08/08/2026
Ngayon ko lang napagtanto mga dahilan kung bakit ako ganito sayo, hindi maka salita pag tinititigan mo, madaming salita ang sa isipan tumatakbo, mas piniling busalan yung bibig- takot na baka iba pag intindi mo. Akala ko'y nababaliw nako, sobrang lakas nang kabog nitong dibdib ko, may ilang metro man yung layo mo, pakiramdam koy aabutin mo ako. Ito pala'y isang tanda na unti-unti na akong nahuhulog saiyo.