11/08/2026
Hindi lahat ng makeup artist nagsasalita
tungkol dito...
pero minsan kailangan din marinig ang side namin.
Hindi ito para mang-away.
Para ito magkaintindihan.
Kasi ang totoo...
hindi lang 'makeup' ang binabayaran mo.
Here are 5 reasons bakit hindi mo dapat baratin
ang makeup artist:
1. Makeup is expensive kahit local brand pa
'yan
Minsan akala ng iba,
"Makeup lang naman 'yan, bakit mahal?"
Pero hindi mo nakikita 'to:
Isang foundation: P1,500-P3,000
Isang palette: P2,000+
Brush set: libo din
Iba-ibang shade para sa iba-ibang client
From skincare to setting spray, hindi ito isang produkto lang.
Isang buong system 'yan.
At kapag pinagsama-sama mo... malaki talaga ang investment.
2. Makeup artists are also providers
Behind every makeup artist...
may pamilya. may bills. may responsibilidad.
Hindi ito "sideline" lang para sa karamihan.
Ito ay kabuhayan.
Just like any professional, we also deserve to be paid fairly for the service we give.
3. You're paying for more than the makeup,
you're paying for the experience
Hindi lang ito simpleng paglalagay ng makeup.
Yung 4AM call time
habang tulog pa ang lahat, bumibiyahe na ang makeup artist mo.
We also invest in:
Lighting
Chair & setup
Hygiene (sanitation, disposables)
Kit maintenance
At higit sa lahat, we invest in learning.
Trainings
Years of experience
Para pag upo mo sa chair... kampante ka.
4. Our rates fund our growth
Kapag binabarat ang makeup artist, hindi lang kita ang nababawasan.
Opportunity ang nawawala.
Opportunity to:
Upgrade products
Improve skills
Give you a better experience
Kung gusto mo ng mas magaling na service,
kailangan din namin ng capacity to grow.
5. Time, effort, and real-life costs are real
Call time na madaling araw
Traffic
Gas (jusko)
Pagod
Setup at ligpit
Minsan 1-2 hours mo lang kami nakikita... pero hindi mo nakikita yung oras bago at pagkatapos.
Hindi lang ito oras, energy at dedication din 'yan.
At sa totoo lang...
Hindi mahal ang makeup artist.
Nasanay lang ang iba na i-undervalue sila.
At the end of the day...
hindi naman kailangan pilitin.
Kung hindi pa kaya ngayon, okay lang.
May right timing para sa lahat.
Pero tandaan mo:
May mga taong nag-iipon
para ma-afford ang artist na gusto nila.
Hindi dahil mahal, kundi dahil worth it.
Para sa mga kapwa ko makeup artist...
Ito ang reminder mo:
Hindi ka mahal, may VALUE ka.
Hindi mo kailangan ibaba ang presyo mo
para lang makakuha ng client.
Kasi ang tamang client... irerespeto ang presyo mo. At hahanapin ka, hindi tatawad sa'yo.
Ctto