Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan BSK 3-AT

Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan BSK 3-AT Education about History & Art

With BTECH Makabayan โ€“ I just made it onto their weekly engagement list by being one of their top engagers! ๐ŸŽ‰
21/07/2026

With BTECH Makabayan โ€“ I just made it onto their weekly engagement list by being one of their top engagers! ๐ŸŽ‰

17/07/2026

๐—”๐—ง๐—˜ ๐—œ๐—ฉ๐—”๐—ก๐—”, ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ ๐—ฌ๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ข๐—ช ๐—ฃ๐—ข!
๐—”๐—ง๐—˜, ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ ๐—š๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—ก ๐—ฃ๐—ข!
๐—”๐—ง๐—˜ ๐—œ๐—ฉ๐—”๐—ก๐—”... ๐—•๐—ข๐—•๐—ข๐—ง๐—ข ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ข!

Sa dami ng comments tungkol sa kung anong kulay ng iPhone 17 ang gusto natin, kitang-kita kung gaano tayo kabilis magdesisyon kapag usapang preference.

Pero ngayong araw ng halalan, mas mahalaga ang isang desisyong may mas malaking epektoโ€”ang pagpili ng mga magiging kinatawan ng bawat BTECHenyo.

Hindi sapat na piliin ang kandidato dahil lamang sa kulay, kasikatan, o impluwensya ng iba. Alamin ang kanilang mga plataporma, suriin ang kanilang kakayahan, tingnan ang kanilang mga nagawa, at kilalanin ang tunay nilang layunin para sa kapakanan ng mga estudyante.

Ang boto mo ay hindi lamang isang simpleng pag-check sa balotaโ€”ito ang iyong boses at tiwalang ipinagkakaloob mo sa mga taong mamumuno sa ating konseho. Kaya gamitin natin ito nang may pag-iisip, pananagutan, at malasakit.

Sa iPhone, kulay lamang ang pipiliin mo. Ngunit sa halalan, ang kinabukasan ng ating student council ang nakasalalay.

๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜ ๐—ช๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—Ÿ๐—ฌ, ๐—•๐—ง๐—˜๐—–๐—›๐—˜๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ฆ!

๐Ÿ“Œ Ang link ng pagboto ay ipinadala na sa opisyal na GC ng inyong mga seksyon.

BTECHenyos, gamitin ang inyong karapatang pumili ng mga susunod na magiging kinatawan ng ating konseho.

Ang halalan ay magaganap mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM.

โœ๏ธ ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ผ



17/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” | ๐‘ฐ๐’Œ๐’‚-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿฑ ๐‘ป๐’‚๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’”๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’Š ๐‘ฏ๐’†๐’. ๐‘จ๐’๐’†๐’‹๐’ ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’๐’” ๐ŸŽ–๏ธ

Hindi lamang mga pangalan sa aklat ang bumubuo sa ating kasaysayanโ€”ang mga ito ay mga buhay na kwento ng tapang, pananagutan, at paglilingkod sa bayan.

Ngayong araw, ginugunita natin ang ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐—ป. ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ท๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€, isang kilalang Bulakenyo na naging bahagi ng kasaysayan ng bansa bilang sundalo, lider gerilya, at lingkod-bayan.

Ipinanganak noong ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿญ sa ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐—ฟ, ๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€, ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป, nakilala si Hen. Alejo Santos bilang pinuno ng ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ (๐—•๐— ๐—”), isang organisasyong gerilya na naging bahagi ng paglaban sa pananakop ng mga Hapones sa Bulacan noong ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ด.

Matapos ang digmaan, ipinagpatuloy ni Santos ang kanyang papel sa pampublikong serbisyo. Nagsilbi siya bilang ๐—š๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป, ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ, at ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ.

Ang kanyang buhay ay nagsisilbing paalala na ang pagiging makabayan ay naipapakita hindi lamang sa panahon ng krisis, kundi pati sa patuloy na pananagutan at paglilingkod para sa kapwa.

๐Ÿ“Œ ๐—™๐˜‚๐—ป ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜: Ang ๐—š๐—ฒ๐—ป. ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ท๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ay isa sa mga alaala ng kanyang pangalan at mga naiambag sa Bulacan. Sa bawat pagdaan sa lansangang ito, patuloy na naaalala ang isang Bulakenyong naging bahagi ng ating kasaysayan.

