29/03/2026
Mga tol, ganito ha. Pag nagsend lang kayo sa akin privately ng either pix or vids ng mga tanke nyo, tas wala naman kayong tanong or hinihinging tulong, hindi ko pangingialaman yang tanke nyo. Papasok lang ako pag may tinatanong.
Kasi eto dapat nyo intindihin, hindi ko po pinipilit ang proseso ko sa inyo. Malaya po kayong sundin at gawin kong ano sa palagay nyo ang tama para sa inyo.
Ang ayaw ko lang talaga is yung nagpropromote ng ibang proseso na hindi sang-ayon sa mga paniniwala ko. Ang tinuturo ko kasi rito ay ang sarili kung proseso. Hindi ang iba. Iba sila, iba naman ako.
Subalit, ako'y guide lamang sa mga gustong magkaroon ng basic na kaalaman. Kung sundin nyo naman hanggang sa pinakahuling butil ang proseso ko, ayus sa akin yan. Kung ayaw naman, ayus pa rin. Maraming paraan kung papano gawin ang hobby na ito. I do not hold sway over other processes.
Hangga't kaya, hindi ako nangingialam kasi para sa akin, kung masaya kayo sa ginagawa nyo, okay na tayo dyan. Yun naman talaga ang habol natin kaya pinasok natin ang bisyo na ito, yung maging masaya tayo. Me mga tao lang talaga na tulad ko na ang puso ay gustong tumulong, mag-guide, pero never kong sasabihin sa inyo na ako lang ang tama.
Marami akong alam, pero hindi ko alam lahat. Marami akong kayang gawin, pero hindi ko kayang gawin lahat. Marami akong sinasagot sa mga nagme-message privately at sa posts ko mismo, pero hindi ko lahat agad-agad napapagtutuunan ng pansin.
So sana, a lil pasensya lang po. I try to answer everyone, di nga lang ora mismo. Hobby ko lang po kasi ito at may iba pa tayong pinagkakaabalahan. Kaya minsan, offline tayo.
Nagustohan ko talaga ang message sa akin ng isang utol natin na, babasahin na lang daw niya ang mga artikulo ko kasi baka nandun na yung mga kasagutan sa mga itatanong sana niya. Kasi, baka daw busy na ako. I really love that!
Tama si utol. If you take the time to browse, read back on my previous articles, nandun na halos lahat ng mga kasagutan sa mga tanong ninyo. Yung isa pa nga nating utol eh, naging genius na sa kababasa lang ng mga articles ko. Ang gara na ng tanke ng damuho. 😂
Yun lang. Let us continue to learn. Observe. Watch. Read. Take in everything. Be passionate. Have fun and really, really enjoy this thing. We're all part of a small niche of brotherhood.