Sangguniang Kabataan Maitim,Bay,Laguna

Sangguniang Kabataan Maitim,Bay,Laguna Progressive Youth Organization.

πŸ”₯ READY NA BA ANG LAHAT? πŸ”₯Darating na ang 8th Padagrass Festival! πŸ’œπŸŒΎTatlong araw ng kasiyahan, palaro, sayawan, parada, ...
03/08/2026

πŸ”₯ READY NA BA ANG LAHAT? πŸ”₯
Darating na ang 8th Padagrass Festival! πŸ’œπŸŒΎ
Tatlong araw ng kasiyahan, palaro, sayawan, parada, at makukulay na programa ang inyong aabangan ngayong August 21–23, 2026. Huwag palampasin ang mga exciting events at sama-sama nating gawing hindi malilimutan ang pagdiriwang ngayong taon!

See you sa 8th Padagrass Festival! πŸŽ‰πŸ’¦πŸŒ΄

Gandang Palaban, Pusuang Maitim! πŸ’œπŸ‘‘β€‹Handa nang magningning at mang-agaw ng korona sa Binibining Bay 2026! Ipakita mo ang...
03/08/2026

Gandang Palaban, Pusuang Maitim! πŸ’œπŸ‘‘
​Handa nang magningning at mang-agaw ng korona sa Binibining Bay 2026! Ipakita mo ang lakas, ganda, at talino ng ating barangay, CHARLIZE! Buong Brgy. Maitim ang nakatindig at sumusuporta sa’yo! πŸ”₯✨
​

πŸ’¦ HANDA NA BA KAYONG MABASA AT MAGSAYA?! 🌾🐟Ito na ang pinakahihintay ng lahat! Tara na at makiisa sa 8TH PADAGRASS FESTI...
03/08/2026

πŸ’¦ HANDA NA BA KAYONG MABASA AT MAGSAYA?! 🌾🐟

Ito na ang pinakahihintay ng lahat! Tara na at makiisa sa 8TH PADAGRASS FESTIVAL: OPENING PARADE! πŸŽ‰

πŸ—“οΈ Petsa: August 21, 2026
πŸ“ Lugar: Daang Bakal, Brgy. Maitim
⏰ 9:00 am

Ihanda na ang inyong mga tabo, timba, water gun, at iba pang pampabasa, dahil siguradong BASAAN AT KASAYAHAN ang naghihintay sa ating lahat! πŸŒŠπŸ’¦

Sama-sama nating ipagdiwang at ipagmalaki ang masaganang biyaya ng ating barangay ang ating Palay, Isda, at Froggrass! 🌾🐟🌱

🎊 Inaanyayahan ang lahat ng sektor ng komunidad na makiisa at makisaya! Isama ang inyong pamilya, barkada, at mga kapitbahay para sa isang makulay, masaya, at hindi malilimutang selebrasyon.

πŸ“’ PAALALA:
βœ… Lahat ng sasali at dadalo sa Opening Parade ay dapat asahan na mababasa sa buong selebrasyon.
βœ… Ang basaan ay mahigpit na pinahihintulutan lamang sa loob ng Daang Bakal, sa mismong lugar ng parada.
❌ Mahigpit na ipinagbabawal ang pambabasa sa mga dumaraang sasakyan, motorsiklo, bisikleta, at iba pang sasakyang hindi kalahok sa selebrasyon.
❌ Huwag ding babasain ang mga taong hindi kasali sa parada o sa pagdiriwang, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon. Sama-sama nating gawing masaya, ligtas, at disiplinado ang ating pagdiriwang!

Kita-kits sa Daang Bakal! πŸ”₯

πŸŽ‰ 8th PADAGRASS Festival Street Dance Performance πŸŽ‰πŸ“’ ATTENTION!-Ang unang tatlong (3) grupo na makakapagpasa ng kanilang...
02/08/2026

πŸŽ‰ 8th PADAGRASS Festival Street Dance Performance πŸŽ‰

πŸ“’ ATTENTION!

-Ang unang tatlong (3) grupo na makakapagpasa ng kanilang registration ay awtomatikong makakatanggap ng β‚±15,000 bawat grupo!

πŸ“Œ Mahalagang Paalala:

- Hindi na ito magiging kompetisyon. Ang unang tatlong (3) grupong makakapagparehistro at makapag-pasa ay ang siyang magpe-perform sa festival.

-Hanggang 40 katao lamang ang naka talang pwedeng sumali bawat grupo

- Hindi na pinapayagang kumuha ng hugot o mga mananayaw mula sa ibang barangay o bayan.

