27/04/2025
Hindi namin kayang ipaliwanag kung gaano kalaki ang pasasalamat namin sa'yo, Regine. Hindi kaya ng ChatGPT, hindi mo kaya eme
Ang lahat ng mga parangal at tagumpay na ito, hindi namin makakamtan kung wala ka. Sa bawat hakbang na tinahak namin, ikaw ang nagtulak sa amin na magpatuloy. Pinakita mo sa amin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagiging lider — hindi lang sa pagsesend ng mga bayarin, mga isusubmit, kundi sa pagpapakita ng malasakit at pagtulong sa bawat isa sa amin na magtagumpay. Napakahusay mo at sobrang saludo ako sayo.
Sa kabila ng mga sakripisyong pinagdadaanan mo, ang mga pagluha mo dahil sa pressure at pag-aalala sa amin, sana nabigyan namin ng hustisya ang lahat pati mga nawawalang kaluluwa. Hindi mo kami iniwan sa kahit anong pagsubok. Dahil sa bawat pagluha at sakripisyo mo, natutunan namin kung paano magsikap at magtulungan bilang isang pamilya.
Ang tagumpay na ito, hindi lang namin ito iniiisa, ito'y sa'yo. Dahil sa’yo, kami ay natutong mangarap at magsikap oa.Thank you teh, kundi bilang isang tao na walang sawang nagbigay at nag-alay para sa amin. Mahal na mahal ka namin.
Hindi na para lagyan pa to ng font at magiging lapida pa to.