The Nava Cruz Gallery

The Nava Cruz Gallery Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Nava Cruz Gallery, Arts and entertainment, Panducot, Calumpit.

LA CASA AZUL (The Nava Cruz Gallery/Museum)

• The very first “Filipino-Arabian Cultural & Heritage Home” in the Town of Calumpit.

• ”A special place that tempts you with a promise of new discoveries from art collections, books, foods, and people.

“MIGRASYON at DIASPORA”(Coming up soon with the “Palacio Gandara” (The Fortress of U & Friendship Park) in Bolinao, Pang...
06/08/2026

“MIGRASYON at DIASPORA”
(Coming up soon with the “Palacio Gandara” (The Fortress of U & Friendship Park) in Bolinao, Pangasinan carrying the visions and advocacies of La Casa Azul (Nava Cruz Gallery-Museum) in Calumpit, Bulacan.

• Migrasyon at Diaspora – Isa ang paksang ito na bibigyang “Sining Biswal” at masinsinang “Paglalahad Gamit ang Pluma” sa sinisimulang ipatayong “Fortress of U and Friendship Park” sa Bolinao, Pangasinan. Isang pagbibigay kulay at pakahulugan sa pangingibang bansa ng bawat isang Dayuhan tulad ng bawat Pilipino (Overseas Filipino) na nasa ibang bansa sa pamamagitan ng isang sinisimulang isulat na aklat, “Palacio Gandara”, the Fortress of U” by J. Nava Cruz

• Ano nga ba ang mga Likhang Sining, Niyakap na Kultura at Kuwentong Buhay sa Mundo ng Migrasyon at Diaspora? Ano nga ba ang dinala at inuwing pabalik ng mga Pilipino na sumakay sa “OFW Bandwagon” na ngayon ay nagsisilbing isa sa mga Bagong Mukha ng Kasaysayang Pinoy? Ano nga ba ang malaking ambag ng mga Pinoy kasama ang kanilang mga mga kontemporaryong manggagawang banyaga na patuloy na humahabi ng mga daan at nagsisilbing tagapagtulak ng pagbuo ng kanilang bansa habang nagsisilbing mga katalista para sa paglago ng ekonomiya, pagsulong ng imprastraktura, at pandaigdigang paglilipat ng kaalaman sa pinagtatarbahuhang bansa? Sa pamamagitan ng pagpuno sa mga kritikal na kakulangan sa paggawa, pagpapakilala ng mga espesyalisadong teknikal na kasanayan, at pagpapaunlad ng diplomasya sa iba't ibang kultura?

La Casa Azul (Nava Cruz Gallery-Museum)

Mula sa Pahina ng SMB "Ang museo ay isang buhay na institusyon ng karunungan na nangangalaga sa ating mga pamana. Sa baw...
05/08/2026

Mula sa Pahina ng SMB

"Ang museo ay isang buhay na institusyon ng karunungan na nangangalaga sa ating mga pamana. Sa bawat materyal na matatagpuan sa mga museo, umaagos ang kuwento ng ating paglalayag sa kasaysayan. Halina't pumasyal sa mga museo sa Bulacan at sipatin ang pamana ng nakaraan." - Samahan ng Mga Museo ng Bulacan (SMB)"

Bawat alon, may kuwento. Bawat museo ay kabahagi.

Nakikiisa ang Samahan ng mga Museo sa Bulacan sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na may temang "𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻."

Ang museo ay isang buhay na institusyon ng karunungan na nangangalaga sa ating mga pamana. Sa bawat materyal na matatagpuan sa mga museo, umaagos ang kuwento ng ating paglalayag sa kasaysayan. Halina't pumasyal sa mga museo sa Bulacan at sipatin ang pamana ng nakaraan.

"Sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig. 𝑇𝑎𝑟𝑎, 𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛—𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑘𝑙𝑎𝑠𝑖𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑎𝑑𝑎𝑙ℎ𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑎𝑙𝑜𝑛!"

I-follow ang page ng National Historical Commission of the Philippines para sa mga aktibidad na inihanda para sa Buwan ng Kasaysayan.




“FORTRESS of U & FRIENDSHIP PARK”  (Bitbit ang mga Adbokasiya at Adhikain ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) ng ...
03/08/2026

“FORTRESS of U & FRIENDSHIP PARK”
(Bitbit ang mga Adbokasiya at Adhikain ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) ng Bayan ng Calumpit, Lalawigan ng Bulacan.

