10/06/2023
May pagod na kapag naitulog natin nawawala. May pagod na kapag naidanan sa pagkain, unti-unting humuhupa. May pagod ding nangangailangan ng yakap mula sa mga mahal natin. May pagod na nagagamot ng payapang paligid at sariwang hangin.
Pero minsan, nakakaramdam tayo ng pagod na hindi natin alam kung sa paanong pahinga idadaan.