SJDM in Reels Real Stories

Call Directions Contact the establishment

SJDM in Reels Real Stories SJDM in Reels, Real Stories is a social media platform dedicated to the voices and sentiments of the people of San Jose Del Monte City, telling their stories.

We aim to provide an authentic perspective of unfiltered voices, real lives that makes us proud

10/10/2026

Bawat Palasong Binibitawan, Hinuhubog ang Pagkatao

It began as a Father’s Day outing with her dad has become something more meaningful for Cassandra Enecio of Colinas Verdes, San Jose Del Monte City. To her, archery is a form of meditation that helps her find meaning in what she does.

Noong una siyang nagsimula maglaro ng archery, hindi kayang mag-shoot ng bow ni Cassandra. With her father’s patience and guidance, unti-unti niyang natutunan ang fundamentals and developed the focus, patience, and discipline needed to improve. Sa larong archery hindi kailangan ng puwersa sa pagbitaw ng palaso bagkus konsentrasyon at pokus.

As her skills grew, so did her confidence. With support from her local government unit (LGU), she now competes at a national level and represents her community in events such as the Palarong Pambansa.

For Cassandra, the archery range is more than a place to compete. Dito niya nahahanap ang focus, inner peace, at sense of meditation. With every draw and release, natututo siyang patahimikin ang kanyang isip, magtiwala sa kanyang kakayahan, at manatiling composed under pressure. It is indeed a super calming sport.

Naniniwala siya na may wisdom sa pagkatalo, just as there is joy in winning. Losing is an opportunity to learn, while courage and determination make it possible to keep moving forward and enjoy the game as she improves her skills.

She encourages the youth to engage in sports—not only to develop their skills but also to build character, meaningful connections through socialization, and valuable life lessons. Sa halip na gugulin ang oras sa internet o paglalaro ng online games, umaasa siyang mas maraming kabataan ang makakatuklas sa fulfillment na hatid ng sports. Maiiwasan ang mga online games that reflects violence.

In archery, as in life, the real target is how to become a better version of yourself. Ang paglalaro nito ay humuhubog sa kanyang character bilang isang mabuting atleta at mamamayanan.

DISCLAIMER:
Informational & Inspirational Only: This video is created solely for storytelling purposes.

Not Sponsored: Not funded, paid for, or endorsed by any brand or organization.

Non-Political: Non-partisan content created without endorsing any political candidate, party, or official.

Views belong solely to the featured individuals.



05/10/2026

Sa Apat na Sulok ng Silid Aralan, Isang Gurong Nagmahal at Gumabay

Sa pagtatapos ng Teacher’s Month ngayong Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, isang pagpupugay at pagkilala sa mga g**ong tulad ni Marites Hugo ng National Science High School of San Jose del Monte City, na gumagabay sa kanilang mga estudyante na itinuring na rin nilang sariling mga anak.

Ang kanyang pagtuturo ay sumisimbolo sa walang-pagod na dedikasyon at pagmamahal sa edukasyon—hindi lamang sa paggabay sa mga kabataan upang magtagumpay sa mga pambansa at pandaigdigang larangan ng pananaliksik, kundi higit sa lahat, sa paghubog sa kanila upang maging mga indibidwal na may malasakit sa kapwa at sa kalikasan.

Ang mga tagumpay na ito, kasama ang patuloy na suporta ng mga magulang, stakeholders, at ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose Del Monte City, ay patunay na ang pamana ng edukasyon ay sandigan sa isang mas magandang kinabukasan.

Para sa isang g**o, walang hihigit pa sa saya at pagmamalaki na marinig ang pasasalamat ng mga estudyanteng minsang ginabayan at tinuruan—mga estudyanteng hindi lamang naging mga wagi sa mga patimpalak, kundi naging mga matagumpay na indibidwal sa buhay.

Sapagkat para sa isang g**ong tunay na nagmamalasakit, ang bawat tagumpay ng kanyang estudyante ay tagumpay rin niya—isang kayamanang hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera.

DISCLAIMER:
This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals.



01/10/2026

Bagong Tahanan, Bagong Pag-asa: Hayop Man, May Damdamin Din

Isang busilak na puso na patunay ang Pawssion Project sa San Jose del Monte City, Bulacan, na sa kabila ng kalupitan ng mundo sa mga hayop, may mga pusong handang maging kanlungan at tahanan para sa kanila. Ang pag-aaruga sa halos dalawang daan at limampung aso at pitongpung pusa ay hindi lamang simpleng pagpapakain; ito ay isang araw-araw na laban ng paghilom—pisikal man o emosyonal.

