Verses Unveiled by Krishian Erl

Verses Unveiled by Krishian Erl "A sanctuary for those who speak the language of rhyme."

29/07/2025

A Question in the Quiet

By: Krishian Erl Loredo Andog

How do I trust again, when words felt so untrue?
My heart remembers all that we went through.
Each promise whispered like a fading sound,
And wonders where true honesty is found.

Was everything a game, a skillful play?
Or was there truth hidden in that long lost day.
The laughter and moments we shared everyday,
Is it true, or it's just a part of your play?

I search the silence, seeking for a sign,
Overthinking everything in line.
Is everything you said true or a lie?
Or it's just a drama everyone used to buy.

Perhaps with time, and open, honest space,
And find a path where trust can find its place.
We'll learn what's real, what truly can abide,
With nothing left for either of us to hide.

31/03/2025

Leap of Faith

By: Krishian Erl Loredo Andog

The edge is near, a dizzying height,
A whispered fear, in fading light,
But wings unfurl, with all their might,
To chase a dream, and take the flight.

The path unknown, a shadowed way,
Where doubts are sown, and shadows play,
Yet courage grown, will light the day,
And lead to where new fortunes lay.

Though storms may rise, and tempests roar,
And tearful skies, may drench the shore,
The spirit flies, forevermore,
To find the treasures held in store.

22/12/2024

Paghilom sa Sugat

Ni: Krishian Erl Loredo Andog

Lumipas ang walong buwan,
Puso'y unti-unti ka nang kinakalimutan.
Nasa yugto na ng paghilom ang pusong ito,
Sa sakit na galing sayo.

Dati'y puno ng luha ang mga mata,
Ngunit ngayon, tila wala na.
Nakakahanap na ng saya,
Kahit minsan, may lungkot pang nadarama.

Natututo na ulit magtiwala,
Sa mga taong nagbibigay ng ginhawa.
Hindi na masyadong nag-aalala,
Sa mga bagay na maaaring mawala.

Nag-iiba na ang pananaw sa buhay,
Mas positibo at mas malaya.
Natututo nang mag paubaya,
At hindi na masyadong umaasa.

Umabot ng walong buwan ang paghihintay ko,
Sa wakas, na ka usad na din ang puso.
Unti- unting nag sisimula,
Sa panibagong kabanata.

13/08/2024

Sa Pagitan ng Tayo

Ni: Krishian Erl L. Andog
Rqstd by: Abigail Buenjemia Alkonga

Sa bawat tibok ng puso'y ikaw ang laman,
Ngunit bakit ba't ang damdamin ko'y nagugulohan?
Sa pagitan ng pag-ibig at pag aalinlangan,
Upang puso'y maligtas pa, saan nga ba ang tamang daan?

Naalala ko pa ang mga pangakong binitawan,
Ngunit bakit tila ngayon naglalaho na ng tuloyan?
Sa paglipas ng panahon, nag-iiba ang patutungohan,
Kaya't ngayon ay nagtatanong, ito na ba'y katapusan?

Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala,
Ngunit ang sakit ay tila kutsilyong tumatarak sa dibdib ko sinta,
Sa bawat pag-iyak, ang pangalan mo'y sinisigaw sa isipan,
Ngunit bakit ba't ang puso ko'y ayaw ka pang pakawalan?

Maraming beses kong tinanong ang sarili,
Kung ito ba'y pag-ibig na dapat ipaglaban,
O isang pagkakamali na dapat nang kalimutan,
At sa bawat sagot, lalong nalilito ang aking isipan.

Ngunit, ako na lamang ang makakasagot,
Sa mga katanungan sa aking isipan.
At sana'y maunawaan mo ang aking damdamin,
Dahil ang puso ko'y naghihirap at nasasaktan na parang alipin.

Pero sa huli, kailangan kong magdesisyon at pag-isipan,
Kung itutuloy ko pa ba o akin nang wawakasan.
Masakit ma'y kailangan kong tanggapin,
Na kwento nang pag-ibig nati'y kailangan ko nang tapusin.

12/08/2024

Babaeng Di Makausad

Ni: Krishian Erl L. Andog

Sa mga mata, lungkot ang nakikita,
Sa bawat pag-iyak, puso'y nasasaktan pa.
Sa isang taong 'di makalimutan,
Nakatali at di makalabas sa pinagsamahan.

Bakit ba't napakahirap mong kalimutan?
Mga pinagsamahan na di matutumbasan,
Masasayang alaala na palaging binabalikan,
Kailan ma'y di na mabubura sa aking isipan.

Maraming handang magmahal sa isang tulad ko,
Ngunit bakit ba't ako'y nananatili pa rin dito?
Sa mga alaalay' na kalimotan mo na siguro,
Pero ako'y naka kulong pa rin dito.

Darating rin ang panahon, makausad sana,
Iiwan ang nakaraan nating dalawa,
Magbubukas ng bagong pahina,
Sa kwentong ako na lang mag isa.

02/08/2024

Paghakbang Palayo

Ni: Krishian Erl L. Andog

Dati’y ikaw lang ang mundo ko,
Ang puso’y sayo lang napupuno.
Ngunit ngayon, unti-unting nagbabago,
Lumalabas sa dilim, nagsisimula muli ako.

Masakit mang tanggapin na wala ka na,
Na ang ating kwento’y nagtapos na,
Ngunit kailangan maging malakas ako,
Upang muling makabangon sa sakit na ito.

Kaya’t paalam na sa mga ala-ala,
Isasara ko na ang pinto ng nakaraan nating dalawa,
Magbubukas ng bagong kabanata,
At sa paglalakbay na ito, ako na lang mag-isa.

Address

Poblacion
Batad
5016

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Verses Unveiled by Krishian Erl posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category