Chorus Sancti Augustini

Chorus Sancti Augustini The Chorus Sancti Augustini or CSA is part of the Saint Augustine Parish-Liturgical Music Ministry in Bay, Laguna.

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯Hi friends, Happy Sunday! 🀍 Quick reflection lang mula sa homily natin ngayong Linggo, k...
03/08/2026

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯

Hi friends, Happy Sunday! 🀍 Quick reflection lang mula sa homily natin ngayong Linggo, kung saan pagninilayan natin ang kahalagahan ng Banal na Misa at ang pag-alaala sa ating mga Pari. 😊

Tuwing tayo ay pumupunta sa Misa, ang Diyos Mismo ang nag-aanyaya sa atin. Ipinaalala rin sa homily na iisa lang ang Misa at Pariβ€”may Pari upang magdiwang ng sakramento, at may Misa dahil may Pari.

3 Mahalagang Bagay na Binibigay ng Misa (Ang Misa bilang Isang Handaan):

1. Pumupunta tayo sa Misa para sa pagkaing hindi natin mahahanap sa ibang handaan. Hindi lang nito binubusog ang ating katawan, kundi pati na rin ang ating kaluluwa.
2. Sa bawat pagdalo natin sa Kaniyang imbitasyon, lalo tayong napapalapit at lumalalim ang ating relasyon sa Panginoon.
3. Pag-uuwi tayo ng grasya para sa mga susunod na araw. Ang Banal na Misa ay isang handaan din sa kalangitan. Kaya tuwing sumisimba tayo, para na rin tayong nakakatapak sa langit dahil sa dami ng grasyang inihanda ng Diyos para sa atin.

Without the priest, there will be no Mass. Maaaring may mga pagkakataong hindi natin magustuhan ang ilang pari, o baka may magawa silang pagkakamali o kasalanan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, sana ay patuloy natin silang ipagdasal at mahalin. Nawa’y hindi lang sila maging daan para mapalapit tayo sa Diyos, kundi maging daan din upang makita natin ang tunay na kahalagahan ng Banal na Misa sa ating buhay.

πŸ’¬ Kayo ba, mga kapatid? Ano 'yung naging pinakamalaking takeaway niyo sa homily ngayong araw? O anong favorite homily ni Father ang tumatak sa inyong puso na hinding-hindi niyo makakalimutan? Share niyo naman ang inyong thoughts at kwento sa comment section sa baba! πŸ₯°β€οΈβ€πŸ”₯

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚  l Chapter 5Naalala ko noong bata pa ako, isa si Lola sa mga pinakamasipag na nag-aayos at namamahala ...
02/08/2026

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚ l Chapter 5

Naalala ko noong bata pa ako, isa si Lola sa mga pinakamasipag na nag-aayos at namamahala sa aming kapilya. Lagi siyang nagrorosaryo at nagsisimba tuwing Linggo. Walang kapagud-pagod niyang pinupunasan ang mga imahe ng santo sa bahay at inaayos ang aming altar. Minsan ay inaanyayahan niya akong maglingkod, pero hindi ko siya pinapansinβ€”mas gusto ko kasing maglaro sa labas kaysa maupo sa loob ng simbahan.

Isang araw, sinabi niya sa akin na kailangan daw ng mang-aawit sa chapel at isinali niya ako nang walang pasabi.

Ako? Ayoko nga! Mas gusto ko na lang maglaro kaysa magsimba. Ngunit wala na akong nagawa dahil nailista niya na ako. Dumating ang araw ng voice assessment. Kahit marunong naman akong kumanta, sadyang hindi ko inayos para sana hindi ako matanggap. Naalala kong napagalitan pa ako noon ng coordinator, pero dahil kilalang-kilala at nirerespeto nila si Lola, ipinasok pa rin nila ako sa choir.

Noong una, tamad na tamad talaga ako. Pumupunta ako sa ensayo na mabigat ang loob kasi wala akong kilala at pakiramdam ko out of place ako. Pero unti-unti, habang dumarami kami sa choir, may nakakausap na ako at nakakasabay sa blending at harmonization ng mga kanta. Ang saya pala!

