Camareros De Baras Rizal

Directions

Camareros De Baras Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Camareros De Baras Rizal, Art, San Jose St. Brgy. San Juan, Baras.

Ang Camareros De Baras ay isang samahan at
kapatirang debosyonal at kinikilalang samahan sa ilalim ng Komisyon ng Liturhiya ng Pang Diyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose Baras, Rizal

26/07/2026

PATALASTAS / ANNOUNCEMENT:

SA MGA NAGNANAIS MAGPAGAWA NG IMAHEN AT MAGING MIYEMBRO NG CAMAREROS DE BARAS

A. MGA KWALIPIKASYON

1. Binyagan at aktibong Katoliko.

2. May mabuting pagkatao at reputasyon.

3. Handa at kusang sumusunod sa patakatan ng Simbahan at ng samahan.

4. Handang maglaan ng oras, lakas at pagsisikap sa pangangalaga ng mga imahen at gawain ng samahan.

5. Bukas sa pormasyon at pagsasanay tungkol sa wastong pangangalaga, pagbibihis at pag aayos ng mga imahen.

6. Regular na dumadalo sa mga pagpupulong, pagsasanay, at gawain ng samahan.

B. PROSESO NG PAGSAPI

1. Ang nagnanais maging miyembro at magpagawa ng imahen para sa panahon ng Kuwaresma, Semana Santa at Pasko ng Muling Pagkabuhay ay kailangang mag sumite ng LETTER OF INTENT sa Pangulo ng samahan. Dito ay nakasaad ang LAYUNIN NG KANYANG PAGSAPI, URI NG IMAHEN, at KAUGNAYAN NITO SA MINISTERYO, PAGPAPAKASAKIT AT MULING PAGKABUHAY NI HESUKRISTO.

2. Ang LETTER OF INTENT ay dadaan sa pagsusuri ng pamunuan ng Camareros De Baras.

3. Ito ay isusumite sa Kura Paroko ng Pang Diyosesis na Dambana at Parokya ni Dan Jose Baras Rizal para sa kanyang pagsusuri at pinal na pag apruba.

4. Bago maisama sa mga gawain tulad ng Pabasa at mga Prusisyon, ang imahen ay kinakailangang dalhin sa simbahan at dumaan sa “PAGBABASBAS” ng Kura Paroko.

C. PAGPAPAGAWA NG IMAHEN

1. Sasailalim sa parehong PROSESO NG PAGSAPI ang mga imahen na nalilok o nagawa na ng nagnanais umanib sa samahan.

2. Iwasan ang doble o hindi angkop na imahen at walang malalim na kaugnayan sa ministeryo, pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

3. Maaaring magbigay ng rekomendasyon ang parokya sa mga imahen na maaaring famitin tuwing panahon ng Kuwaresma, Semana Santa at Pasko ng Muling Pagkabuhay na wala pa sa Pang Diyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose Baras Rizal:

SOURCE / PINAGMULAN: Artikulo VI (KASAPIAN), Sections A, B, C ng Camareros De Baras By Laws.



Kasabay ng pagdiriwang ng “ARAW NG MGA CAMARERO” at tradisyunal na Kapistahan ni SANTA VERONICA, ang Camareros De Baras ...
12/07/2026

Kasabay ng pagdiriwang ng “ARAW NG MGA CAMARERO” at tradisyunal na Kapistahan ni SANTA VERONICA, ang Camareros De Baras Rizal sa tulong ng Commission on Biblical Apostolate (COBA) ng Pang Diyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose Baras Rizal ay nagsagawa ng BASIC BIBLE SEMINAR 2 (BBS 2) para sa mga may ari at mga kamag anak ng mga imahen na ginagamit tuwing mga panahon ng Kuwaresma, Semana Santa at Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ito ay bahagi at pagpapatuloy ng “Christian formation” para sa mga nasabing Camarero matapos nilang makumpleto ang BASIC BIBLE SEMINAR 1 (BBS 1) na ginanap noong nakaraang linggo (JULY 5, 2026).

(CTTO - mga miyembro ng Camareros De Baras Rizal)

Ang Camareros De Baras Rizal sa tulong ng Commission on Biblical Apostolate (COBA) ng Pang Diyosesis na Parokya at Damba...
05/07/2026

Ang Camareros De Baras Rizal sa tulong ng Commission on Biblical Apostolate (COBA) ng Pang Diyosesis na Parokya at Dambana ni San Jose Baras, Rizal ay nagsagawa ng BASIC BIBLE SEMINAR 1 (BBS 1) para sa mga miyembro at may ari ng mga imahen na ginagamit tuwing mga panahon ng Kuwaresma, Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ang layunin ng nasabing gawain na ito ay upang makatulong sa “Christian formation” ng mga nasabing Camarero at mas mapalago pa ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan, pag aaral at pagtugon sa salita ng Diyos.

(CTTO NG MGA LARAWAN) - mga miyembro ng Camareros De Baras Rizal

Address

San Jose St. Brgy. San Juan
Baras
1970

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camareros De Baras Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category