14/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ร๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐? ๐ต๐ญ๐ธ
Isang makasaysayang pagkilala ang iginawad kay Chief Justice Cayetano Arellano, ang kauna-unahang Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas at isang anak ng Udyong, na ngayon ay bayan ng Orion, Bataan.
Tampok ang kanyang larawan sa bagong โฑ3,000 commemorative banknote na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Korte Suprema. Ang naturang banknote rin ang kauna-unahang inilabas ng BSP na may vertical na disenyo.
Si Arellano ay kinikilala bilang isa sa mga pangunahing personalidad sa kasaysayan ng hudikatura ng bansa. Sa pamamagitan ng espesyal na banknote, muling binibigyang-pugay ang kanyang mahalagang papel sa pagtataguyod ng batas at hustisya sa Pilipinas.
Mula sa Udyong, Bataan hanggang sa pinakamataas na hukuman ng bansa, ang kanyang pangalan at pamana ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
๐ธ: Supreme Court PH
โ๐ป Elaine Anthoinette Tolentino