Pluma at luha

Pluma at luha Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pluma at luha, Poet, 101Purok 2 Longos Calumpit Bulacan, Calumpit.

14/08/2024

Paano ko sasabihin sa batang ako, na hindi na masaya rito?

24/07/2024

Paglisan at Paghilom

Siguro nga'y hindi pa naghihilom
Ang sakit na dala ng kahapon
Marahil nga'y takot ka nang maulit ang nangyari noon
Kaya't pinili mong ang lahat sa limot ay ibaon.

Pero marami ng nag-iba nang ika'y lumayo
Sa paglisan mo'y iniwan mong ang lahat ay magulo
Malabo at hindi pa sigurado
Maging ang isip ko'y magulo.

Walang araw na hindi ko naalala ang mukha mong maamo
Ang ngiti mong makita ko lang ako ay nagiging kalmado
Ang boses mong tila musika na aking paborito
Ang mata mong gusto kong titigan minu-minuto.

Sana'y malaman mong ako'y laging nandito
Hihintayin ko ang oras ng pag galing mo
Hindi ako mapapagod maghintay ng pagbalik mo
Nang ating matuloy ang naudlot nating kwento.

Address

101Purok 2 Longos Calumpit Bulacan
Calumpit
3003

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pluma at luha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category