Tuwing Misa, seryoso at solemn kaming lahat na nag-aalay ng awitin. Pero sa practice, doon lumalabas ang totoong saya. Laging may kwentuhan, kulitan, at walang katapusang tawanan. At syempre, ang pinakaaabangan ng lahat pagkatapos ng ensayo, ang meryenda! Nag-aambagan kami para sa pancit canton, banana cue, o kaya’y malamig na palamig at biskuit mula sa kalapit na sari-sari store. Sa simpleng salo-salo sa mga monobloc chair sa gilid ng chapel, nakahanap ako ng pamilyang hindi ko inaasahan.

Everything was getting good. Hindi na ako laging lumalabas para lang maggala o maglaro. I would eagerly wait for the weekend because I realized it was God’s time. Natuto akong mag-rosary nang may buong puso, inaral ang mga Salita ng Diyos, at higit sa lahat, natutunan kong mahalin ang liturgical music. Bawat kanta ay naging paraan ko ng panalangin at pakikipag-usap sa Kanya.

Lahat ay maayos at masaya, not until the pandemic happened in 2020. In an instant, everything stopped. Isinarado ang mga simbahan at natigil ang lahat ng pagtitipon. Limang taon akong walang service. Sa tagal ng panahon na iyon, nawala ako sa sanay. Nasanay ako sa tahimik at hiwalay na buhay hanggang sa naisip ko: Itutuloy ko pa ba ito? May puwang pa ba ako sa paglilingkod?

God’s time is always perfect. Fast forward to 2025, my friend invited me to join the Liturgical Music Ministry. Hearing that invitation felt like a spark reviving a flame inside me. I was thrilled. When I stood once again with the choir and held the microphone, an overwhelming sense of joy returned. Bumalik β€˜yung dating ako, pero mas higit pa. Ang dating batang napilitan lang noon ay nagbalik ng may pagkukusa, mas tapat na pasyon, at mas matatag na pananampalataya.

Looking back, narealize ko na hindi pala natatapos ang ugnayan natin sa Diyos dahil lang sa mga panahon ng paghinto. Akala nati’y putol na ang ating kwento sa Kanya, pero ang totoo, iyon pala ay isang mahabang pahinga lamang na bahagi ng Kanyang mas dakilang plano. In those five silent years, God never gave up on me; He was simply preparing my heart so that my return would be more meaningful. God’s plan is always greater than our pauses. Now I know that no matter how long I step away, His grace will always guide me back because in every season of my life, He calls for me, and I will gladly answer Him through song.

Kuwento ni: Soprano Kara
Isinaayos ni: Alto Gichelle

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯Hi friends, Happy Sunday! 🀍 Quick reflection lang mula sa homily natin ngayong linggoβ€”la...
26/07/2026

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯

Hi friends, Happy Sunday! 🀍 Quick reflection lang mula sa homily natin ngayong linggoβ€”lalo na’t ipinagdiriwang din natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly / National Grandparents Day! πŸ‘΅πŸ‘΄βœ¨

Sino rito 'yung may mga lolo at lola na lagi silang pinagsasabihan sa mga kinikilos at pag-uugali nila? πŸ˜† Palagi niyo rin bang naririnig sa kanila 'yung linyang, "Papunta ka pa lang, pabalik na ako"? Minsan, aminin natin, parang nakakasawa at paulit-ulit na lang 'yung mga pangaral nila, 'no? πŸ˜…

Pero dahil sa mga paalala nila ay dito natin makikita ang tunay na pinagkaiba ng knowledge at wisdom na topic kanina sa homily. 😊

Naniniwala ba kayo sa litanyang "Talo ng taong marunong ang taong madami lang alam"? Ang knowledge (kaalaman), ito 'yung mga bagay o impormasyon na natututunan natin sa paaralan, nababasa sa libro, o naise-search at trending online. Samantala, ang karunungan (wisdom) naman ay hindi lang basta napupulot kahit saan. Ito ay isang biyaya mula sa Diyos na nahuhubog sa pamamagitan ng karanasan, panalangin, at panahonβ€”mga bagay na taglay na ng ating mga elders.

Bakit nga ba napakahalaga ng wisdom? Ayon sa homily, Nakakatulong ito sa paggawa ng tamang desisyon na may kasamang pagmamahal at malasakit na gumagabay sa atin sa tamang landas patungo sa Panginoon. Hindi lang 'yon, napapanatili rin nito ang pagiging mapagkumbaba natin sa ibang tao at piliin ang kapayapaan kaysa sa pakikipag-argumento. Sa madaling salita, ang kaalaman ay naiipon sa isip, pero ang karunungan ay isinasabuhay sa puso. 🌾✨

Kaya para sa atin na may mga lolo, lola, at kilalang elders pa sa buhay, nawa'y i-cherish at pahalagahan natin ang bawat paalala at sinasabi nila. Hindi lang ito basta pangangaral lang dahil galing ito sa lalim ng kanilang totoong karanasan sa buhay. May mga problemang kinakaharap tayo ngayon na nalampasan na nila noon, o kaya nama'y may mga pagkakamali silang ayaw na nilang maulit pa natin ngayon.

