24/03/2023
VICTORY!
White Lion, dinaig ang Blue Phoenix sa Mobile Legends
Nasungkit ng White Lion ang panalo matapos nilang daigin ang Blue Phoenix sa ikalawa, reverse sweep sa larangan ng Online Games na Mobile Legends, 2-1, Santiago National Highschool (SNHS), Marso 24,2023.
Nagpakitang gilas ang mga manlalaro ng White Lion sa pamamagitan ng mga malalakas na heroes para lamunin ang hangarin ng Blue Phoenix na manalo.
Sa unang laban, naglatag ng mala-halimaw na batak ang grupo ng Blue Phoenix ng magkaroon ng sunod-sunod na pagpatay sa ilang hero ng White Lion.
Nagpakita ng husay ang isa sa manlalaro ng Blue Phoenix na si Marc Ronald Sael matapos niyang makuha ang turtle gamit ang Esmeralda.
Samantala, naging unstoppable din ang isa sa manlalaro ng White Lion na si Vincent Loyd Maynopas nang makapatay ito ng limang kalaban habang wala pang nakapapatay sa kanya, ngunit patuloy na lumalakas ang puwersa ng Blue Phoenix kaya nakuha nila ang Victory sa unang laro.
Sa pangalawang pagtatapat, dito na uminit at lumabas ang tunay na husay at lakas ng White Lion kung saan nakuha nila ang panalo sa ikalawang tapatan na naging daan nila para sa reverse sweep.
"Nabigyan kami ng pagkakataon na manalo sa ikalawang tapatan dahil ginamitan namin ng good techniques kung saan mayroong teamwork at tiwala lang sa sarili na kaya niyong ipanalo ang laban", ayon kay Vincent Loyd Maynopas, manlalaro ng White Lion.
Para tuluyan ng wakasan ang laro sa reverse sweep, inilabas na ng white Lion ang kanilang totoong bagsik, talas ng mata, at bilis ng kamay para mas lalong matapatan ang grupo ng Blue Phoenix.
Wagi ang White Lion mula 2nd maging sa huling laban at itinanghal ang grupo bilang panalo.
"Ang ginamit kong hero sa reverse sweep ay si Valir, nanalo kami sa 2nd at huling tapatan dahil mayroong teamwork at communication na naganap sa grupo namin, dapat talaga na mayroong communication para manalo sa laban, tapos more on practice pa, dapat batak lang nang batak", ani ni James Carl Piollo, MVP ng White Lion.
Sa panig naman ng Blue Phoenix hindi naging madali para sa kanila ang laban sapagkat parehong mahuhusay ang mga manlalaro ng White Lion at malalakas na mga heroes ang ginagamit nila.
"Ang hero na ginamit ko ay si Aamon. Sa paglalaro ng ML hindi talaga kami masyadong aggressive sa mga team fight tapos hindi namin pinapabayaan ang mga objective, pero kahit anong gawin namin malakas talaga ang grupo ng White Lion ", ayon kay Steven Atugan, manlalaro ng Blue Phoenix.
✍️: Marianne Velasco Masugbod
📸: Niña Joyce Moring Bantayan