29/03/2026
🔥🔥
Una sa lahat maraming maraming salamat sa lahat ng nagpunta, bumisita, at tumugtog kagabi. Sa mga Banda Refuse PH, Through Life’s Consequences, End Begins, Destruction On Every Step , BodyBags, Estraktura, Artemis Descends, Gomi, Headtrip, Limitbreak Crew salute sa inyo, kayo ang dahilan kaya buhay na buhay ang Baguio City Scene!
Sa More To Life Collective at BCRC na laging sumusuporta sa kahit kaninong nag sisimulang banda sa Baguio, back in 2008 binuo namin tong banda na ito dahil nainspire kami sa mensahe ng bawat kanta ng mga Bandang napanood namin. Salamat sa patuloy na pagsuporta at patuloy na binubuhay ang eksena.
sa OG Jian Defiant ng Baguio City na kahit linggo linggo andito sa Baguio kahit napakamahal ng gasolina anjan parin at sumusuporta FOR THE LOVE OF HARDCORE! (salamat narin sa pagpapahiram ng Forging the Silence, salamat Defiant BCRC)
Hndi namin kayo maisa isa pero SALAMAT sa lahat ng tulong niyo!
Hoods Up!
Next! Cebu/Bacolod see you!