Kayo baβ€”ano 'yung naging pinakamalaking takeaway niyo sa homily ngayong araw? O anong pangaral moments mula sa inyong mga lolo, lola, o elders ang hinding-hindi niyo makakalimutan at taos-puso niyong pinapahalagahan? Share niyo naman 'yung thoughts at kwento niyo sa baba! πŸ₯°β€οΈβ€πŸ”₯

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯Hi friends, Happy Sunday! Esteβ€”Happy Saturday! πŸ˜…πŸ€ Quick reflection lang mula sa homily n...
25/07/2026

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯

Hi friends, Happy Sunday! Esteβ€”Happy Saturday! πŸ˜…πŸ€ Quick reflection lang mula sa homily natin last Sunday. 😊

Minsan may mga pagkakataong napapatanong tayo: Kung mabuti at makapangyarihan ang Diyos, bakit Niya hinahayaang mangyari ang mga masasamang bagay? Bakit kailangang magdusa ng mga mabubuting tao?

Pero ang ganda nung distinction na binigay ni Father nitong Sunday: pinapahintulutan ng Diyos ang masama, pero hindi Siya ang sanhi nito.

Si God, para Siya isang magulang na nagpapalaki ng anak na nagdadalaga o nagbibinata. Pwedeng-pwede ka Niyang diktahan sa lahat ng bagay. Pwede Niyang ibukod ang anak Niya sa mundo para hindi ito magkamali, masaktan, o makagawa ng masama. Pero isipin mo na kung gagawin Niya 'yun, parang magiging puppet o robot ka lang na sumusunod sa kung anong sabihin Niya, hindi isang taong totoong nagmamahal. Parang hindi ka na rin binigyan ng kalayaang mabuhay.

Sa madaling salita, si Lord, binibigyan niya tayo ng free will, may kalayaan tayong pumiliβ€”mabuti man o masama. Pero tandaan mo na kahit nagkakaroon tayo ng pagsubok o kahirapan dahil sa maling desisyon natin, hindi tayo pinapabayaan ng Diyos. Instead, ginagamit Niya 'yung mga ganitong sitwasyon para mas lalong lumabas at lumago ang kabutihan, pananampalataya, at katatagan natin.

Kayo baβ€”ano 'yung naging takeaway niyo sa homily na 'to o anong mga personal experience niyo ang pwede nating ma-konek dito? Share niyo naman 'yung thoughts niyo sa baba! πŸ₯°β€οΈβ€πŸ”₯

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚  l Chapter 4Ewan ko ba, pero sa lahat ng gulo na nangyayari sa buhay ko, sa sementeryo ako madalas pum...
25/07/2026

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚ l Chapter 4

Ewan ko ba, pero sa lahat ng gulo na nangyayari sa buhay ko, sa sementeryo ako madalas pumunta. Bukod kasi sa ganda ng tanawin at tahimik ng lugar ay sobrang ganda rin ng paglubog ng araw dito.

Payapa. Walang nagmamadali. Walang nagsisiksikan.

Habang pinagmamasdan ko ang mga pangalang nakaukit sa marmol ay hindi ko rin maiwasang mapaisipβ€”dito rin pala ang huling hantungan nating lahat. Maging estudyante ka man, simpleng manggagawa, o ang pinakamakapangyarihang politiko sa bansa, iisa lang ang tuldok ng kuwento natin. Dito rin tayo mapapadpad.

Pero ang totoong sampal sa aking mukha ay kapag kailangan ko nang tumayo at lumabas sa gate. Dahil paglabas mo sa tahimik na lugar na ito, gigisingin ka agad ng problemadong reyalidad.

Babalik ka sa ingay ng kalsada, sa usok ng tambutso, sa pamasahe at mga bilihing patuloy ang pagtaas na tila wala nang balak ibaba katulad ng mga ipinangako ng mga opisyal. Makikibuhay ka sa mga balitang nakakapagpakulo ng iyong dugoβ€”mga panibagong angkan at dayuhang nag-aagawan ng kapangyarihan habang ang kapwa Pinoy ang naiipit.

Nalulunod ang balita sa impeachment trial ng mga opisyal sa Senado, kung saan ang pera at tiwala ng bayan ay ginagawang political circus na napapanood pa natin. Samantala sa hilaga, malalaman mo na lang na pati ang Batanes ay extension na raw ng Taiwan ayon sa pang-aangkin ng Tsina, na parang ginawa ng katatawanan at laman ng bully ang ating soberanya. At sa gitna ng sinasabing kaunlaran, nariyan ang mga proyektong tulad ng Pax Silica sa New Clark Cityβ€”na kakain ng kilo-kilometrong laki ng ating yamang lupa, isang malaking banta na magdadala lamang ng mas matinding problema, pagkawasak, at hayag-hayagang pagbebenta ng ating lupain at likas-yaman para sa geopolitics ng mga malalaking bansa. Hindi lang 'yan, nakapanood pa ako sa I-Witness ng dokumentaryong "Ibinasurang Paraiso" kung saan ang tonela-toneladang basura ay basta-basta na lang itinatapon sa kabundukan na may naninirahang pang mga kapwa nating katutubong Aeta. Nakagagalit at nakalulungkot isipin na hindi lang mga dayuhan ang nanamantala sa atinβ€”dahil sa mismong kwentong iyon, kitang-kita kung paanong ang sarili nating kababayan at pamahalaan ang nanghihila sa atin pababa at dumudungis sa buhay ng kapwa para lang sa sariling pakinabang.

Mapapatanong ka na lang talaga sa sarili mo habang nakatingin sa labas: Hanggang kailan ba natin sisikmurain ang ganitong sistema? Hanggang kailan tayo papayag na magpaapi at maging manonood na lang sa sarili nating bayan? Nakakapagod na palaging ang ordinaryong Pilipino ang nagdidikit ng pyesa ng pangarap na paulit-ulit na winawasak ng mga nasa itaas.

Napakasakit isipin na sa sarili nating bayan, kailangan mo munang pumunta sa lugar ng mga patay para lang makaramdam ng kaunting kapayapaan at katahimikan.

Pero marahil, sa gitna ng ganitong kabigatan, doon nagkakaroon ng linaw ang lahat. Kailangan muna nating maranasan at makita ang sukdulang dilim at pait ng ating lipunan para totoong maintindihan kung gaano kahalaga ang liwanag at katarungan. Kung hindi natin mararamdaman ang galit at sakit sa kasalukuyang sitwasyon, baka naging manhid na tayo at natuto na lang tumanggap ng bulok na sistema.

Kaya habang buhay pa tayo at wala pa sa ilalim ng lupang ito, may tsansa pa tayong pumili. Pipiliin ba nating maging bahagi ng masamang damo na nakikibagay na lang sa kabulukan at nagbubulag-bulagan, o magiging mabuting trigo tayo na lalaban, magpoprotekta sa kapwa, at mag-iiwan ng magandang bakas?

Matatapos din ang lahat ng ito. Lilipas din ang mga nakaupo sa pwesto. Pero habang naglalakad ako palabas ng sementeryo patungo sa maingay at magulong kalsada, bitbit ko ang panalanging sana, bago man lang tayo makarating sa huling hantungan, maranasan din ng bawat Pilipino ang buhay na may tunay na kapayapaan, katarungan, at ginhawa.

-Alto Gichelle

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚  l Chapter 3Tuwing practice, laging nasa pinakadulo si Nicoβ€”tahimik lang. Kapag may nagtatanong kung s...
08/07/2026

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚ l Chapter 3

Tuwing practice, laging nasa pinakadulo si Nicoβ€”tahimik lang. Kapag may nagtatanong kung sino ang pwedeng mag-lead o pumalit, automatic ang sagot niya:

"Ate, pass muna po. Hindi pa po ako ready."

Hindi naman siya tamad; natatakot lang siyang magkamali. Isang Linggo, ilang minuto bago magsimula ang Misa, biglang nagkasakit ang psalmista. Nagtinginan ang lahat. Tahimik. Maya-maya, lumapit ang choir master kay Nico.

"Ikaw na," wika nito.

Nanlaki ang mga mata ni Nico. "Ha? Ako po? Baka magkamali lang ako."

