30/07/2024
07/30/2024 🕝
Naibahagi ng g**o ko sa ingles na ‘oras’ ang pinakamalaki niyang ka-kompitensya,
At agad kitang naalala.
Pasensya kung ang tulang para kahapon sana ay ngangayon ko nagawa, mayroon kasi akong kalaban — oras.
Naibahagi ng isa kong g**o ang kan’yang hinanakit sa oras,
Kan’yang inihayag na sa pagpatak ng kamay ng orasan siya ay malas.
Sa iba mang lenguwahe niya ito ipinaalam,
Ay naiintindihan ko ang bawat salita at nauunawaan ang damdam.
Kasuntukan ko rin ang bawat minuto,
Bawat minutong mapapalagpas ko.
Walang takot kong ipaglalaban ang bawat segundo,
Basta’t ang pinaka-maikling saglit ay para sa’yo.
Sa ilang oras na pananatili sa loob ng silid,
Ay may malaki kang puwang sa’king isip, sa may gilid.
Naghihintay na muling makabalik,
Ngunit sa pagdating ay walang ikaw na sabik.
Mananatiling ako lang mag-isa. Sa kabila ng pagkatuwa sa t’wing maghihiwalay na ang kamay ng orasan dahil sa wakas ay muli ka nang makikita ay mapagtatanto kong umalis ka nga pala.
‘Di bale, mahihintay kita.
Dahil kahit pa gaano kong mortal na kaaway ang oras,
Kayang-kaya kong ipagpalipas — basta ikaw.