24/01/2026
Bakit dapat ka na magalaga ng crayfish?
1. Madali alagaan
- Makabisado mo lang ang proseso ay masasabi mong madali talaga itong alagaan. Water quality, tamang pagpapakain at tamang pagaalaga ay kaya mo na ito paramihin at palakihin sa mabilis na panahon
2. Hindi magastos
- Ang pinaka malaki mo na siguro gagastusin ay yung set up pero tandaan mo naman na ito ay pang long term na. Pwede ka mag DIY ng pond , magpagawa ng concrete or trapal pond at pwede rin namang mud pond pero kumpara sa gagastusin mo malaki pa ang kaya ibalik nito in the long run.
3. Mura ang Pagkain
- Hindi kamahalan ang feeds ng crayfish. Pwede ka mag sinking pellets na nabibili sa mga fish shops or mga crayfish feeds na nabibili sa mga farmers pero kung gusto mo talaga ng libre ay pwede ang hasang ng isda ,karne,kanin ,gulay , at prutas na makukuha mo ng libre kung madiskarte ka dahil mahihingi mo lang ito sa palengke.
4. Mabilis paramihin
- Hindi seasonal ang Crayfish dahil nag bbreed sila anytime. May iilan na nagsasabi hindi daw sila nagbbreed pag taglamig o tag init pero sa experience ko mapa tagulan o taglamig ay nagbbreed sila at tingin ko nakadepende ito sa mood nila, dapat hindi sila stress sa tubig , hindi over crowded para makapag breed ng maayos at wag rin masyado icheck hayaan at ienjoy lang ang proseso. 1-2 weeks lang pagkatapos maghatched ng eggs mabubuntis na naman sila , 4-6 weeks mula eggs hanggang mag hatch to craylings at 6-7 months naman mula craylings to breeder or pang food consumption depende sa pagaalaga kaya sa loob ng isang taon ay kaya nila magbuntis ng maraming beses at ang buhay nila ay tumatagal ng 2-3 years. Ang Da best pa dyan ay ang isang mother cray ay kaya mangitlog ng 300-500 eggs depende sa laki kaya sa unang hatched pwede mo ito palakihin para sa future breeders mo at ang mga susunod na anak ay ikaw na bahala paano mo gagamitin.
5. Maganda ang market
- Dahil pagkain ang crayfish at kakaintroduce palang nito sa bansang pilipinas ay marami ang nagiging interesado rito sa pag bbreed, sa pagluluto at sa pagtitinda. Wag magalala dahil kahit hindi mo man ito maibenta ay ppwede mo naman ito maging sariling pagkain. Nakatipid ka pa dahil hindi ka na bibili.
Nagsimula ako ng walang kaalam alam sa crayfish farming sinipagan ko lang sa pagaaral, araw araw na pagnood ng videos kung paano mag alaga at experience dahil syempre hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.
Kaya ano pa hinihintay mo simulan mo na baka maunahan ka pa💯
3-4 inches Trio Breeders available🦞
Limited stocks only dm now📩