ILLAD

Directions Website Contact the establishment

ILLAD a joke without a punchline

"Tag-ulan na naman, ang lamig. Tara kape tayo"'Sing tamis ng asukalAng naramdamang pagmamahal'Sing init ng tsokolateYaka...
13/08/2026

"Tag-ulan na naman, ang lamig. Tara kape tayo"

'Sing tamis ng asukal
Ang naramdamang pagmamahal
'Sing init ng tsokolate
Yakap mo, sayo'y kampante
'Sing bango ng bagong timplang kape
Hindi nakakasawa, pagod ay napapawi

'Sing lamig ng kapeng may yelo
Magaan ka kasama, pakiramdam ko'y presko
'Sing krema ng gatas
Laging akong nakangiti, sa labi ko'y bumabakas
'Sing lutong ng tinapay na bagong hango
Tulad ng halakhak mo sa aking mga biro

Sanay lang ako magkape ng 3in1 at mga tinitimpla sa bahay. Tinuruan mo ko mag enjoy at unti untiin nung minsang nasa café na tayo. Na enjoy ko rin naman na di lang pala sa pag ubos ng kape, malamig man o mainit, ang punto nun. Kasama rin pala ang mga kwento at ang pagkakataon na kasama kita sa pagitan ng bawat higop. Salamat sa magagandang karanasan at kaalaman. Marami pa tayong titimplahin, bibilhin, hihigupin, nanamnamin at uubusing mga baso at tasa habang magkapiling tayo sa mundo na ito.

P.S ~inom ka rin palagi ng tubig haha
-ᜀᜅᜒᜎᜓ

Little short story lang 😅
Hello. I'm a friend of Gerald, the owner of this art page. He is kind enough na gawin akong admin sa page nya kahit na di ako active haha dati kasi kapag may naiisip ako o nagagawang tula, nakikisuyo pa ako para ipost dito sa page nya, outlet na rin ng mga naiisip at nararamdaman ko.(maramingsalamat pre haha). Hanggang sa ginawa nya na rin akong admin para daw anytime na may gusto akong ipost, ipost ko lang. Heavier thoughts pa to dati haha mas active din ako nun dahil tambay lang naman din. Bale iyown, ngayon lang ulit nakabuo haha. Salamat sa mga makakaapreciate at makakabasa neto. Napahaba na rin ang kwento ko haha mas mahaba pa sa tula ko. Enjoy, sana laging masarap mga kape o kung ano mang trip nyong iniinom kapag ganitong panahon ng tag ulan haha. Salamat, ingat 👋

Address

Balanga

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ILLAD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to ILLAD:

Shortcuts

Share

Category