30/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Pistahan na! Tara dine at makisaya sa aming selebrasyon.
Opisyal nang bukas ang pagtanggap ng aplikasyon para sa BANTOG sa ilalim ng Tanggapan ng Kultura at Sining
Makulay, masigla at puno ng kasiyahan ang selebrasyon ng Bantog. Tampok ang pagkilala sa talento at kakayahan ng bawat mag-aaral. Ito ang pagkakataon upang bigyang-halaga ang bawat oras ng pag-eensayo, ang dedikasyon sa mga obra.
Mula ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐ hanggang ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, bukas ang aplikasyon para sa mga karapat-dapat na kilalaninโmga tagapagtaguyod ng sining na patuloy na nagbibigay liwanag, kulay, at kamalayan sa lipunan.
Makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga puno ng Kultura at Sining sa bawat kampus para sa mga detalye ng proseso at pamantayan:
Mr. Teejay D. Panganiban para sa mga magaaral mula sa Malvar;
Dr. Jennifer Baes-Atienza para sa Pablo Borbon;
Dr. Luther Jose Eroa para sa Alangilan;
Ryan Cazel Lalog Alangilan para sa Lipa; at
Ms. Arlene M. Mendoza para sa magaaral mula Nasugbu Campus.
๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐๐๐๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด