Batugan

Batugan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batugan, Poet, Basey samar, Basey.

31/03/2026

don't lose hope,
make it a lesson

31/03/2026

Bakit ba ako nandito,
‎nandito ba ako kasi ginusto ko,
‎o nahulog ako sa mga salita mo.

‎dahil sa kagustohan kung ikw ay kalimutan,
‎diko namalayan na gumagawa na pala ako ng hukay,
‎ at malapit nakong matabunan

‎binulag moko sa matatalim mong mga tingin, ngiti mong kay ganda laman nito'y
‎diko ma ipinta

bituin ka sana sa mga tala,
‎prensesa ka sanang maituturing,
‎ngunit iyon ay isang kahibangan,

dahil panlabas lamang ang maganda sayu bagkos subrang sama ang kaloob looban nito.

31/03/2026

maging kalmado kahit kinokupal kana ng mundo

30/03/2026

Tahanan
tahanan, salitang maraming kahulogan,
Bahay simpleng depenasyun sa salitang ito, minsan ito rin ang tinatawag na comfort zone o nakasanayang lugar, at taong palagi mong kasama mapa hirap man yan o sa ginhawaan pero para sakin ito ay salitang hindi ko malaman kung nasaan at kung magkakaroon ba ako ng ganto o ganyan
hinahanap hanap ko ang iyong presinsya
nasasabik sayung pag mamahal na mahirap makuha, pero ang tanong sa aking sarili mahirap ngaba talaga o sadyang nasa mali lang tayu na panahon.
maling panahon na tayu ay nagkakilala at hindi natin alam pero sana pag pwede na, pwede pa.
ikw ang gusto kung tahanan sa bisig mo lamang ako ay kumakalma, nawawala ang sakit sa akong puso pag kausap na kita. ikw, oh ikw ang bumoboo sa araw kung puno ng hamon at pag subok,
ganda moy umaapaw sa lahat, at ito ay kakaiba nasa akin lang dapat, kaya sa aking pag tatapos nais ko lamang malaman mo na mahal na mahal kita, na hindi ko kayang mawala ka, at kaya kong mag antay hanggan sa mapa sakin ka.
colinares.

01/07/2025

Unknown

Isang Anghel,
Yan Ang unang tingin ko,
Ng Makita ko ang iyong kagandahan,
Isang anghel na bumaba sa kalangitan,
Upang sagipin ang binatang Hindi alam kung ano Ang patutunguhan,

isang Araw,
Nakita kita na mag isang naglalakad sa Daan,
Pauwi galing eskwelahan,
At Walang pag aalinggan na ikw ay aking lapitan,
At sinabing,
Magandang Araw sayu,
Mgandang dilag,
Pwede ba kitang sabayan sa iyong paglalakad,
Hindi ko malilimutan ang mga sumonod na pangyayari,
Ng marinig Ang boses mong parang umaawit,
Sa Ganda nito ay tila akoy natulala na para bang ako ay nasa langit,
at diko mapigilang titigan na lamang,
Ang iyong kagandahan.

Bakas man sa iyong mukha Ang pagiging di kampanti sa aking pag lapit,
Pero ako Naman ay nagalak ng akoy iyong kinausap at sinabing,
Pwede Naman at Kaso Yung Bahay ko andyan na sa malapit,
Tila akoy nagkaron ng pag asang ikw ay maging kaibigan dahil Ang Bahay mo
At Bahay ko ay magkalapit laman.

Hanggang sa palagi na kitang inaabangan sa pag pasok,
At sa pag uwi mo ng paaralan,
Naging kaibigan,
Hanggang sa mag tapat ako sayu ng aking nararamdan,
Na ikw Binibini,
Ikw Ang laman ng aking panaginip,
At sa maghapon mukha mo lamang Ang nasa isip,
Kagandahan moy naiiba sa lahat,
Natural at humihigit sa lahat
Kaya ako ay nagkaroon ng pag kakataon,
Na ipamalas sayu,
Ang pagmamahal,
Na sayu ko lamang pinadama

Lumipas Ang maraming Araw,
Maraming pag kikita,
Maraming pag uusap,
At pati sa eskwela tayu ay magkasama,
Magkasama sa pag kain sa canteen,
Aantayin sa labas ng Bahay,
Para sabay na pumonta ng eskwela.

Hanggang sa Ang lahat ay nag iba,
Na tila bay Hindi ko na puna,
Na ikw Pala ay nag sasawa na,
At gusto ng taposin ang dating masaya pa,
Tila para akong binagsakan ng langit,
Dahil sa di inaasahang sakit,
Sakit sa ating relasyon,
Na Hindi na nagamot,
Hindi nagamot,
At tuloyang naglaho,
Ang pag ibig na sabay nating binuo

Alam kung Malabo na,
Malabo na Ang ikw ay maibalik,
Maibalik sa akin,
At maipag patuloy Ang naudlot na pag mamahalan,
Naating binuo,
At lubos kung iningatan.

Hindi man ako Yung tamang tao na para sayu,
At gusto mong makasama sa tanang Buhay mo,
Ang gusto kolang na sahibin,
Na kahit kilan,
Hindi ko pinag sisihan na ikw ay makilala,
At maging parti ng mga Araw na ako ay masaya,
Mahal nasaan kaman ngayun,
Sana ay maayus ka,
Sana ay palagi kang masaya,
Kahit labag man sa kaluoban ko,
Na Hindi na ako Ang dahilan ng iyong pag ngiti
Ang mahalaga nakagawa tayu ng maiksi pero masasayang alala,
Salamat sa lahat,
At Hanggang dito nalang,
Nag mamahal..
Ang kwento nating dalawa,
Ang mahalaga.

