27/03/2026
Sa pagdiriwang ng World Theatre Day, ipinagdiriwang natin ang teatro bilang buhay na puso ng sining at kultura, tahanan ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan.
Ang isang dulaan na mahigit 90 taon nang nakatindig ay nararapat pangalagaan at igalang.
Ang Tanghalang Metropolitan ay isang pambansang yaman na dapat ipreserba upang patuloy itong maging tanglaw ng sining at inspirasyon para sa susunod na henerasyon.