07/09/2020
'Salamat sayo'
*Warning. hindi ito kwentong barbero😂*
Sheyr ko lang yung setup ng pc namin kung saan ako nagstream araw araw😍 Hindi ganun kabilisan pero sobrang proud kame jan. Eto yung kasama natin simula nag start tayo magstream.
Nagstart kasi kame magstream nung January 2019 pero binuo namin ung pc namin ng December 2018 (pinaghatian namin ni Dragon gamit yung 13th month pay naming dalawa😁). Pero bago yun na regaluhan na din ako ni Dragon sa isa sa mga anibersaryo nmin ng mouse, keyboard at monitor na kinakabit ko sa laptop (na pinaghatian din namin). Sobrang supportive noh? kahit lagi akong binubugbog🤣😂
Wala talaga akong balak magstream noon, sobrang mahiyain ko kasi. Gusto ko lang makapaglaro ng mga iba't ibang games. Mahilig kasi akong tumambay dati sa mga computer shop. Naglalaro, naguubos ng oras at inuubos ko yung bigay na pera saken ni Mah-Mah. Pag ubos na manunuod na lang ako sa gedli😁 Sinasamahan din ako ni Dragon maglaro nun, wala syang nilalaro kasi hindi naman sya marunong. Nanunuod lang sya sa uTube o kaya magpe-peysbook at maghahanap ng mga nagaaway at itatag si Raffy Tulfo at Jessica Soho. Pag nagutom, hahanap lang kame ng tuhog tuhog at magpapakabusog tas balik na ulet sa shop.
Tas ayun na nga, dahil mahilig din naman akong maglaro bakit hindi na lang ako magtry isheyr yung paglalaro ko sa iba. Normal lang siguro sating lahat sa umpisa na kabahan. Nagstart akong magstream na dalawa lang halos araw araw ang nanunuod. Si Mah-mah at si Dragon (pero hindi tlaga sila nanunuod kasi hindi naman nila naiintindihan ung nilalaro ko (naka play lang ung video siguro habang nagluluto o naglilinis ng bahay). Bakasyon pa nun kaya halos araw araw ay mas matagal akong nakakapagstream.
At inaraw-araw ko lang yung pag stream pagkauwi ko galing trabaho magbibihis lang at uubusin ko ung kwek-kwek o banana-q na binibili ko sa gilid ng es-em at pagubos na magstream na ko agad, pero tinatry kong hinaan ang boses ko lagi kasi si Dragon tulog pa paguwi ko ng hapon (pang-gabi naman kasi yung pasok nya). Araw araw yun may manuod man o wala. Ginagamit ko yung mga Daddy jokes ni Pah-Pah at may mga nanunuod na nag tatype ng 'Hahahaha' ay sobrang saya ko na. Shinisheyr ko yung mga araw araw na nangyayare saken kahit ung mga alam kong hindi pa nagbabayad sa jeep na katabi ko. Pero isang beses nangyare na din saken yung hindi ako nakabayad sa jeep kasi kakaisip ng ikkwento ko sa stream (sorry manong driver, hindi ko po intensyon yun at kung sakali mang nagkrus ang ating landas ulet ay ibabayad ko pa din ung 8 pesos. Tanda ko pa kasi yung ichura nya, may bigote, may katangusan ang ilong, parang dinilaan ng cow ang buhok, mejo makapal ung kilay at merong good morning towel sa balikat. Sa madaling salita 'cute sya'!
Lahat naman nagsisimula sa onting viewers lang kasi nagpapakilala ka pa lang hanggang sa dumadame na pero eto lang ang narealize namin na cguro wala sa iba.. SOLID! Onti man nagsimula pero nasisiguro ko na SOLID supporters and nabuo sa stream natin... Actually hindi nga kayo supporters e naging pamilya na din namin kayo at ginawa nyo kameng parte ng araw araw ninyo maging paiba iba man ang oras ng stream natin. Sinamahan nyo kame halos kakasal lang namin ni Dragon, nag ka Baby Dragon at ngayon halos mag wa-One yr old na siya. Kaya nagyon naiintindihan ninyo na cguro kung bakit nasabi ko na SOLID KAYO!
Aba! Sipag mo namang magbasa, nkaabot ka pa din dito ah. ikaw ha. Kung umabot ka dito type mo lang 'Salamat sayo' at kung may gusto ka pang idagdag.
Oo, salamat sayo. kasi kung nababasa mo to ngayon ibig sabihin ay parte ka sa mga sumusoporta samin. Dahil sobrang na appreciate namin ung pagtambay, pagPuso o pagHaha sa stream. At sobrang salamat sa walang sawang pagsupport at pakikinig sa mga not so korning jokes o not so good gameplays namin ni Tikboy. Salamat sa lahat ng family na sumusuporta, sa mga prends, sa mga nakasama natin sa stream, sa mga nagkokoment at nagshesheyr ng mga kwentong baranggay. sa mga Ninang at Ninong natin at sa mga star sender. Lalo na syempre kay Ninang Rym at Ninang Leona na sobrang naging laking parte sa aming munting pamilya.
Going back to da picture. napalitan na yung lumang keyboard kasi hindi na gumagana ung shift yung pagnagtype ako ng 9 (9999999999999) ung lumalabas at kung ano ano pa. Pero anjan pa din ung lumang monitor na hanggang ngayong matibay pa din. yung Nintendo Switch na binigay sken ni Dragon nung kame ay kinasal, ung regalo sakin ni Ninang Leona na gaming chair na napakalupet na gnagawang tumba-tumba ni Dragon, ung team Shohoku na binigay din saken pero ayaw magpakilala😁, yung speaker na napanalunan ni Dragon sa trabaho nya dati, ung silver play button at sana maging gold din balang araw, yung internet namin na sana wag madisconek pagnaulan, at pinaka paborito ko ngayon ung nabili kong halaman na hindi na lumalaki kasi peke🤣😂
Ayun lang, binuod ko lang talaga at pinaiksi para hindi kayo mahirapan magbasa. Pero syempre, IKAW! oo Ikaw! Maraming maraming salamat sayo dahil kung wala ka, wala din kame. Salamat po!😍😍😍