Sa paggunita sa kanyang ika-115 taon ng pagsilang, patuloy nating kilalanin ang mga aral mula sa kanyang buhay at ang kahalagahan ng pag-alala sa mga personalidad na humubog sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

๐‘ฐ๐’• ๐’„๐’‚๐’ ๐’ƒ๐’† ๐’…๐’๐’๐’†, ๐’‚๐’๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐’•๐’Š๐’Ž๐’†. โœจ

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป:
โ€ข Provincial Government of Bulacan. Gen. Alejo Santos Biography.
โ€ข National Historical Commission of the Philippines (NHCP). Alejo Santos Historical Marker.
โ€ข Republic Act No. 6808. General Alejo G. Santos Highway.

Idinisenyo ni : Ryza Simbulan
Isinulat ni : John Christian Leonardo


17/07/2026

๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐๐€ ๐ˆ๐“๐Ž: ๐๐€๐†๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐’ ๐’๐€ ๐Š๐€๐’๐Ž ๐’๐€ ๐–๐„๐’๐“ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„ ๐’๐„๐€

Noong Hulyo 12, 2016, naglabas ang Arbitral Tribunal sa The Hague ng makasaysayang desisyon kaugnay ng kasong The Republic of the Philippines v. The Peopleโ€™s Republic of China.
Pinagtibay ng Tribunal na walang legal na batayan ang pag-angkin ng China sa tinatawag na โ€œhistoric rightsโ€ sa mga yamang-dagat na saklaw ng โ€œnine-dash line.โ€ Ang desisyong ito ay naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas sa pagtatanggol ng ating mga karapatan at soberanya sa West Philippine Sea.

Makalipas ang ilang taon, nananatiling paalala ang desisyong ito na ang kasaysayan ay hindi lamang tala ng nakaraanโ€”ito rin ay gabay sa pag-unawa at pagtatanggol sa mga karapatang ipinaglalaban ng bansa.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Ang pagkilala sa ating kasaysayan ay pagkilala sa ating mga karapatan.

Sanggunian:
Permanent Court of Arbitration. The South China Sea Arbitration (The Republic of the Philippines v. The Peopleโ€™s Republic of China), Award, 12 July 2016.

Larawan mula sa:
The Philippine Star / Michael Varcas

Disenyo at Nilalaman:
John Christian Leonardo


Congratulations sa lahat ng estudyanteng matagumpay na nakalampas sa Second Year!๐ŸŽ‰๐Ÿ“šMula sa mga pagsubok, puyat, requirem...
02/06/2026

Congratulations sa lahat ng estudyanteng matagumpay na nakalampas sa Second Year!๐ŸŽ‰๐Ÿ“š

Mula sa mga pagsubok, puyat, requirements, at exams narating ninyo ang panibagong yugto ng inyong college journey. Ngayon ay handa na kayong tahakin ang panibagong hamon bilang mga incomimg 3rd year students.โœจ

Patuloy na magsikap, mangarap, at lumaban para sa inyong mga pangarap. Padayon BSKโœจโœŠ

Heto na ang pinakahihintay nating 1st Senior Thesis Colloquium ng mga BA Kasaysayan! Isang makabuluhang yugto kung saan ...
27/04/2026

Heto na ang pinakahihintay nating 1st Senior Thesis Colloquium ng mga BA Kasaysayan! Isang makabuluhang yugto kung saan ibinabahagi ang bunga ng masusing pananaliksik, dedikasyon, at pagmamahal sa kasaysayan. Sama-sama nating tunghayan ang husay at talino ng ating mga mag-aaral sa pagtalakay ng kani-kanilang mga tesis.
Mga tampok na pag-aaral:

ABRIL 28, 2026

Angelo B. Alejandrino
Pamagat ng Tesis: Juez De Cuchillo: Ang Pagtutol ng nasa Isang Libong Kalalakihan mula sa Bustos, Bulacan (Hunyo 16, 1897)
Iskedyul: Abril 28, 2026 | 9:00 AM โ€” 10:00 AM
Tagapayo: Mr. Ericson Jose P. Dublas

Benjamin M. Casi
Pamagat ng Tesis: Mga Likhang-Kamay ng Baliwag: Historikal na Pagsusuri sa Sumbalelong Buntal, Imbute, at Baliwag Pandesal bilang Tatak ng Kulturang Lokal
Iskedyul: Abril 28, 2026 | 10:00 AM โ€” 11:00 AM
Tagapayo: Mr. Ericson Jose P. Dublas

Terrence Joshua I. Cruz
Pamagat ng Tesis: Nicolas Capistrano: Isang Historikal na Talambuhay at Pagkilala bilang Bayaning Pilipino (1895โ€“1919)
Iskedyul: Abril 28, 2026 | 11:00 AM โ€” 12:00 PM
Tagapayo: Mr. Ericson Jose P. Dublas