​Ang bawat asong naisalba mula sa lansangan, nasagasaan, o itinakwil ng sarili nilang mga amo ay may dalang sugat ng nakaraan at ang iba ay bulag pa. Subalit sa loob ng silungan na ito, ang takot ay unti-unting napapalitan ng tiwala, at ang mga matang dating puno ng takot ay napalitan ng pagmamahal at panibagong simula sa malawak na gubat para sa mundo ng mga aso't pusa.

Hindi lamang pisikal na paggagamot ang nagaganap sa kanilang bagong tahanan kundi ang may mga taong busilak ang puso na alagaan sila upang muling manumbalik ang saya sa kanila — ang unti-unting pag-aalis ng pangamba sa bawat paghaplos ng kamay ng mga taong nag-aaruga sa kanila.

DISCLAIMER:
This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals.



27/09/2026

Tahol ng Kalungkutan: Ang Pagsilang ng Isang Adbokasiya

Mula sa pagdadalamhati, may mga kwento ng buhay na muling pumupukaw sa kalungkutan ng puso. Ito ang kwento ni Rachel Bote—isang inang nasubok ng pinakamatinding sakit, ngunit napukaw ang damdamin sa piling ng mga alagang itinuturing na "best friend" ng tao na ngayo'y adbokasiya.

Noong bata pa si Rachel, likas sa kanya ang pagmamahal sa mga aso. Ngunit isang masakit na karanasan ang nag-iwan ng aral sa kanya: dahil sa abala sa trabaho, napabayaan at tuluyang nawala ang kanyang alagang aso. Mula noon, ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na muling mangyayari ang ganoong pagkakataon.

Ilang taon ng nakalipas, dumating ang pinakamabigat na kalungkutan sa kanyang buhay. Pumanaw ang kanyang anak—isang pulis na nakatalaga sa Mindanao, isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), na hanggang ngayon ay may kinakaharap pa ring usaping legal. Ang pagkawala ng anak ay nag-iwan ng napakalalim na sugat at walang kapantay na kalungkutan sa kanyang puso bilang magulang at ina.

Sa gitna ng pangungulila, dinala siya ng tadhana pabalik sa kanyang unang pag-ibig—ang pag-aalaga ng mga hayop. Ang pagkupkop sa mga abandonadong aso at pusa, pati na ang mga pinalad na mailigtas mula sa Put To Sleep (PTS) o death row sa mga dog pound, ang naging gamot sa kanyang dalamhati at kalungkutan ng puso.

Sa bawat buhay na inililigtas ng PAWSSION PROJECT, unti-unting naghilom ang sugat ng kanyang pagiging ina. Ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga hayop ang naging susi upang muling mabuhay ang kanyang passion at sigla sa buhay.

Dahil sa karanasang ito, buong pusong nananawagan si Rachel sa lahat ng mga animal lovers: maging responsableng tagapagalaga. Paalala niya, ang mga aso at pusa ay may isip at damdamin—hindi sila gamit na kapag nagkasakit, nagkaroon ng kapansanan, o tumanda ay basta na lamang itatapon at iiwan kung saan-saan.

Sa kabutihang palad, hindi nag-iisa ang PAWSSION PROJECT sa animal welfare. Laking galak at pasasalamat ni Rachel dahil sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose Del Monte City, Bulacan sa pamamagitan ng City Veterinary Office, na patuloy na katuwang sa pagpapalaganap ng libreng kapon at anti-rabies vaccination para sa kaligtasan ng lahat.

Ang kwento ni Rachel ay isang patunay na sa gitna ng matinding pagdadalamhati, ang pagbibigay ng pagmamahal sa mga walang laban ang pinakamabisang paraan upang mahanap muli ang liwanag at pag-asa.

DISCLAIMER:
This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals.



24/09/2026

Senyales na Nagbigay Daan Tungo sa Paggawa ng Passion: Ang Kwento ni Achilles

Isang kuwento ng inspirasyon sa mga working students na nais makatulong sa pamilya.

Noong nag-aaral sa kolehiyo sa Maynila, nakaranas ng pinansyal na pagsubok na gustong ibsan ni Achilles Joaquin Macatangay ang alalahanin ng kanyang mga magulang. Nanalangin at humingi ng sign kung anong kasagutan sa kanyang suliranin. Isang matatawag na senyales na ayon sa kuwento nya na habang naglalakad siya pabalik sa kanyang dormitoryo—isang poster ang nasagi nya para sa hiring ng barista.