Ngumiti ang choir master. "Alam mo ba? Lahat kami rito, minsan ding kinabahan. Lahat kami, nagkamali rin noong una. Pero hindi perpektong boses ang unang hinahanap ng Diyos."

"Eh kung hindi po... ano?" Tanong ni Nico na sinagot naman ng choir master na, "Isang pusong handang tumugon kapag tinawag."

Huminga nang malalim si Nico. Kinakabahan pa rin siya habang papunta sa pulpito o lectern. Nanginig ang boses niya sa unang taludtod, at may ilang nota siyang hindi eksaktong naabot. Pero itinuloy niya.

Pagkatapos ng Misa, nilapitan siya ng isang matandang lalaki.

"Salamat, iho. Matagal na akong hindi nakakapagsimba. Ngayon lang ulit ako napaluha," wika ng matanda.

Napayuko si Nico at doon niya naunawaan: Hindi pala naghihintay ang Diyos na maging perpekto tayo bago Niya tayo gamitin. Minsan, ang kailangan lang Niya ay isang taong handang magsabi, "Narito ako, Panginoon.’

Katulad ng mga apostol sa Ebanghelyo, hindi tayo tinatawag ng Diyos dahil magaling na tayo o dahil wala na tayong kahinaan. Tinatawag Niya tayo kahit kinakabahan, nagdududa, o pakiramdam natin ay hindi pa tayo sapat.

Sa choir man o sa pang-araw-araw na buhay, hindi ang "Handa na ako, Panginoon" ang madalas Niyang hinihintay, kundi ang simpleng, "Narito ako, Panginoon. Kahit natatakot ako, susunod pa rin ako."

Ikaw ba, may bahagi ba ng buhay mo kung saan patuloy mong sinasabing, "Hindi pa ako ready," kahit tinatawag ka na ng Diyos?

Akda ni: ALTO Zoila Jae Replan
Isinaayos ni: ALTO Gichelle Canayon

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚  l Chapter 2Nanginginig ang mga kamay ni Daniel habang mahigpit na hawak ang kanyang cellphone na may ...
06/07/2026

π‘²π’˜π’†π’π’•π’π’π’ˆ π‘ͺπ’‰π’π’“π’Šπ’”π’•π’‚ l Chapter 2

Nanginginig ang mga kamay ni Daniel habang mahigpit na hawak ang kanyang cellphone na may kopya ng music sheet. Rinig na naman sa sulok ng choirloft ang pamilyar na hagikhikan at pabulong na pangungutya mula sa mga kasamahan niya.

"Sintunado na naman si Daniel," bulong ng isa.

"Sana nanahimik na lang siya," dugtong pa ng isa sabay tawa.

Masakit at nakakahiya. Bawat salitang naririnig niya sa iba ay parang barya na ibinabato sa kanya na unti-unting dumudurog sa kanyang kumpiyansang umawit.

Nagsimula ang Banal na Misa, ngunit ang puso ni Daniel ay nananatiling mabigat. Hanggang sa magsimula ang homily ng pari at tila ba direkta siyang kinakausap nito.

"Mga kapatid, ang tunay na paglilingkod ay hindi nagsisimula sa perpektong talento, kundi sa isang mapagpakumbabang puso," anang pari. "Huwag kayong matakot sa mga pagsubok at panghuhusga ng mundo. Dahil tandaan ninyo: Kung walang pagsubok, walang paglago. Ang apoy ng pag-uusig ng isang tao ang nagpapatatag sa kanilang pananampalataya."

Bawat salitang binitiwan ng pari ay tumatak sa isip ni Daniel. Naisip niyang ang pagpapakumbaba ay hindi nangangahulugang magpaapi, kundi ang pag-amin na ang kanyang tinigβ€”perpekto man o hindi sa pandinig ng taoβ€”ay hinubog ng Diyos para sa Kanyang kapurihan.

Huminga nang malalim si Daniel. Tiningnan niya ang krus sa altar at doon ay natagpuan niya ang sagot na matagal na niyang hinahanap. Sa unang pagkakataon ay napangiti siya.

β€œThis is the Lord's calling to me,” bulong niya sa kanyang sarili. β€œI'm willing to hear my voice in front of God. Although I'm not good at singing, I will fulfill my commitment to Him.”

Nang sumapit ang awit sa Komunyon, hindi na tumingin si Daniel sa kaliwa o sa kanan. Hindi na niya inisip kung sino ang nakikinig o kung sino ang susunod na manghuhusga.