Punong-puno ng inspirasyon at determinasyon na mapatapos ang “Fortress of U & Friendship Park” sa Bolinao, Pagasinan kung saan matatagpuan ang ibat-ibang Sulok ng Paggunita at Pagsaludo sa mga Special na Tao na naging bahagi ng mga inikutang Mundo ng anak at artist ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery-Museum). Matatagpuan dito ang:

“The ROSE GARDEN” bilang tribute sa kanyang Ate Rosie (Rose).

• Sa diwa ng idyoma, ang "Rose Garden" (Hardin ng mga Rosas) ay sumisimbolo sa isang sitwasyong lubos na kanais-nais, madali, o perpekto. Madalas itong ginagamit sa isang pahayag upang ipaalala sa mga tao na ang buhay o ang isang partikular na gawain ay puno ng mga pagsubok. Bakit mga Rosas?: Nakabatay ang idyomang ito sa kaibahan ng magaganda at mababangong bulaklak at ng masasakit at matatalim na tinik na nakatago sa mga tangkay nito. Sa puso ng manunulat at anak ng Nava Cruz Gallery-Museum, ang kanyang Ate Rosie ay simbolo ng isang Makabagong Babaeng Pilipina. Mapagmahal pero kayang Tumayo para Manindigan at Lumaban.

“The FRIENDSHIP FOOTPATH” bilang paggunita sa pagmamahal ng isang kaibigan na tinuring niyang kapatid: Si HERA (Hera Marghate Gonzaga-Gonzales).

• Ang pariralang "Daanan ng Pagkakaibigan" ay walang iisang opisyal na kahulugan sa talasalitaan (diksyunaryo), ngunit malawak itong ginagamit bilang metapora para sa mga pinagsasaluhang paglalakbay sa buhay at bilang literal na termino para sa mga proyektong imprastraktura ng komunidad na sumisimbolo sa kooperasyon. Depende sa konteksto, ang parirala ay may magkakaibang kahulugan (a) Ang Kahulugang Metaporikal (Paglalakbay sa Buhay na Magkasama), (b) Sa panitikan, sikolohiya, at pang-araw-araw na pag-uusap, ang isang daanan ng pagkakaibigan ay kumakatawan sa simbolikong daan na nilalakaran ng dalawa o higit pang tao habang sila ay bumubuo at nagpapanatili ng isang ugnayan bilang isang Pamilya.

“POSO (Deep-well)”, an Artist Talk •  Bilang isang “cultural artwork / center stage” sa sinisimulang develop na “Fortres...
23/07/2026

“POSO (Deep-well)”, an Artist Talk

• Bilang isang “cultural artwork / center stage” sa sinisimulang develop na “Fortress of U & Friendship Park” sa Bolinao, Pangasinan na bahagi ng adbokasiya ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum sa Bulacan. • “U” stands for Understanding. • Sa salitang Pilipino, “Moog ng Pang-unawa at Liwasang Pangkaibigan”.

• Ang TANONG(?): “Bakit may Poso? Ano ang kahulugan… katuturan… simbolismo nito sa curator/artist/owner ng property?

• SAGOT: • Una: Bilang manunulat, author/museum owner, sa mga Sulok ng Poso ko natunghayan…. narinig…. nasalamin ang Kahulugan ng salitang Pagmamahal (LOVE). Dahil sa isang Sulok ng Poso sinabi sa akin nang aking INA noon, “Anak, tandan mo… Love for OTHERS is NOT only a Word... but Care and Compassion in Action.”

Ikalawa, kailangan nang source of water para matugunan ang gagawing construction sa property site sa Bolinao. Pangatlo, at higit sa lahat, isa itong Pagsaludo, Pagbibigay Halaga sa Bakas ng Kahapon para sa mga pangkaraniwang Pamilyang Pilipino tulad nang ginawang pagtataguyod sa aming pamilya ng aking pinakamamahal na Ina’t Ama… at sa aking mga Ate lalu na kay Ate Mila na aming panganay. Siya ang aming pinuno noon katuwang sina Ate Celia, Ate Rosie at Ate Polly sa aming pagsisimula. Siya ang nasa unahan sa pila habang kaming mga nakababatang kapatid ay dala-dala ang mga kaldero, tabo, timba para sumalok ng tubig sa Poso sa Palaisdaan (isang Hacienda) para sa aming pangangailangan.

Sa ala-ala ng Palaisdaan at Poso, napakalinaw magbalik tanaw sa mga gintong aral na turo ng aking Ina’t Ama: “Mahalin at Igalang ang nakatatandang kapatid. Kung wala siya, wala kayo.” Ang sabay-sabay na pagharap sa Hapag Kainan. Ang Pagmamahal sa Pamilya. Ang mabuhay sa family slogan na “Walang Iwanan… Walang Bitawan… Walang Limutan.”

