21/09/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT ! ๐ค๐ถ
Ang buong Coro La Inmaculada, kasama ang ICP Committee on Liturgy โ Sub-committee on Sacred Music, ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Mrs. Ma. Dulce G. Sagad-Silangil sa kanyang magiliw na pagtugon sa aming paanyaya na maging Tagapagsalita at Tagahubog para sa mga Kasapi at Trainees ng Coro La Inmaculada.
Ang makabuluhang pagtitipon na ito ay bahagi ng Monthlong Formation and Spiritual Journey of Coro La Inmaculada, na may temang:
โTinig bilang instrumento ng Pananalangin, at Pusong nag-aalab at bukas sa buhay na Paglilingkod.โ
Sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at pananampalataya, muli naming napagnilayan na ang ating tinig ay hindi lamang instrumento ng musika, kundi isang instrumento ng pananalangin at paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Sambayanan.
Maraming salamat, Ma'am Pengan, sa patuloy na pagbabahagi ng inyong sarili, panahon, talento, at pagmamahal sa paglilingkod sa Simbahan, gayundin sa inyong palagiang suporta at pagmamalasakit sa Coro La Inmaculada.
Nawaโy patuloy na mag-alab ang ating mga puso sa paglilingkod at ang bawat tinig ay maging tunay na panalanginโumaawit hindi para sa sariling kapurihan, kundi para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos at kabanalan ng Kanyang Sambayanan.
Soli Deo Gloria!
Ang lahat ng papuri at kaluwalhatian ay tanging sa Diyos. ๐๐ถ