23/05/2025
๐๐จ๐ก๐๐๐ฆ
Nang nagdaan ang sigwa sa matalim na dila,
Ang aking katawa'y nakulayan gaya ng ugat sa lupa,
Kung sa malayong tingi'y pawang bahag-reyna,
At ang dating hubad ay nasusulat na?
Anupa't ang yapak ay sumapit
Nang minsang nagtanong ang damo,
Hinahanap ang dahon na tinahing balabal;
Lumapit na sa puno at kung kaila'yโ
Dalawin ka ng malamig na hangin.
Anong sadya ng isang koloreteng p**a?
Sa isang kagat, kirot ay nagsimula,
Dumaan na ang unos sa kung saang dako?
Ngunit isang salita'y pinamihasa ng puso.
Alalahanin mong natatakot ka
Kaya't pag-ibig ay nanahan sa piitan,
Hiningahan ka sa alabok tulad ng dilim,
Dumilat ka sa tadhana, tulad ng araw
Nagsimula ka sa pinakamaganda
Subalit nilandas ang hangganan;
Nag-isa ka, at sinamahan ka niya.
Sa pitong araw ng kaniyang pagbabalik
Ang unang kaba'y lumapit,
Kinatok ang puno, nahulog ang bunga
Ang lambot ay naluoy, sa masalimsim na dagli.
Humibik ang mutya at nagpatalikop,
Ang pagtahip ng bigas ang siyang impok,
Ang pawis sa lupa'y dagling lalamunin
Sa pagluluwal, dugo'y nag-usig
At sa pagdalaw ng buwan, tala'y dadaan
Dahil sa alabok ay doon ka nanggaling,
At sa lupang alabok, ika'y babalik rin.
๐๐ป๐ธ. ๐ฅ๐ฑ๐ธ๐ท
3 MARSO 2024