14/05/2026
Delikado talaga mag live anytime pwede mawalan.
𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗚𝗥𝗜𝗗 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗦
May 14, 2026, as of 2:30 PM
Patuloy po tayong nakikipag-ugnayan sa National Grid Corporation of the Philippines upang malaman kung may posibilidad po na masasama ang ating coverage area sa rotational brownouts sa mga susunod na oras.
Hanggang ngayon po ay wala pa tayong nakukuhang abiso kung tayo ay matatamaan ng MLD.
Pupwede po na sa 1-hour span ay iba-iba pong probinsya at bayan na sakop ng mga electric cooperative ang masasama sa mawawalan ng kuryente.
***
🔴Red Alert | 3:00 PM - 10:00 PM
Kapag red alert, kulang na ang suplay ng kuryente, at nangangailangang magkaroon ng Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout para hindi bumagsak ang grid o kabuuang sistema ng kuryente.
Sa MLD, limitadong kuryente na lamang ang ipinamamahagi kaya para hindi magkaroon ng malawakang blackout, nagkakaroon ng rotational brownout sa mga lugar na itatakda ng NGCP.
🟡Yellow Alert | 10:00 PM - 12:00 AM
Kapag yellow alert, sapat pa ang suplay ng kuryente, ngunit ang reserba o allowance ay kaunti na lamang.
Bagama’t hindi pa ito awtomatikong magkakaroon ng brownout, ang pagnipis ng reserba dahil sa mga nagkaproblemang planta ay kinakailangan ng pagtitipid sa paggamit ng kuryente upang hindi na tumaas pa ang demand.