Hadi & Ciha

Hadi & Ciha 🇵🇭 Filipina-Egyptian Vlogger 🇪🇬
🎥 OFW Advocacy • News & Awareness • Commentary • Entertainment

Speaking up. Fact-checking.

Creating conversations.

📌 Facts Over Rumors
🚫 No Fake News

🩷 Welcome, Mga Ka Siopao! احنا أسرة مكونة من أربعة أفراد، مصريين وفلبينيين، وعايشين حالياً في إسكندريةفى مصر. بنحب نشارك معاكم قصص، ترفيه، آراء ونصايح. بنأمل إنكم تنضموا لينا في الرحلة دي. Mixed family of four, Egyptian and Filipino, currently residing in Alexandria, Egypt. We love to share stories, entertainment, opinions, and advice with you. We hope you will join us on this journey.

Bakit parang may affirmation tayo? Nung tinanong siya ni Toni na  “After all of this, what do you really want people to ...
26/08/2026

Bakit parang may affirmation tayo?

Nung tinanong siya ni Toni na “After all of this, what do you really want people to know about you?”

Jen: “That I am a good friend… Jen is a good friend… I am a good friend.”

Mmmm… Okay, Jen. Narinig namin... pero alam mo kasi, being a GOOD FRIEND isn't something you establish by repeating “I'm a good friend.” Hindi mo kailangang kumbinsihin kami na good friend ka. Show us. Because being a good friend isn't a title you give yourself… it's a reputation your friends give you. At lalong hindi nasusukat ang friendship kung paano mo sila tratuhin habang okay kayo. Nasusukat lalo yan sa kung anong ginagawa mo sa mga sikreto nila kapag hindi na kayo okay.

Kaloka talaga. Ako yung mas napagod para kay Toni. Coz every time may magandang direct question si Toni, naghihintay tayo ng direct answer…

Tapos lumiliko. 😭
Then ending:

“Jen is a good friend… I am a good friend.”

Ayyy walang ka remorse-remorse of how her answers came across. Para sa akin if Jen genuinely believed na yung family/fri...
26/08/2026

Ayyy walang ka remorse-remorse of how her answers came across. Para sa akin if Jen genuinely believed na yung family/friends ni Forda ay nag hint na publicly about her mental-health struggles, still it's not your story to tell... i am really waiting for sa answer na “nagkamali ako duon, hindi ko dapat ginawa...pero waley. Tsaka bakit ikaw ang kailangan mag explain sa publiko? Was that particular private information yours to disclose?

Tas nung tinanong ni Toni na “bakit mo kailangan sabihin yun?” Ang sagot mo eh wala kang intention na i-mocked at ipahiya siya sa publiko kasi gusto mo lang i-clear na hindi siya pinagtutulungan… THE FUDGE!

Jen, hindi ko sinasabing intention mong ipahiya siya ah. Ang tanong ko ay BAKIT KAILANGAN PANG SABIHIN ANG CONDITION NI FORDA PARA PATUNAYANG HINDI NIYO SIYA PINAGTUTULUNGAN? Anong connection?

Sakit sa bangs.

Eto yung part na nag start ako mag rewind ng mga sagot ni Jen. Like Wtf? anung connect ng tanung ni Toni sa sagot nya? K...
26/08/2026

Eto yung part na nag start ako mag rewind ng mga sagot ni Jen. Like Wtf? anung connect ng tanung ni Toni sa sagot nya?

Kasi tinanong siya tungkol sa criticism na nilalabas daw niya ang baho ng mga dati niyang kaibigan.

Ang sagot nya? Kapag dinisrespect daw ang mga taong mahal niya, especially her family, hindi niya kayang hindi magsalita ng katotohanan.

TEKA LANG.

Anong connection sa friendship?! 😭Ma'am, kindly go back to number one. Comprehension po ito. 😭 Masyado ata kinabisado yung sasabihin kaya hindi nakapag focus sa tanung.

26/08/2026

Pinanood ko nang BUO ang interview ni Jen Oliveros kay Toni Gonzaga… At may regrets ako.😭😂 Kasi pumasok akong gusto siyang maintindihan pero lumabas akong mas maraming tanong. Ang dami nyang explanation sa BAKIT AKO GANITO. Pero ako naman naghihintay sa MALI AKO DOON.

At nung umabot tayo sa … Jen is a good friend… I am a good friend…
Gurl… hindi po affirmation session ang Toni Talks!

Anyway, naintindihan ko naman siya... yun nga lang hindi ko lang nagustuhan yung naintindihan ko.

Isang malagim na pangyayari ang naganap sa Khavdya Dongar, malapit sa Tisgaon sa Chhatrapati Sambhajinagar district, Mah...
25/08/2026

Isang malagim na pangyayari ang naganap sa Khavdya Dongar, malapit sa Tisgaon sa Chhatrapati Sambhajinagar district, Maharashtra, India, noong August 21, 2026.

