1Rural

1Rural The official page of the 2026 Grand Alumni Homecoming of UP Rural High School

Pagpupugay sa ating mga G**o. Katuwang na Propesor Josephine QuimboG**o ng Rural simula 1994 hanggang 2024Bb. Joffin-Mar...
21/05/2026

Pagpupugay sa ating mga G**o.

Katuwang na Propesor Josephine Quimbo
G**o ng Rural simula 1994 hanggang 2024

Bb. Joffin-Mari Paje Baril
G**o ng Rural simula 1997 hanggang 2000

Isang matagumpay at makabuluhang inisyatibo ang naisakatuparan ng Silver Jubilarians mula sa UP Rural High School Class ...
15/05/2026

Isang matagumpay at makabuluhang inisyatibo ang naisakatuparan ng Silver Jubilarians mula sa UP Rural High School Class 2001 sa pakikipagtulungan sa Calamba Eye Center sa pamamagitan ng kanilang eye screening program para sa 141 na mga estudyante, g**o, at kawani ng paaralan na idinaos nitong Mayo 11, 12, 14 at 15, 2026. Layunin ng programang ito na itaguyod ang kahalagahan ng mabuting kalusugan ng mata at maagang pagtuklas ng mga problemang maaaring makaapekto sa pag-aaral, pagtuturo, at pang-araw-araw na gawain.

Sa pamamagitan ng libreng pagsusuri sa mata, maraming benepisyaryo ang nabigyan ng pagkakataong malaman ang kanilang kondisyon sa paningin at mabigyan ng tamang payo para sa karampatang pangangalaga. Ang malinaw na paningin ay mahalagang bahagi ng edukasyon, sapagkat nakaaapekto ito sa kakayahan ng isang mag-aaral na matuto at ng isang g**o na epektibong magturo.

Higit pa sa serbisyong medikal, ang programang ito ay naging daan upang mapalalim ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng regular na pagpapasuri ng mata at wastong pangangalaga sa paningin. Tunay na ipinakita ng UP Rural High School Class 2001 at Calamba Eye Center na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maaaring makalikha ng programang may pangmatagalang positibong epekto sa komunidad.

Isang taos pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng mga nakibahagi sa programang ito.

Kita-kita sa Lunes, 11 May 2026. Konting paalaalaHinihikayat po namin ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak,...
08/05/2026

Kita-kita sa Lunes, 11 May 2026.
Konting paalaala

Hinihikayat po namin ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak, lalo na kung kinakailangang bigyan ng presciption para sa mata (salamin o mga gamot).

a. Libre ang eksaminasyon at konsulta ng Ophthalmologist.
b. Ang salamin sa mata kung kailangan ng pasyente ay maaaring mabili sa araw ng pagpapatingin mula sa partner nating Calamba Eye Center.

Mahigit 100 na ang nagparehistro. Ang ating Eye Screening ay 8AM to 12NN (May 11, 12, 14, 15). Kita-kita! Mga mag-aaral,...
02/05/2026

Mahigit 100 na ang nagparehistro. Ang ating Eye Screening ay 8AM to 12NN (May 11, 12, 14, 15). Kita-kita! Mga mag-aaral, magpaalam sa inyong mga magulang at guardians. Salamat!

UP Rural High School Batch of 1997, Class of 2001 — mga Silver Jubilarians ngayong taon. Mula sa ika-69 na pagtatapos sa...
21/04/2026

UP Rural High School Batch of 1997, Class of 2001 — mga Silver Jubilarians ngayong taon.

Mula sa ika-69 na pagtatapos sa DL Umali Hall noong ika-20 ng Abril 2001, patuloy na nagbubuklod sa alaala at tagumpay.

Batch 97 - 97th Homecoming.
Class 01 - 1Rural.

The UP Rural High School Class of 2001 Silver Jubilarians, in partnership with Calamba Eye Center, warmly invite all cur...
17/04/2026

The UP Rural High School Class of 2001 Silver Jubilarians, in partnership with Calamba Eye Center, warmly invite all current UP Rural High School students, faculty and staff to participate in a Basic Eye Screening Program aimed at promoting eye health and early detection of vision problems. This initiative reflects our commitment to supporting the well-being and academic success of the Ruralite community.

The screening will be conducted at UP Rural High School, Paciano Rizal, Bay, Laguna on May 11, 12, 14, and 15, 2026. The program has a capacity of 150 patients per day. Screening schedules are organized by year level and will be announced by UP Rural High School. Please select your screening date in this registration form based on your grade level, and we will do our best to accommodate your availability based on daily capacity.

The Basic Eye Screening will include the following assessments:

Visual Acuity Testing
Eye Refraction
Slit Lamp Examination

Important Notes:

> This registration form is intended only for scheduling purposes.
> This is not a consent form. A separate informed consent form will be signed on the day of the screening.
> The eye screening is optional.
> Registrants will be verified by UP Rural High School Faculty

May 11 (Monday) - Grades 7 and 8
May 12 (Tuesday) - Grades 9 and 10
May 14 (Thursday) - Grades 11 and 12
May 15 (Friday) - Faculty and Staff

Data Privacy Clause:
All personal information collected in this registration will be used solely for the purpose of organizing screening schedules and contacting parents or guardians in case of any changes or updates. The information will be handled with strict confidentiality and in accordance with applicable data privacy regulations.

We look forward to your participation in this meaningful initiative to support eye health.

