10/05/2025
Hello!! Isa akong artist na based sa Lemery, Batangas. Karamihan sa mga followers ko dito sa page ay aking mga kababayan, at kung nagkataong nakita niyo ang logo na nasa ibaba sa mga tarpaulin sa kung saan saang dako ng ating bayan, ipinagmamaki kong ibahagi na ako, kasama ang aking kapatid, ang lumikha ng isa sa mga opisyal na logo ng TEAM LET'S GO!! πβ¨
Kaunting istorya lamang din tungkol sa kahulugan ng logong ito dahil hindi lamang ito logo, kundi isang simbolismo ng totoong pag-angat at pagbabago.
Makikita sa itaas na bahagi ang dalawang babae. Si Vice Mayor Geraldine Ornales at si Atty. Hannah Cabral, na hindi lamang mga babae, kundi mga babaeng tagapaglingkod ng bayan na maraming nang napatunayan, at marami pang magagawa. Kita niyo ba 'yung arrow pataas? Iyan ay simbolismo ng growth, direction, right way, and progress. Representasyon rin ng totoong pag-angat kung babae na ang maging susunod na mga pinuno ng ating bayan!! πΈ
Sa loob ng arrow na iyon ay may nakaguhit na walong kalalakihan na silang kumakatawan sa mga konsehal ng TEAM LET'S GO. Ang mga konsehal na ito, kung inyong mapapansin, ay papunta sa tatlong tao. Tatlong tao na isang simbolismo ng "tayo", ng mga tao, ng mga LemereΓ±o. Mga LemereΓ±o na patuloy na kumakapit sa pag-asa ng totoong pag-angat at pinanghahawakan na magkaroon ng totoong pagbabago sa inang bayan. Ipinakikita rito, dahil na rin sa direksyon ng arrow, ang layunin at pinaghahawakan ng grupo. "Gobyerno ang lalapit sa tao." π«
Bakit ko ba sinasabi ito? Hindi lamang ito tungkol sa pagbabahagi ko ng kahulugan sa likod ng ginawa naming logo ng kapatid ko.
Dahil huling araw na ng kampanyahan, dalawang araw bago ang halalan. Hindi lamang bilang isang artista ng bayan, kundi pati na rin bilang isang matalinong botante at isang kabataan na minsan nang naglingkod sa kapwa ko kabataan, ito ay tungkol rin sa malugod at mapagmalaki kong pagpapahayag ang aking pagsuporta kay Mayor Geraldine Ornales, Vice Mayor Hannah Cabral, at sa Team Let's GO! β¨
Dahil sa darating na eleksyon, BABAE ANG MAYOR KO! πΈπ