Tatlong miyembro ng iisang pamilya ang nasawi:
🕊️ Kunal Chandgude - ang kanilang teenager na anak
🕊️ Murlidhar Chandgude, 48 - kanyang ama
🕊️ Sangita Chandgude - kanyang ina at isang content creator

Unang kumalat online ang kwento na nagsimula umano ang lahat sa pagtatalo tungkol sa isang mamahaling iPhone. May mga ulat na nagsasabing bumili umano si Kunal ng mamahaling cellphone through installments at nagkaroon ng problema tungkol sa pagbabayad. May ibang reports naman na nagsasabing tumanggi ang kanyang mga magulang na bilhan siya ng mamahaling phone.

Pero ayon sa mas bagong police reports, hindi raw dapat gawing simpleng “iPhone lang ang dahilan” ang trahedya. May mas malalim umanong family discord at personal problems sa likod ng insidente.

Mas nakakaalarma pa, naiulat na noong 2025 ay nagkaroon na rin ng previous attempt si Kunal sa parehong lugar.

Noong araw ng trahedya, umabot sa halos tatlong oras ang pakikiusap sa kanya ng kanyang mga magulang, villagers at rescuers. Lumuhod pa nga ang kanyang inang si Sangita habang nagmamakaawa sa kanyang anak na lumayo sa delikadong bahagi ng lugar.Pero sa kasamaang-palad, nauwi pa rin ang lahat sa trahedya.

Nang mahulog si Kunal, sinubukan umano siyang sagipin ng kanyang amang si Murlidhar, ngunit sa kasamaang palad ay nahulog din ito.

Matapos masaksihan ng nanay ang nangyari sa kanyang anak at asawa, ilang reports ang nagsasabing tumalon din si Sangita.

Ayon sa police-based reports, dalawa ang anak na lalaki ng mag asawang Chandgude - si Kapil at Kunal. Ang panganay nilang si Kapil ay pumanaw na rin dahil sa sakit, 10 years na ang nakakalipas. Ibig sabihin, bago pa man mangyari ang trahedyang ito, naranasan na ng mag-asawa ang mawalan ng isang anak.

Hindi natin alam kung ano mismo ang nasa isip ng bawat isa sa kanilang mga huling sandali. Kaya sana ay huwag nating gawing simpleng kwento na “dahil lang sa iPhone.” Kasi minsan, ang nakikita nating argumento ay maaaring maliit na bahagi lamang ng mas malalim at matagal nang pinagdadaanan ng isang tao.

Tatlong buhay ang nawala sa araw na iyon.
Kunal. Murlidhar. Sangita.

Isang pamilya na may kwentong mas malalim kaysa sa isang cellphone.

May they all rest in peace. 🕊️💔

Isang malungkot at palaisipang pangyayari ang iniimbestigahan ngayon sa Camarines Sur matapos matagpuang wala nang buhay...
24/08/2026

Isang malungkot at palaisipang pangyayari ang iniimbestigahan ngayon sa Camarines Sur matapos matagpuang wala nang buhay ang isang 15-anyos na dalagita.

Ang biktima ay kinilala sa mga lokal na ulat bilang Ruby Nagrampa Porteria, residente ng Barangay San Rafael, Tigaon, Camarines Sur. Sa naunang ulat ng mga awtoridad, itinago muna ang kanyang pagkakakilanlan sa alyas na “Rose.”

Ayon sa ulat, huling nakita si Ruby noong umaga ng Agosto 17, 2026, nang umalis siya sa bahay ng kanyang tiyahin. Nung hindi siya makauwi, inakala umano ng kanyang tiyahin na maaaring nakituloy lamang siya sa ibang kamag-anak dahil nakasanayan na raw ni Ruby ang bumisita o manatili sa mga relatives.

Makalipas ang apat na araw, noong Agosto 21, bandang 10:15 ng umaga, tatlong batang namimitas ng amora o mulberry ang nakadiskubre sa katawan ng isang dalagita sa isang lote sa Zone 3, Barangay Matacla, Goa, Camarines Sur… Kalaunan ay nakilala itong si Ruby.

Ayon sa Police Regional Office 5, nakatulong sa pagkakakilanlan ang kanyang mga natatanging marka, kabilang ang butterfly tattoo sa kanang braso at mga markang “OPG” at “RUBY” sa kaliwang braso.