- Ang lahat ng kalahok ay dapat na mula lamang sa Barangay Maitim.

⏳ Huwag nang magpatumpik-tumpik! Magparehistro na at siguraduhing mapasama sa unang tatlong (3) grupo.
πŸ“© Para sa registration at iba pang detalye, makipag-ugnayan kay SK CouncAivan Jairo Bedaniadaniadania

πŸ“Œ August 23 2026
⏰ 2:00pm

Official Music can download here
https://drive.google.com/file/d/1TrugZ9noxjXdcRKk4rdwGyHWXS93zW4_/view?usp=sharing

Entry Form can dowload here
https://docs.google.com/document/d/1wtE9-Pt-xnGp43EEvAZF9VSY0YSyu696/edit?usp=sharing&ouid=114344164597565367788&rtpof=true&sd=true

πŸ’œπŸŽ‰ PALARONG KABATAAN | 8th PADAGRASS FESTIVAL πŸŽ‰πŸ’œHanda na ba kayong ipakita ang inyong galing at diskarte? Tara na at mak...
02/08/2026

πŸ’œπŸŽ‰ PALARONG KABATAAN | 8th PADAGRASS FESTIVAL πŸŽ‰πŸ’œ

Handa na ba kayong ipakita ang inyong galing at diskarte? Tara na at makisaya sa ating Palarong Kabataan, tampok ang mga paboritong tradisyunal na larong Pinoy na siguradong magbabalik ng masasayang alaala!

πŸ“ Para sa mga kabataang edad 17 taong gulang pababa

🎯 Libreng sumali at bukas sa lahat ng kwalipikadong kabataan.

πŸ† May mga exciting na palaro, kasiyahan, at pagkakataong manalo ng mga papremyo!

Sama-sama nating buhayin ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga larong kinalakihan ng bawat henerasyon. Huwag palampasin ang saya at makiisa sa pagdiriwang ng 8th PADAGRASS FESTIVAL!

πŸ“Œ August 22 2026
⏰ 9:00am

πŸ“£ Makipag ugnayan lamang kay Sk CouncilDanillen Tenorio Tenorio

πŸ“’ Tara na, kabataan! Maglaro, makisaya, at maging bahagi ng pagdiriwang! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’š

πŸ”₯πŸ’ƒ **DANCE CONTEST – 8th PADAGRASS FESTIVAL 2026** πŸ•ΊπŸ”₯🚨 MAS PINALAKI ANG MGA PREMYO! 🚨Mas malaking papremyo, mas matindin...
02/08/2026

πŸ”₯πŸ’ƒ **DANCE CONTEST – 8th PADAGRASS FESTIVAL 2026** πŸ•ΊπŸ”₯

🚨 MAS PINALAKI ANG MGA PREMYO! 🚨

Mas malaking papremyo, mas matinding laban! Handa na ba kayong ipakita ang inyong husay sa pagsayaw? Ito na ang pagkakataon ng inyong grupo na magningning sa entablado at maiuwi ang kampeonato!

πŸ† MAS PINALAKING PRIZES
πŸ₯‡ 1st Place – β‚±10,000
πŸ₯ˆ 2nd Place – β‚±7,000
πŸ₯‰ 3rd Place – β‚±5,000

πŸ“ Registration Fee:β‚±500 bawat grupo

πŸ“… August 22, 2026
πŸ•• 6:00 PM

πŸ“ Makipag-ugnayan kay SK Councilor Aivan Jairo Bedania para sa registration at iba pang detalye.

✨ Tipunin ang inyong mga miyembro, ihanda ang inyong pinakamalupit na choreography, at patunayan na kayo ang may pinakamatinding talento sa sayawan!

πŸŽ‰ Mas pinalaki ang papremyo, mas pinalaki rin ang oportunidad! Huwag palampasin ang isa sa mga pinakaaabangang tampok ng 8th Padagrass Festival 2026. Baka ang inyong grupo na ang susunod na kampeon!

πŸ›Ίβœ¨ ILALABAS NA ANG MALIKHAING GAWA NG BAWAT PUROK! βœ¨πŸ›ΊHanda na ba kayong mamangha sa galing at pagkakaisa ng ating barang...
02/08/2026

πŸ›Ίβœ¨ ILALABAS NA ANG MALIKHAING GAWA NG BAWAT PUROK! βœ¨πŸ›Ί

Handa na ba kayong mamangha sa galing at pagkakaisa ng ating barangay? Abangan ang mga makukulay at bonggang E-Bike Floats na makikiramay at irarampa rin sa ating Opening Parade! 🌾🌊

Tanging limang (5) piling e-bike floats mula sa ating limang purok ang magtatagisan ng ganda, palamuti, at pagiging malikhain gamit ang mga likas na yaman ng Brgy. Maitim!

