Maboteng Usapan

Maboteng Usapan Ang Maboteng Usapan ay isang makabagong Information, Education, and Communication (IEC) campaign

MABOTENG USAPAN"Boses ng Kalikasan, Kwentuhan para sa Mas Malinis na Kinabukasan''Ang wastong pamamahala ng basura ay hi...
09/07/2026

MABOTENG USAPAN
"Boses ng Kalikasan, Kwentuhan para sa Mas Malinis na Kinabukasan''

Ang wastong pamamahala ng basura ay hindi lamang nagsisimula sa tamang segregasyon kundi sa patuloy na pagbibigay-kaalaman sa bawat mamamayan. Bagama't patuloy na isinusulong ng Barangay Macatbong ang iba't ibang programang pangkalikasan tulad ng Eco-Sertipiko Program, nananatiling mahalaga ang mas malikhain at makabagong paraan ng pagbibigay ng impormasyon upang mas maraming residente ang mahikayat na makiisa.

Ang MABOTENG USAPAN ay isang makabagong Information, Education, and Communication (IEC) campaign kung saan ang isang plastic bottle na ginawang karakter at mikropono ang magsisilbing simbolo ng "boses ng kalikasan."

Sa pamamagitan ng maikling panayam, trivia, environmental challenges, at edukasyonal na usapan, magiging mas masaya, interaktibo, at madaling maunawaan ang mga mensahe tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.

Layunin ng proyektong ito na gawing mas buhay ang environmental education habang hinihikayat ang mga residente na maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan ng barangay.




Address

Barangay Macatbong
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maboteng Usapan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category