Binuksan niya ang kanyang puso.

Itinaas niya ang kanyang mukha.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at umawit.

Gumaralgal man ang kanyang boses sa simula, ngunit alam niya sa kaniyang sarili na puno ito ng tapat na pagmamahal at pagsisisi. Sa mundong nasasanay ang mga tao sa pangungutya, naunawaan ni Daniel na ang pinakamalakas na tao ay hindi ang pinakamagaling kumanta o ang pinakamalakas tumawa sa kahinaan ng ibaβ€”kundi ang taong pinipiling maging mabuti at maglingkod, kahit siya mismo ang nasasaktan.

Natapos na ang misa. Hindi man perpekto ang himig ni Daniel ay alam naman niya na sa pandinig ng Diyos, iyon ang pinakamagandang musika.

Story by: ALTO Zoila Replan
Edited by: ALTO Gichelle Canayon

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯Hi friends, Happy Sunday! 🀍 Quick reflection lang mula sa homily natin ngayong week. 😊Mi...
05/07/2026

❀️‍πŸ”₯ 𝗣𝗒𝗨π—₯π—œπ—‘π—š 𝗒𝗨π—₯ π—›π—˜π—”π—₯𝗧𝗦 𝗒𝗨𝗧 ❀️‍πŸ”₯

Hi friends, Happy Sunday! 🀍 Quick reflection lang mula sa homily natin ngayong week. 😊

Minsan, ang hirap tanggapin kapag may problema, 'no? Kadalasan kapag may dumadating na pagsubok sa buhay natin, ang unang reaction natin ay pairalin 'yung intellectual pride natin. Iniisip natin, "Kaya ko 'to, gagawa ako ng paraan," o kaya naman tinatanong natin si Lord kung bakit sa atin 'to nangyayari. Pero ang ganda rin ng paalala sa homily: kaya may problema, kasi may kulang pa sa atinβ€”and it’s a call for us to stay humble.

Natutunan ko na some problems are given not to be solved right away by our own strength, but for us to surrender them to God. Sabi nga, kung walang pagsubok, walang paglago. 🌱

Kayo baβ€”ano 'yung naging takeaway niyo sa homily na 'to o anong mga personal experience niyo ang pwede nating ma-konek dito? Share niyo naman 'yung thoughts niyo sa baba! πŸ₯°β€οΈβ€πŸ”₯

Heads up! The absolute icons of July just dropped! 😨🎊 Please welcome Alto Zoila, Soprano Vinice & Sophia, and Tenor Arma...
03/07/2026

Heads up! The absolute icons of July just dropped! 😨🎊 Please welcome Alto Zoila, Soprano Vinice & Sophia, and Tenor Armand. You guys are literally a no-skip albumβ€”happy birthday to the ultimate main characters of July! 🀩πŸ₯³πŸ’œπŸ’Ώ

"I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ." Mahatma Gandhi's famous ...
29/06/2026

"I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ." Mahatma Gandhi's famous words shared by our priest today was a beautiful yet heavy challenge for all of us.

Reality check! It’s easy to praise and have faith when life is smooth sailing. But the real test is whether we can remain steadfast and shining in the middle of life's heaviest storms. We were challenged with a deeply personal question: Are we just admirers, mere followers, or true disciples who reflect Christ to the world?

This message is really powerful.

CSA is completely present today! 🀍 Despite our busy schedules, lack of sleep, and the personal "storms" we might be carrying, we all showed up to serve.

As a choir member, it's easy to think we're already doing enough because we serve every Sunday. We sing. We show up. We stand close to the altar.

But maybe that's exactly where it stops.

It's possible to know every hymn by heart and still struggle to love people the way Christ did. To sing about grace on Sunday, yet forget to extend it on Monday.

The choir was never meant to be a stage.

It has always been a place of discipleship.

Today reminded me that there are Fair-Weather Christiansβ€”those who stay close to God only when life is goodβ€”and Thunderstorm Christiansβ€”those who cling to Him even when life falls apart.

I don't want to be someone who only sings about Jesus.

I want my life to sound like Him.

Because at the end of the day, the most beautiful worship isn't found in perfect harmonyβ€”it's found in a heart that reflects Christ.

May people hear our voices during Mass, but even more, may they see Jesus in the way we live. πŸ™πŸ»πŸ’–

Address

Bay
4033

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chorus Sancti Augustini posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share