16/05/2026
๐ฃ๐๐๐ก๐ฌ๐๐ฌ๐ | ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ธ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐
Inaanyayahan ang sambayanan na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit sa darating na Linggo, Mayo 17, 2026. Sama-sama nating gunitain ang maluwalhating pag-akyat ni Kristo at pag-alabin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, Banal na Misa, at prusisyon.
๐ ๐ง๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐ป:
4:00 PM | Santo Rosaryo
4:30 PM | Panalangin para sa Flores de Mayo
5:00 PM | Banal na Misa at Pag-aalay ng mga Bulaklak
6:00 PM | Prusisyon
Sa pag-akyat ng Panginoon sa langit, ipinapaalala sa atin na ang ating pananampalataya ay hindi nagtatapos sa lupa, sapagkat mananatili Siyang kasama natin sa ating paglalakbay upang tanglawan ng Kanyang liwanag at kadakilaan.