Kaninong Purok kaya ang mag-uuwi ng kampeonato ngayong taon? πŸ†

πŸ“ IrΓ rampa sa: Opening Parade (Daang Bakal)
πŸ—“οΈ Kailan: August 21, 2026
⏰ 9:00 am

πŸ“Œ Makipag ugnayan kay Sk CouncilAivan Jairo Bedania Bedania

I-cheer at suportahan ang entry ng inyong Purok! I-comment na ang inyong team sa ibaba! πŸ‘‡πŸ”₯

πŸ“’ π—”π—§π—˜π—‘π—¦π—¬π—’π—‘, π—Ÿπ—œπ— π—”π—‘π—š 𝗣𝗨π—₯π—’π—ž π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π— π—”π—œπ—§π—œπ— ! πŸŒΎπŸŽ‰Narito ang mahahalagang paalala para sa 8th Padagrass Festival Competitio...
31/07/2026

πŸ“’ π—”π—§π—˜π—‘π—¦π—¬π—’π—‘, π—Ÿπ—œπ— π—”π—‘π—š 𝗣𝗨π—₯π—’π—ž π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π— π—”π—œπ—§π—œπ— ! πŸŒΎπŸŽ‰
Narito ang mahahalagang paalala para sa 8th Padagrass Festival Competition:

βœ… Bukas ang kompetisyon para sa limang (5) purok ng Barangay Maitim.

πŸ“ Kinakailangang magsumite ng Entry Form ang bawat purok sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Maitim. Hanapin si SK Councilor Hon. Aivan Jairo Z. Bedania para sa pagpapasa ng inyong entry.

🎭 Tema: "Folklotic: Tradisyon ang Tibok, Pagkakaisa ang Lakas, Nag-aalab ang Puso sa Ika-8 Padagrass Festival."

πŸ’ƒ Ang bawat delegasyon ay dapat binubuo ng 30 hanggang 40 mananayaw, na siya ring magsisilbing performers sa presentasyon.

πŸ‘₯ Pinapayagan ang hanggang 5 mananayaw mula sa ibang barangay o lugar na maging bahagi ng bawat delegasyon.

🎢 Ang opisyal na musika para sa Street Dance at Showdown ay manggagaling lamang sa Tanggapan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Maitim. Hindi papayagan ang anumang pagdagdag, pagbabawas, o pagbabago sa opisyal na musika.

🌾 Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura, tradisyon, at pagkakaisa sa 8th Padagrass Festival! Maghanda, makiisa, at ipakita ang galing ng inyong purok! πŸ’šπŸ’›

πŸ“Œ August 23 2026

Official Music can download here
https://drive.google.com/file/d/1TrugZ9noxjXdcRKk4rdwGyHWXS93zW4_/view?usp=sharing

Entry Form can dowload here
https://docs.google.com/document/d/1wtE9-Pt-xnGp43EEvAZF9VSY0YSyu696/edit?usp=sharing&ouid=114344164597565367788&rtpof=true&sd=true

31/07/2026

πŸ”₯ IT’S OFFICIALLY HERE! πŸ”₯

Panibagong taon ng pagkakaisa, sining, at masayang selebrasyon! Ang Pamahalaang Barangay at Sangguniang Kabataan ay taos-pusong inaanyayahan ang lahat na makilahok at maging bahagi ng ating taunang kapistahan.

Samahan niyo kami sa pagdiriwang ng ating kultura at tagumpay! Kita-kits tayo! πŸŒΎπŸŽ‰

πŸŽ“ Congratulations, SK Aivan Jairo Z. Bedania!πŸŽ‰Congratulations on your graduation! Your hard work, perseverance, and dete...
21/07/2026

πŸŽ“ Congratulations, SK Aivan Jairo Z. Bedania!πŸŽ‰

Congratulations on your graduation! Your hard work, perseverance, and determination have finally paid off. This achievement marks the beginning of a new and exciting chapter in your life.

As a newly graduated youth leader, may you continue to inspire others through your dedication, humility, and commitment to public service. Wishing you success as you pursue your dreams and make a positive impact on your community.

May God continue to guide and bless you in all your future endeavors. Congratulations once again, SK Aivan Jairo Z. Bedania!πŸŒŸπŸŽ“

Address

Bay

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Maitim,Bay,Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share