Sa paunang external examination, wala umanong nakitang malinaw na blunt-force injury sa ulo o iba pang hayagang sugat sa katawan. Hindi rin kumpirmadong mvrder o hom!cide ang nangyari kay Ruby. Wala pa ring publicly confirmed na suspek o arrest sa impormasyong inilabas kaugnay ng kaso. Hinihintay pa ang final forensic findings upang matukoy ang eksaktong sanhi at paraan ng kanyang pagkamatay.

Patuloy ding inaalam ng mga awtoridad ang kanyang mga huling galaw at sinusuri ang available CCTV footage at mga pahayag ng posibleng nakakita sa kanya.

Marami tuloy ang tanong:
1. Ano ang nangyari kay Ruby mula Agosto 17 hanggang Agosto 21?
2. Nakarating ba siya sa kanyang pupuntahan?
3. Sino ang huling taong nakakita o nakasama sa kanya habang buhay?
4. At paano siya napunta sa lugar kung saan siya kalaunan natagpuan?

Sa ngayon, hintayin na lang natin ang resulta ng imbestigasyon at nawa'y magsilbing paalala ito sa ating mga magulang at guardians, na kahit sanay nang lumabas o makituloy sa kamag-anak ang isang teenager, minor pa rin sila. Hangga't maaari ay alamin natin kung nasaan sila, sino ang kasama nila at siguraduhing may communication tayo sa kanila. Hindi dahil wala tayong tiwala sa ating mga anak kundi dahil hindi natin kayang pagkatiwalaan ang lahat ng taong maaari nilang makasalamuha.

Ruby was only 15 years old. Sana sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ay mabigyan ng malinaw na sagot ang kanyang pamilya kung ano talaga ang nangyari sa kanya.

R.i.p. Ruby.

24/08/2026

4 na araw na walang paramdam... Nakasanayan na umano ng mga kamag-anak na minsan ay umaalis siya at nakikituloy sa ibang relatives. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya nakauwi.

23/08/2026

₱1 per parcel pa rin… pero may minimum rate na! Yayyy 😂👏

Ayan, minsan talaga may magandang dulot ang constructive criticism. Baka kasi kung di na-bash… charot! 😭📦😂

Isang nakakadurog-pusong insidente ang iniimbestigahan ngayon sa Visakhapatnam, Andhra Pradesh, India, matapos pumanaw a...
23/08/2026

Isang nakakadurog-pusong insidente ang iniimbestigahan ngayon sa Visakhapatnam, Andhra Pradesh, India, matapos pumanaw ang 6 na taong estudyanteng si Pranay Tej matapos siyang bumagsak sa loob ng kanilang classroom.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong August 20, 2026 sa Little Garden School.

Sa CCTV footage na kumalat online, makikita ang isang g**o na kinakausap at inaayos o binubuksan ang uniporme ng bata kaugnay ng hindi nito natapos na homework.

Makikita rin sa video na takot na takot ang bata habang paulit-ulit na winawagayway ang kanyang kamay sa g**o na tila ba para bang gusto nya itong huminahon at wag ng magalit sa kanya.

Maya-maya, makikita sa footage na snampal umano ng teacher si Pranay at ilang sandali pagkatapos nito ay bumagsak ang bata. Isinugod siya sa King George Hospital, ngunit hindi na siya nakaligtas.

Ayon sa mga ulat, nagsampa ng reklamo ang ama ng bata at nagrehistro na ng kaso ang mga awtoridad. Bumuo rin ang Andhra Pradesh government ng three-member inquiry committee upang imbestigahan ang pangyayari. Iniutos naman ni Education Minister Nara Lokesh ang masusing imbestigasyon at sinabing dapat magkaroon ng mahigpit na aksyon laban sa sinumang mapatutunayang responsable.

Sa ngayon, ang eksaktong medical cause of death ay bahagi pa ng imbestigasyon, kaya i-a-update ko na lang kayo sa anumang opisyal na medical at investigative findings.

Bilang isang magulang, nakakabahala yung ganito kasi ang paaralan ay dapat lugar kung saan natututo at nakakaramdam ng seguridad ang mga bata. Hindi yung ganyan!

Isipin mo bilang magulang: ihahatid mo ang anak mo sa school sa umaga, nagtitiwalang ligtas siya sa mga taong pinagkatiwalaan mong magturo at mag-alaga sa kanya… pero hindi na pala siya makakauwi. 💔

Napakabata mo pa, Pranay. Rest in peace, little one. 🕊️

** This is a developing story. Details may change as authorities release additional findings.

22/08/2026

₱1 per parcel? Rosmar, baka sa kagustuhan mong makatipid ng piso kada parcel, mapamahal ka naman sa damaged products, returns at reklamo. Productivity without quality control is not efficiency...it's just speed.

Hindi ang tanong kung may papayag ba sa piso. Ang tanong dapat dito ay MAKATARUNGAN BA ANG PISO?

Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hadi & Ciha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share