• Sa Usaping Kultura at Sining, Ano ba ang Kahalagahan ng Poso Noon… Sa Nagdaang Panahon?

Sa Pilipinas, ang mga malalim na balon (lokal na kilala bilang Poso o Bomba) ay may malalim na kahalagahang kultural bilang mga sagwan ng buhay para sa komunidad. Bukod sa pagbibigay ng malinis na inumin at panghugas na tubig, nagsisilbi rin itong mahahalagang sentrong panlipunan: Simbolo ng katatagan sa kanayunan, at mahahalagang elemento na nagpapanatili sa mga katutubong komunidad at makasaysayang pag-unlad ng bayan.

Mga Pangunahing Tungkulin sa Kultura at Sentrong Panlipunan: Sa aking nakita at pinamuhay na bahagi ng ating kasaysayan noon, ang Poso ay isang itinalagang lugar ng pagtitipon kung saan nagkikita ang mga magkakapitbahay upang malaman ang mga lokal na balita, na lumilikha ng matibay na ugnayan ng komunidad habang nakapila upang umigib ng tubig o maglaba.

Sumasalamin sa Katatagan: Sa mga liblib at kulang sa serbisyong probinsya, ang paggamit sa isang gumaganang malalim na balon ay isang literal at matalinghagang bahagi ng buhay. Dahil maraming lugar ang dumaranas ng mga pagkabigo sa imprastraktura ng gobyerno at pamamahala ng tubig, ang malalim na balon ang depensa ng komunidad laban sa tagtuyot at hindi maaasahang mga suplay ng munisipyo.

Mga Poso na nagsisilbing mga pundasyong arkitektura at gumagana na nagpapahintulot sa mga komunidad na permanenteng mag-ugat sa kanilang mga sarili sa isang lugar. Mga Tradisyonal na Kasanayan: Ang tubig na may malalim na balon ay kadalasang mas gusto para sa mga ritwal na kultural, paglilinis, at pagluluto dahil ito ay malalim na nakaugnay sa natural na tanawin. Sa Panahon ng POSO pumailanlang ang Buhay ng mga Tapayan at Banga ng ating mga Ninuno (mga Lolo at Lola).

Soon, the “Fortress of U and Friendship Park”

J. Nava Cruz / LCA Nava Cruz Gallery-Museum

"Mt. Mabio" •   Isa sa mga Natatanging Pamana ng Lalawigan ng Bulakan.  Ating alamin... tuklasin... protektahan... Mahal...
23/07/2026

"Mt. Mabio"
• Isa sa mga Natatanging Pamana ng Lalawigan ng Bulakan. Ating alamin... tuklasin... protektahan... Mahalin.

Masaya ang La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) sa muli’t muli N’yong Pagbisita.•  Masayang-masaya ang inyong cultura...
20/07/2026

Masaya ang La Casa Azul
(Nava Cruz Gallery/Museum) sa muli’t muli N’yong Pagbisita.

• Masayang-masaya ang inyong cultural and heritage Home (La Casa Azul in Calumpit). Wala na yung lungkot na mabuhay mag-isa. Dahil sa Inyong mga Pagbisita. • Muli, maraming salamat sa mga bumisitang Tourism Students mula sa BTECH - Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag sa inyong nakaraang pagbisita nito lamang Friday, the 17th of July 2026.

• Hanggang sa Muling Pagkikita. Hangad naming ang Inyong Tagumpay sa Hinaharap, Joanna Sanches Paraiso at ang inyong buong grupo ng mag-aaral. Saludos.

La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum)

“PAGHAHANDA sa Kanilang Pagbisita” (Inviting the World to See and Experience the Serenity of the Town of Calumpit and th...
15/07/2026

“PAGHAHANDA sa Kanilang Pagbisita”
(Inviting the World to See and Experience the Serenity of the Town of Calumpit and the Magical, Historical Beauty of the Province of Bulacan)

• Many thanks to LCA community artists tulad ni Marina & Johnny, Ka George, Bryan and Ocan na patuloy na nagsasagawa ng pag-aayos sa LCA. Thanks din sa ating makabagong teknolohiya like FB na nagagamit ng libre to discuss with them the creative requirements tulad ng pagpapagawa ng mga pasimano na magsisilbing display pedestals sa mga gagawing art exhibits.

