04/07/2026
𝑩𝒖𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒏𝒈𝒉𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑩𝒊ñ𝒂𝒏!
07/01/2026—Nagbukas ang Tanghalan ng Bayan, ang Sentrong Pangkultura ng Biñan.
Ito ang magsisilbing tahanan ng sining para sa mga Artistang Biñanense, kung saan patuloy na mabubuhay ang mga kuwento ng ating kultura sa pamamagitan ng awit, sayaw, galaw, at kulay.
Kasama ang iba pang mahuhusay na grupong bumubuo sa BCPA, nagtanghal ang Biñan Metropolitan Chorus sa makasaysayang okasyong ito, sa pamumuno ng napakahusay at nag-iisang Direk BJ Borja, na siyang nagtataguyod ng BCPA sampung taon na ang nakalipas.
Direk BJ, walang hanggan ang aming pasasalamat sa lahat ng oportunidad na inyong ibinigay. Hindi mabubuhay at patuloy na uunlad ang kultura at sining sa Biñan kung hindi dahil sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa sining.
Nagpapasalamat din kami sa taumbayang nagbabayad ng buwis, gayundin kina Congressman Arman Serbisyong Arman - Atty. Arman Dimaguila, Former Congresswoman Len Alonte, Vice Mayor Dada Reyes, at Mayor Gel Alonte, sa inyong walang sawang suporta sa mga batang artistang Biñanense.
Mabuhay ang sining sa Biñan! Mabuhay ang Artistang Biñanense!
Photo credits to the owners.