Colinares

30/06/2025

Yosi

Nag yoyosi kana pala,
Ayy nag yoyosi ka pala,
Yucks may bisyo ka Pala,
Mga salitang paulit ulit na naririnig taong Hindi alam Ang kwento ng bisyo ko
kung ano ba Ang dahilan bakit ako ay naninigarilyu,

Pero Yung Hindi alam ng karamihan,
Yosi lamang Ang aking Kasama ko sa mga Oras ng kalungkotan,
Nagpapakalma sa aking pag iyak,
Kung Dina kaya ng isipan na lumaban,
Kapag Ang sakit ay paulit ulit na lamang,
At kung Dina kayang dalhin ng mga piking pag ngiti na nakikita ng mga nakapaligid sa akin.

Saksi ang usok na lumalabas sa aking bibig,
kung pano ko nilalabanan ang kalungkotan, kalungkotan na diko alam kung kilan ang hangganan.

Bisyong alam ko na balang Araw ito din Ang kikitil sa Buhay ko, pero kahit Ganon maraming salamat sa bisyong palaging nandyan kapag Hindi na kaya ng Sarili na lumaban.

29/06/2025

Ang sarap maging bata

May mga pangarap din Naman ako,
Kaso mas dapat unahin Ang Realidad,
kisa sa pag abot ng mga ito.
Gusto kung bumalik sa pagiging Bata,
na walang iniisip na mabibigat na problema.
Marahil hangal ako,
O Hindi kolang talaga alam Ang Realidad Nung Bata pa ako,
Kasi Dati gusto Kong bumilis Ang panahon,
at ako ay tumanda,
makahawal ng Pera,
Gawin Ang mga nais,
at gusto kung maging.

Gusto kung maging isang kagalang galang na tao, Na rerespitohin at iidolohin,
Ng mga nasa paligid ko,
yaong mahirap Gawin Ang ganon,
Dahil sa antas ng pamumuhay ko,
Hindi ko man lamang nagawang taposin,
Ang panama ng aking mga magulang na edukasyun,
Mas Pinili Ang landas na nais,
At karapat dapat pa sa akin.

Gusto kung bumalik sa pagiging Bata,
Na ang tanging iniisip lamang,
Ay kung pano pikiin Ang pag tulog sa tanghali, Mag laro sa kalsada,
Matulog sa gabe ng maaga at mahimbing,
pumasok sa skwela, Maligo sa ulan,
Kumain ng chocolates Hanggang maubos Ang ngipin, Gumawa ng mga kabulastugan Kasama Ang mga kaibigan, Pag tripan Yung makitang baliw sa kanto,
Magka gusto sa babaeng ka klase o kapit Bahay, Ayy Nako Ang sayang bumalik sa pagiging bata.

Ang sayang maging bata,
Na tipong maiiyak ka nalang,
Kasi Hindi muna ulit maranasan,
Ang gantong saya,
Kasi di kana Bata, At kailangan mong harapin Ang realidad ng Mundo,
Ang gulo, pasakit, gutom, krimen, corruption.
Kaya mapapa isip ka nalang talaga na sana,
Sana bumalik nalang ako sa pagiging Bata...

29/06/2025

Binibini

Ohh aking Binibini ikw ay parang bituin sa langit ,
Makinang at subrang nakaka akit.
Mundo koy naging makulay dahil natatangi mong kagandahan,
ngunit tulad ng bituin,
mahirap kading abutin at pangarap nalang na ikw
ay mapasakin

ako ay isang hamak na na binata na sayu Binibini ay humahanga,
gustohin kumang ipadama sayu,
Ang aking lubos na pag mamahal,
ngunit madaya Ang tadhana,
dahil ako ay kaibigan molang,
at Hindi Ang pangarap,
pangarap na mahalin at ipag Malaki sa lahat.

29/06/2025

Pangarap na ibigin

Ikw ay isang pangarap,
Pangarap na gusto kung makamtan,
Mahirap man abutin pero kakayanin,
Dahil Ang mapasayu,
O ikw ay maging akin ay isang dalangin sa mga bathala,
Na sana ay dinggin ng mga bituin,
Ang aking sinasambit sa kalangitan tuwing gabe.

Na ikw babae sana ako din,
Ang laman ng iyung isipan,
laman ng iyung mga panaginip, Iyong pinapangarap na ibigin,
Sana ako rin laman ng iyong bibig,
Sa tuwing mga kaibigan mo ay kausap.
Pero pantasya lahat ng iyon.

Dahil ako ay Malabo mong magustohan,
Kasi ako ay kabaliktaran,
Sa lalaking iyong dapat na pinapangarap,
Wala akong maipagmamalaki,
Sayu na dapat ay piliin mo,
Pero kahit ganon mahal,
Ikaw lang at ikaw parin,Diman ako Ang sentro ng mga Mata mo,
Hindi man ako laman ng mga panaginip mo,
Pero sa kagandahan mo lamang ako maakit kahit, mabalo man Ang makuha ka.

Address

Basey Samar
Basey

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batugan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category