• Mayroon nang naka-lineup na group na mga bibisita soon sa La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) like isang √ grupo ng flight stewardess & friends mula sa Saudia Arabian Airlines / √ multi-awarded na journalist na Pinay sa Bahrain kasama ang kanyang media man na kapatid /√ isang dating Filipina school owner sa Riyadh and her friends / √ ilang kaibigan na film and TV personality / Sebastien with his Mom and Dad na mga foreign diplomats / √ Prof/Dr. Muneer na isang Indian professor na patuloy na nagbibigay ng pagkalinga at pagmamahal / √ ilang mahal na kaibigan tulad ng mag-asawang ABS-CBN TFC Correspondents sa Riyadh at mula sa Paris, France / √ who knows, bumisita din ang mga anak ng former Boss nang artist/writer ng LCA na isang premyadong visual artist (pintor) at isang filmmaker sa Europa and US. √ Certainly, mga anak at kapatid sa Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) na kalat na sa ibat-ibang bansa. √ And yes, mga taga OWWA at DMW Offices, at √ mga dating nakahalubilong Pinoy diplomats nang Embahada ng Pilipinas sa Kaharian ng Saudi Arabia. √ Isama pa ang ilang mga kaibigang banyaga na gustong makabisita sa LCA at Pilipinas.

Kaya talagang unti-unting pinaaayos ang LCA (Nava Cruz Gallery/Museum). Dapat na nakahanda para maibahagi ang ating Mundo. Ang Mundo ng Bulakenyong PILIPINO.

“A Great Day of Positivity” •     So infectious (tunay na nakakahawa) sa iba ang positibong attitude na dala ng ating ka...
15/07/2026

“A Great Day of Positivity”

• So infectious (tunay na nakakahawa) sa iba ang positibong attitude na dala ng ating kasiyahan puno ng inspirasyon sa buhay. • Slowly, unti-unting natutugunan ang mga kailangan sa La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) tulad na lamang nag paglalagay ng mga pasimano at mga lamesang kailangan sa loob ng Mil-Ayo Library. Kasama na dito ang mga ibat-ibang aklat at babasahin kasama din ang mga gawang panulat ng La Casa Azul.

• Tampok sa loob ng Arabella Art Hall ang pagtatagpo ng sining, literatura at kultura tulad na lamang ng pagsasama ng isang “square Rajasthan Table” na galing sa Jaipur, India at ang bilog na lamesang Narra na gamit ng naunang pamilyang Pinoy sa Pilipinas. – LCA

“Visited the Property Site” •  June 21-22 (Sunday/Monday):   Finally, personal nang nabisita ng LCA ang Bolinao Property...
05/07/2026

“Visited the Property Site”

• June 21-22 (Sunday/Monday): Finally, personal nang nabisita ng LCA ang Bolinao Property kung saan sisimulan na develop ang “The Nava-Cruz Fortress”/Friendship Park. Napakatahimik nitong birhen na kapaligiran katabi lamang ng kalikasan tulad ng talon (waterfalls) at dagat. • Katulad ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) sa Calumpit, Bulacan… tunay na makakatulong ang simpleng sanktuwaryo na ito na magbahagi ng kaniyang mga adbokasiya para sa kapakanan ng komunidad lalu na silang kadalasan ay hindi nakikita… hindi naririnig. Ang mithiin na maging kanlungan ang "The Nava-Cruz Fortress / Friendship Park" ng mga tumandang nag-iisa sa buhay na wala nang masandalang pamilya.

J. Nava Cruz, Overseas Filipino
LCA Museum Owner-Curator/Artist

Thank you, PES for your Visit•  Thursday, 25th June – Lubos ang tuwa at pasasalamat ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/M...
05/07/2026

Thank you, PES for your Visit

• Thursday, 25th June – Lubos ang tuwa at pasasalamat ng La Casa Azul (Nava Cruz Gallery/Museum) sa Principal/mga G**o at mga Mag-aaral (Grade 1 – 6) ng Panducot Elementary School (PES) sa kanilang naging pagbisita. • Labis ang kasiyahan ng LCA Nava Cruz Gallery/Museum na natupad na ang matagal nitong adhikain na maibahagi ang LCA sa mga mag-aaral ng PES na araw-araw nitong nakikita sa kanilang pagpasok sa kani-kanilang eskwela. • Saludos PES… sa mahuhusay na pamunuan ng Faculty nang Paaralan… at sa mga batang mag-aaral na naging kasama.

Hanggang sa Muli.

LCA (The Nava Cruz Gallery/Museum)

Address

Panducot
Calumpit
3003

Telephone

+639051222903

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Nava Cruz Gallery posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to The Nava Cruz Gallery:

Share