07/02/2022
Habang inaantay ko magshopping si Misis. Naisipan kong tumambay at kumain ng siomai. Nung nag-uumpisa ako, natatandaan ko pa apat na piraso lang ng siomai binibili ko kada swelduhan. Nakagawian ko na tumambay sa SM noon para lang kumain ng siomai. Ngayon walo na (kinain ko na yung isa), may gulaman pa.
Minsan sa sobrang busy natin di na natin namamalayan na malayo na pala ang narating natin. Minsan akala natin, parang walang nangyayari sa buhay natin, pero sobrang laki na pala ng naging pagbabago sa mundo natin.
Minsan kailangan lang nating balikan ang mga kinagawian, dahil ito yung mga bagay na magpapa-alala satin na dito sa agos ng buhay, hindi tayo nahuhuli, hindi tayo napag-iiwanan, umuusad tayo. Gumagaling, nagsusumikap, at unti unting naaabot ang ating mga pangarap.
Tara, siomai.
credits: Kimuel Suyat