Registration Link: https://forms.gle/q9r9QNiv3G3KeGvW6

Pagpupugay sa ating mga G**o. Propesor Ginaline UntiveroG**o ng Rural simula 1986 hanggang 1998Katuwang na Propesor Conc...
08/04/2026

Pagpupugay sa ating mga G**o.

Propesor Ginaline Untivero
G**o ng Rural simula 1986 hanggang 1998

Katuwang na Propesor Concepcion Apalin-Gaffud
G**o ng Rural simula 1983 hanggang 2024

Distinguished Women
31/03/2026

Distinguished Women

Pagpupugay kay Professor Sherry MarasiganG**o ng Rural simula 1996 hanggang 2007Si Professor Sherry Marasigan ay isang F...
26/03/2026

Pagpupugay kay Professor Sherry Marasigan
G**o ng Rural simula 1996 hanggang 2007

Si Professor Sherry Marasigan ay isang Fellow Ruralite na nagsilbing inspirasyon sa maraming henerasyon ng mag-aaral. Matapos niyang makapagtapos ng kolehiyo, agad siyang bumalik sa kanyang pinagmulan upang magturo—isang patunay ng kanyang malasakit at dedikasyon sa komunidad ng Rural. Sa kanyang mga klase sa Philippine History at World History, hindi lamang niya ibinabahagi ang mga pangyayari ng nakaraan, kundi binibigyang-buhay ang mga ito sa paraang madaling maunawaan at maiugnay sa kasalukuyan.

Higit pa sa pagiging g**o, si Ma’am Sherry ay naging kaibigan ng marami. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kanyang mga estudyante—palaging magaan kausap, bukas makinig, at tila hindi tumatanda sa enerhiya at sigla. Dahil dito, naging mas makahulugan ang bawat aralin, at mas tumatak ang bawat kwento ng kasaysayan sa puso at isipan ng kanyang mga tinuturuan.

Sa piling ni Ma’am Sherry, masasabi nating ang aming karanasan ay “historically good”—hindi lamang dahil sa aming natutunan, kundi dahil sa kung paano niya hinubog ang aming pagtingin sa nakaraan, kasalukuyan at maging ang hinaharap.

Si Professor Sherry Marasigan ay hindi lamang isang pahina sa kasaysayan ng ating paaralan—siya ay naging bahagi na ng ating sariling talambuhay. Isa siyang alamat na mananatiling buhay sa bawat kwento ng tagumpay at sa bawat mabuting gawang ibinubunga ng mga Ruralite sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa kaniyang paggabay, ang kasaysayan ay hindi lamang naging isang asignaturang kailangang ipasa, kundi isang sulo na nagbibigay-liwanag sa aming landas.

Ma’am Sherry, palagi naming dala ang iyong ngiti, ang iyong sigla, at ang iyong pagmamahal; dahil sa inyo, ang aming kahapon ay naging makabuluhan, at ang aming ngayon ay punong-puno ng pag-asa. Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Pagpupugay kay Professor Lerma M. DimaandalG**o ng Rural simula 1984 hanggang 2010. Sa pagdiriwang ng ika-97 na Homecomi...
12/03/2026

Pagpupugay kay Professor Lerma M. Dimaandal
G**o ng Rural simula 1984 hanggang 2010.

Sa pagdiriwang ng ika-97 na Homecoming ng UP Rural High School, binibigyang-pugay natin ang mga g**ong naging haligi sa ating paghubog—hindi lamang bilang mga mag-aaral, kundi bilang mga taong may pangarap at layunin sa buhay.

Maaaring natutunan natin na ang Ipomoea batatas ang scientific name ng kamote. Ngunit mas tumatak sa ating alaala ang malakas na sigaw ng “Kamote!”—ang kakaibang paraan ng pagdidisiplina ng ating minamahal na g**o na si Professor Lerma M. Dimaandal.

Marahil ngayon ay mas nauunawaan na natin kung bakit siya ang isa sa mga unang g**ong ating nakilala sa UP Rural High School bilang g**o ng Science 1. Kulang na lamang ay mabato ka niya ng mga sample ng igneous, sedimentary, at metamorphic rocks kapag hindi ka handa sa klase. Ngunit sa paglipas ng mga taon, mas napapahalagahan natin ang disiplina at paghahandang kanyang itinuro. Sa kanyang klase, mahalagang laging handa sa mga tanong at marunong makinig kapag hindi tinatawag.

Sa kabila ng kanyang pagiging mahigpit sa silid-aralan, siya rin ay isang mapag-arugang adviser at gabay sa maraming estudyante—isang g**ong hindi lamang nagturo ng agham, kundi naghubog din ng karakter.

Ngayon, mas malinaw nating nauunawaan ang tunay na kahulugan ng kanyang “Kamote!”—isang paalala upang tumatak sa ating kukote na huwag tayong maging “kamote,” hindi lamang sa kalsada kundi sa mga desisyon at landas na tatahakin natin sa buhay.

Sa ngalan ng mga alumni at mga estudyante ng UP Rural High School, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paggabay. Ang iyong impluwensya ay patuloy na nabubuhay sa bawat landas na aming tinatahak.

Maraming salamat, Ma’am Dimaandal!

Isang araw ng pagbabalik, pagkukuwento, at muling pagkikita. Abangan.
10/02/2026

Isang araw ng pagbabalik, pagkukuwento, at muling pagkikita. Abangan.

Address

UP Rural High School
Bay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1Rural posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share