIG KONG PUSO
WALA NA AKONG MAGAGAWA KASI AKO AY NAGING BOBO
SA PAGPILI NG TAONG MAKAKASAMA KO

14/07/2020

Balikan ang Nakaraan

Ang sarap balikan
Ng ating nakaraan
Ang mga tawanan at kulitan
Kulitang hindi matutumbasan

Ang sarap balikan
Ng ating nakaraan
Nung tayo'y nagkikita sa dating tagpuan
At buong araw na nagkukwentuhan

Nakaraa'y ibinaon mo na
Pero pilit ko paring hukayin para maibalik pa
Maibalik ang dating pagsasama
Na syang bumigay sa'kin ng pag-asa

Ang sarap balikan
Ng ating nakaraan
Na ikaw at ako ay nagsumpaan
Na walang iwanan magpakailanman

14/07/2020

Laro

Simula ng makilala kita
Buhay ko'y biglang nag-iba
Naging masaya at lumigaya
Pag ikaw sinta ang aking kasama

Pero bakit ako'y iyong niloko
Nung nahulog ako sayo'y di mo ako sinalo
Yun pala may ibang taong nagmamay-ari sayo
At ako naman ay tangang nagpauto

Sana'y sinabi mo
Na ang lahat ng 'yon ay isang laro
Para ng sa ganon ako'y nakipaglaro
At para maiwasang masaktan ang aking puso

Ito lang ang tandaan mo
Hindi sa lahat ng oras ay na sayo
Darating ang araw na iyong mapagtanto
Na tama bang ako'y iyong niloko

14/07/2020

Maling Tao

Alam mo naman na ang pag-ibig ko sayo'y totoo
At walang halong biro at laro
Pero bakit ako'y iyong sinaktan
Na para bang puso ko'y iyong sinugatan

Ginagawa ko naman ang lahat para sayo
Para mapasa'kin ang iyong puso
Pero bakit ako'y iyong niloko
May mali ba?may mali ba na sa akin na nakita mo?

Ayoko ng umibig sa maling tao
Taong napakatanga at napakabobo
Dahil hindi nya kayang umibig ng husto
Na ang tanging hangad nya lang ay manloko

Kaya itigil na natin ang ating kalukuhan
At iwasan mo na rin na may tao ka pang mapaglaruan
Baka darating ang araw na iyong maranasan
Ang sakit na aking dala nong tayo'y nagmamahalan

14/07/2020

Gumising Ka

Sa isang napakalamig na gabi
Ako'y nakaupo sa isang tabi
Na nagnanais na may makatabi
At mahalikan ang iyong labi

Pero kahit anong aking gawin
Wala naman sa'king pumapansin
Dahil ako'y minamalas sa pagpili ng aking iibigin
Kaya ako'y dapat ay magising na sa'king pangitain

Gumising ka aking kaibigan
Gumising ka sa katotohanan
Para maiwasang ikaw ay masaktan
Masaktan ng lubusan

Ang lahat ng ito'y panaginip lamang
Panaginip na sya'y dumadala sa'kin sa pagkamangmang
Kaya'y dapat gisingin ang aking puso't isipan
Sa isang napakasakit na katotohanan

14/07/2020

Kailann Kaya?

Ito ba ang ikot ng aking buhay
Na ang tanging hangad ay buhay na matiwasay
Pero bakit sa'king nararanasan ay ayaw ko ng mabuhay
Dahil buhay ko'y wala ng saysay

Ako ay para ibong nasa loob ng hawla
Na gustong lumipad at maging malaya
Pero kahit anong pilit kung maging masaya
Di ko paring makuhang tumawa

Kailan kaya ako magiging malaya?
Kailan kaya ako magiging masaya?
Kailan kaya makukulayan ang aking buhay?
Kailan kaya ako magkaroon ng saysay?

Ganito na ba ako kasama
Na parang pinarusahan ng tadhana
Tadhanang na siya'y dumala
Sa akin na mawalan ng pag-asa

14/07/2020

Tulungan mo Ako

Nakatayo ako sa harap ng salamin
Nakita ko ang aking sariling bagsakin
Tanging ang madilim na buhay ang aking yayakapin
Na parang isang prisong di pweding palabasin

Problema ang syang kadahilanan
Kung bakit sarili ko'y pinabayaan
Pinabayaan ng lubasan
At nilamon ng kadiliman

Tulungan mo ako
Dahil kalungkutan ang syang unti-unting pumapatay sa'king pagkatao
Walang may nakakaalam kung saan ako pupunta
Na kahit ang aking sarili ay walang-wala

Tali, lason at kutsilyo
Na syang tumatakbo sa loob ng aking ulo
Na ngayon ang tanging gusto
Ay matakasan ang lahat ng ito

Tulungan mo ako
Gusto kong maging malaya
Tulungan mo ako
Bago ako tuluyang mawawala

14/07/2020

Unang Pag-ibig

Naging mapait ang aking unang pag-ibig
Dahil hindi kasintahan nya akong ikabig
Ako'y nadala sa talas ng kanyang bibig
Kaya ako'y nabihag at napaibig

Ikaw ang unang taong minahal ko
Minahal ko ng lubos at totoo
Kahit masasakit na salita ang sinasabi ng ibang tao
Kinaya ko ang lahat-lahat para sayo

Unang pag-ibig, ba't napakasakit
Niloko sinaktan ng paulit-ulit
Na parang tadhana'y napakalupit
Ang sa'kin na lumalapit

Mga huling salitang aking sinabi
Ayoko ng umibig ng matindi
Dahil nasa huli ang lahat ng pagsisi
At umibig ay isantabi

Address

Cauayan
6112

Telephone

+639974791020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tula ng isang Makata posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share