John Joseph S. Ledesma
Pamagat ng Tesis: A Filipino Priest Overseas: The Exile and Legacy of Father Mariano Sevilla (1872โ€“1874)
Iskedyul: Abril 28, 2026 | 1:00 PM โ€” 2:00 PM
Tagapayo: Mr. Ericson Jose P. Dublas

Daisy Mae B. Relon
Pamagat ng Tesis: Isang Historikal na Pag-aaral sa Restorasyon ng Pamanang Istruktura ng Lumang Munisipyo ng Lungsod ng Baliwag (2015โ€“2025)
Iskedyul: Abril 28, 2026 | 2:00 PM โ€” 3:00 PM
Tagapayo: Mr. Ericson Jose P. Dublas

Rich Jairon E. Yumol
Pamagat ng Tesis: โ€œEl Folklore Bulaqueรฑoโ€ ni Mariano Ponce (1889โ€“1900): Pagsusuring Pampanitikan bilang Kontekstong Pangkasaysayan at Taal ng Pagkakakilanlang Bulakenyo
Iskedyul: Abril 28, 2026 | 3:00 PM โ€” 4:00 PM
Tagapayo: Mr. Ericson Jose P. Dublas

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐€๐Š๐€๐ ๐๐ˆ ๐€๐๐ƒ๐‘๐„๐’ ๐๐Ž๐๐ˆ๐…๐€๐‚๐ˆ๐Ž.Ang araw na ito ay hindi lamang isang simpleng linggo, bag...
30/11/2025

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐€๐Š๐€๐ ๐๐ˆ ๐€๐๐ƒ๐‘๐„๐’ ๐๐Ž๐๐ˆ๐…๐€๐‚๐ˆ๐Ž.

Ang araw na ito ay hindi lamang isang simpleng linggo, bagkus itoโ€™y paggunita sa kaarawan ng ating bayani na si Andres Bonifacio. Bukod sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ito rin ay isang pag-alaala sa kanyang mga naging sakripisyo para sa ating bayan. Ang kanyang tapang, dangal, dugoโ€™t pawis na ipinamalas ay kailanman ay magiging simbolo ng pag-ibig sa kanyang pagyakap sa ating bayan.

Bilang mga Pilipino at mga mag-aaral, magbigkis tayo at ipakitang hindi nasayang ang kanyang mga sakripisyo para sa bayang kanyang ipinaglaban. Nawaโ€™y patuloy tayong tumindig, maging boses para sa ating kapwa na nanghihina, at patuloy na hangarin ang pantay na hustisya. Si Bonifacio ay hindi lamang bayani kundi isang inspirasyon at patunay na ang tagumpay ay nasa pagkakaisa. Ipagpatuloy natin ang paglaban para sa katarungan at kalayaan ng mamamayang Pilipinoโ€”dalhin natin ito hanggang sa makamit natin ang tunay na kapayapaan.


Congratulations to all students who successfully passed the first semester๐Ÿ‘! Your hard work, perseverance, and dedicatio...
21/11/2025

Congratulations to all students who successfully passed the first semester๐Ÿ‘! Your hard work, perseverance, and dedication have truly paid off. This achievement reflects your commitment to your studies and your determination to overcome every challenge along the way.

May this success inspire you to continue striving for excellence and to reach even greater heights in the coming semesters. Keep believing in yourself and never stop learning.

Once again, congratulations and keep up the great work! PADAYON!

Isang mainit na pagbati BSK 1AT!Sa pagtatapos ng ikalawang semestre, buong puso naming ipinagmamalaki ang inyong dedikas...
21/05/2025

Isang mainit na pagbati BSK 1AT!

Sa pagtatapos ng ikalawang semestre, buong puso naming ipinagmamalaki ang inyong dedikasyon, sipag, at talino. Isang malaking karangalan ang makitang kayo ay kinikilala bilang mga Achievers tunay na patunay ng inyong pagsusumikap at pagmamahal sa larangan ng Kasaysayan.

Ngayon, habang kayoโ€™y papasok na sa ikalawang taon ng inyong paglalakbay sa Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan, nawaโ€™y patuloy ninyong yakapin ang pag-aaral nang may tapang, layunin, at malasakit sa bayan.

Mabuhay kayo, mga tagapagsulong ng kasaysayan!
Padayon sa tagumpay!๐Ÿ‘

Address

Baliwag
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan BSK 3-AT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share