St. Anthony Youth - IYM Aggay

St. Anthony Youth - IYM Aggay Ang St. Anthony Youth - IYM Aggay ay mga kabataan na nagsama-sama para paglingkuran ang Panginoon.

Daliasat Sinodo | Cluster 4 – Ikatlong SesyonGaya ng itinuro ni Hesus sa Marcos 10:35–44, ang tunay na kadakilaan ay hin...
04/07/2026

Daliasat Sinodo | Cluster 4 – Ikatlong Sesyon

Gaya ng itinuro ni Hesus sa Marcos 10:35–44, ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa kapangyarihan o katungkulan, kundi sa mapagkumbabang paglilingkod sa kapwa.

Sa aming ikatlong sesyon ng Daliasat Sinodo, muling nagsama-sama ang mga kabataan, mga opisyal ng barangay, at mamamayan ng Brgy. Aggay, Puspus, Sinabaan, at Cabalangan upang magnilay at magbahaginan ng mga karanasan sa diwa ng pakikinig, pakikibahagi, at sama-samang paglalakbay bilang Simbahan.

Sa pagkakataong ito, ang sesyon ay pinangunahan ng aming Kura Paroko, Rev. Fr. Jerry Avisa, kasama si Brother Christian Periñon, na nagbahagi ng mensahe at paggabay upang higit naming maunawaan ang paanyaya ni Kristo na mamuhay bilang mga lingkod na inuuna ang Diyos at ang kapakanan ng kapwa.

Nawa'y patuloy naming isabuhay ang paanyaya ni Kristo na maging mga lingkod na may pusong mapagkumbaba, handang unahin ang kapakanan ng iba, at tapat na maglingkod nang may pag-ibig at malasakit sa aming pamilya, pamayanan, at Simbahan.

Sa bawat hakbang ng aming paglalakbay bilang isang sinodal na pamayanan, nawa'y manatiling si Kristo ang aming huwaran sa paglilingkod.

📍 Brgy. Aggay Covered Court

𝐃𝐚𝐥𝐢𝐚𝐬𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐧𝐨𝐝𝐨 | 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟒𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐬𝐲𝐨𝐧“Do not let your hearts be troubled. Believe in God; believe also in me.” (Jo...
20/06/2026

𝐃𝐚𝐥𝐢𝐚𝐬𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐧𝐨𝐝𝐨 | 𝐂𝐥𝐮𝐬𝐭𝐞𝐫 𝟒
𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐬𝐲𝐨𝐧

“Do not let your hearts be troubled. Believe in God; believe also in me.” (John 14:1)

Sa aming muling pagtitipon para sa ikalawang sesyon ng Daliasat Sinodo, pinagnilayan namin ang paanyaya ni Hesus na manatiling matatag sa pananampalataya at huwag panghinaan ng loob sa gitna ng mga hamon ng buhay at paglilingkod. 🤍

Kasama ang mga kabataan, opisyal ng barangay, at mamamayan ng Brgy. Aggay, Puspus, Sinabaan, at Cabalangan, sama-sama naming pinag-usapan ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos at pagiging bukas sa paggabay ng Espiritu Santo—ang ating Tagapagtanggol at gabay sa araw-araw.

Nawa’y patuloy naming isabuhay ang pag-ibig, pananampalataya, at pagkakaisa na itinuro ni Kristo, upang maging mabuting lingkod at katuwang sa pagbuo ng isang Simbahang nakikinig, nakikibahagi, at naglalakbay nang sama-sama.

📍 Puspus Covered Court

Daliasat Sinodo | Cluster 4Unang SesyonGaya nina Marta at Maria sa Gospel of Luke 10:38–42, muli naming pinili ang makin...
09/05/2026

Daliasat Sinodo | Cluster 4
Unang Sesyon

Gaya nina Marta at Maria sa Gospel of Luke 10:38–42, muli naming pinili ang makinig, magnilay, at maglingkod nang may pananampalataya at pagkakaisa. 🤍

Sa ginanap na Daliasat Sinodo ng Cluster 4—na binubuo ng kabataan, mga opisyal ng barangay, at mamamayan ng Brgy. Aggay, Puspus, Sinabaan, at Cabalangan—nawa’y manatili sa aming puso na ang pinakamahalaga ay ang manatiling malapit sa Panginoon sa gitna ng aming paglilingkod at pakikibahagi.

📍 Brgy. Aggay Covered Court

Address

Aggay, Ilocos Sur
Bantay
2727

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Anthony Youth - IYM Aggay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category