Dahil sa suporta ng kanyang girlfriend—na tumulong gumawa at magsubmit ng kanyang resume—buong loob niyang sinubukan ito kahit walang alam sa pagiging barista. Hindi madali ang simula; ang pag-aaral ng iba't ibang coffee recipes, pag-calibrate ng coffee beans, at pag-steam ng gatas ay nangailangan ng oras at sipag, natagpuan niya ang tunay niyang passion o hobby na nakagawian. Ang mahalalaga ay nakatulong sa magulang sa pinansyal na aspeto.

Grumadweyt bilang Marketing student, pinili pa rin ni Achilles na sundan ang kanyang puso bilang isang barista sa OK Cafe sa kanyang sariling bayan sa San Jose Del Monte City upang makapag-silbi ng masarap na kape. Para sa kanya, ang pagiging barista ay hindi lang basta paggawa ng kape—ito ay tungkol sa magandang serbisyo, pakikipag-ugnayan, at pagbibigay ng ngiti sa bawat customer na tumatanglik ng lokal na turismo at pagyamanin ang sariling atin.

*DISCLAIMER:
This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals*.



22/09/2026

Kanlungan ng Pag-asa: Ang Relihiyon ay Pagtulong

Isang kuwento ng inspirasyon ang kahirapan ni Father Rogelio "Roger" Cruz, isa sa mga orihinal na allocatee sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan noong 1978. Isang batang lumaki sa gitna ng mga pagsubok—mga karanasang hindi naging hadlang, bagkus ay nagsilbing motibasyon upang siya ay maging isang paring Katoliko at maging kasangkapan ng Diyos sa pagtulong sa kapwa.

Ayon kay Father Roger na magulo ang Sapang Palay noong 70's, madalas ang nakawan dahil sa kahirapan. Marami ang mga na-relocate na squatters galing Metro Manila na dinala sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Itinatag niya ang Ateneo Casa Famiglia Servants of the Poor, isang kanlungan para sa mga batang ulila, walang pamilya, at naliligaw ng landas na nagnanais mamuhay nang may takot sa Diyos. Nasa tatlong dekada o 30 taong na ang pagtulong sa mga ulila.

Nagsimula ang kanyang layunin sa sarili niyang tahanan sa pag-aaruga ng isang bata, na kalaunan ay nagdagdagan ng pito, hanggang sa naging 70 at umabot na ngayon sa mahigit 500 kabataan kada taon ang kanilang kinukupkop.

Para kay Father Roger, ang tunay na diwa ng relihiyon ay makikita sa gawa—at ang bukas-palad na pagtulong ng Lokal na Pamahalaan ay nagsisilbing mahalagang katuwang sa pagpapalaganap ng kalinga at pag-asa sa komunidad.

DISCLAIMER:
This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals.



17/09/2026

Lipad, Angie! Ang Alaala na Patuloy na Nagbibigay-Inspirasyon sa Kabundukan

Sa kabila ng pangungulila, ang kuwento ni Mang Larry Avendano at ng kanyang bunsong anak na si Angie ay isang patunay na ang pagmamahal at inspirasyon ay mas malakas kaysa sa alinmang lumbay.

Si Angie ay hindi lamang basta isang anak; siya ay naging simbolo ng sigla, husay, at dedikasyon sa larangan ng local motocross sa Bulacan. Dahil sa kanyang husay at pagmamahal sa palakasan, nakilala ang lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) sa pamamagitan ng isang sikat na pasyalan at takbuhan ng mga rider—ang Angie Hill Motocross Trail.

Para sa mga mahihilig sa trail at motocross, ang Angie Hill ay isang importanteng bahagi ng kanilang paglalakbay patungo sa tanyag na Ipo Trail sa kabundukan ng SJDM, madadaanan muna ng mga rider ang Padre Pio Shrine at ang mismong Angie Hill.

Ang Angie hill ay nag-iwan ng malaking karangalan hindi lamang sa pamilya Avendano kundi sa buong komunidad ng San Jose Del Monte, bilang isang magandang destinasyon para sa mga Motocross enthusiasts.

Hindi kailanman naisip ni Mang Larry na sa isang iglap at misteryosong dahilan ay biglang lilisanin ni Angie ang mundong ito.

