09/08/2026
Kasabay ng bagyo ang pag baha ng mga letra na nabubuo sa isip,
Sumasabay sa pag buhos ng ulan ang mga tanong kung saan nga ba ako dadalhin ng pag usad….ko,
Kasabay ng kidlat ang damdamin na hindi marinig, ni-hindi maintindihan,
Kasing ingay ng patak ng ulan sa bubungan ang sigaw ng dibdib,
Marahan, mabagal, banayad at katamtaman ang mga damdamin na hinihiling na matagpuan ng puso na tila’y naliligaw,
Kasabay ng bagyo ang puso ko na mistulang binabayo ng malalakas na hangin, matataas na alon,
Kasabay ng bagyo
ang damdamin ko.