Sa halip na mawalan ng pag-asa, pinili ng pamilya Avendano na kumapit sa Diyos. Ang mga pangarap, tagumpay, at magagandang alaalang iniwan ni Angie ay hindi naglaho; bagkus, ito ay naging silbing liwanag at inspirasyon sa limang kamag-anak na pinag-patuloy ang Motocross and Trail sports. Sa tuwing may mga rider na at nagpapatakbo sa Angie Hill, patuloy na nabubuhay at nagbibigay-sigla ang alaala ng kanilang paboritong bunsong anak.





13/09/2026

PUV Modernization: Kuwento ng Isang Jeepney Driver/Operator

Kuwento ni Jaime Buenaobra Cortez (Jeepney Driver at Operator). Noong araw, malakas ang kita sa pamamasada ng tradisyunal na jeepney—umaabot ito ng ₱1,000 hanggang ₱1,200 kada araw noong wala pa ang mga modern jeep at motorcycle taxi tulad ng Angkas at Move It.

Nang ipatupad ng gobyerno ang PUV Modernization Program noong mga nakaraang taon, at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, lumaki ang hamon sa kita ng mga tsuper at operator. Marami pa rin sa sektor ng transportasyon ang nag mamay-ari ng tradisyunal na jeep na hindi agad makalipat sa modernisasyon dahil sa kulang na puhunan.

Bagama't ganito ang sitwasyon, nananatili pa rin ang pag-asa ng marami sa tulong ng ₱12 bawat litrong fuel subsidy mula sa pambansang pamahalaan at sa iba pang ayuda mula sa lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga kooperatiba, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tsuper at operator na unti-unting makasabay sa modernisasyon.

Tradisyunal man o modern jeepney, patuloy ang pagkakaisa ng buong sektor ng transportasyon sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan, sa tulong at pakikipagtulungan ng kanilang lokal na pamahalaan.

DISCLAIMER:
This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals.




09/09/2026

Real people, real stories, pure San Joseño pride. 💙

​Welcome to SJDM in Reels, Real Stories—where we share the unfiltered voices, daily triumphs, and authentic heart of San Jose Del Monte City. May this sharing of Real Stories of Real People brings inspiration to all.

​Every story matters. Every voice belongs.
fans SJDM in Reels Real Stories

​

07/09/2026

Tulad ng Pares ni DIWATA Nag-umpisa sa Isang Pangarap

Kuwentong real stories, ang paresan nina Racelle Casa at ng kanyang co-owner na si Fatima Bravo, hindi lang ito basta paresan; ito ang kanilang pangarap na dahan-dahang nabubuo sa bawat mangkok na naisisilbi.

Naniniwala silang dalawa na ang magandang serbisyo at malinis na kusina ang tunay na pundasyon ng kahit anong negosyo sa pagkain. Ang pagsususmikap at lakas ng loob ay minsan ay hindi sapat kapag salat sa puhunan. Ang pagsubok na magsimula ng maliit na negosyo ay hindi biro, lalo na sa gitna ng matinding kompetisyon sa kalsada.

Tulad ni DIWATA pares sa kalsada nagsimula ang pangarap, daming pagsubok na dinanas, at dahil sa leksiyon na nakuha sa kuwento ni DIWATA pares. Ang Lokal na Pamahalaan ng San Jose Del Monte City, Bulacan tumutulong sa paglago ng mga maliliit na negosyo para umusbong. Ang programa ng lungsod na itaguyod ang mga maliliit na micro-entrepreneurs, nabigyan sila ng pagkakataon ng magtinda sa kalsada basta susunod sa mga alituntunin itinakda ng Barangay.

Sa tulong ng pamahalaang lokal, hindi na lang basta pangarap ang paresan—isa na itong buhay at masiglang negosyo na bumubuhay ng lokal na ekonomiya sa laylayan. Bawat higop ng sabaw ng pares na binibili ng kanilang mga customer ay patunay ng tagumpay ng simpleng mamamayan na tinulungang makaahon. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy sina Racelle at Fatima sa paghahain ng pagkaing may kasamang pagmamahal, pagsisikap, at pag-asa para sa mas masaganang bukas.

DISCLAIMER

This video is for informational and inspirational storytelling purposes only.

Not Sponsored: This content is not paid for or funded by any brand, company, or organization.

Non-Political: This feature is strictly non-partisan and is not created to endorse or promote any political candidate, party, or public official.

The views expressed belong solely to the featured individuals.

Address

Cagayan De Oro

Telephone

+639361757755

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJDM in Reels Real Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to SJDM in Reels Real Stories:

Shortcuts

Share