24/12/2022
Maligayang Pasko sa ating lahat! Ating matutunghayan ang isa sa mga paboritong tradisyon ng mga Pilipino tuwing disperas ng kapaskuhan, Ang Panunulyan. Ating pagninilayan ang panunuluyan nina Jose at Maria na bibigyang buhay ng mga kabataan ng parokya ng Saint John Bosco.
Halina’t saksihan natin kung paano bibigyang diin ng mga kabataan ngayon ang paraan at kung paano natin tinatanggap ang Panginoon sa kasalukuyan at sa ating buhay. Ang konsepto ng presentasyon ay ipapakita ang pagtanggi natin kay Jesus sa iba’t-ibang henerasyon, mula sa orihinal na ayon sa bibliya hanggang sa kasalukuyang panahon. Bagaman, ipapakita kung paano naging malubak ang daan ni Maria at Jose, hindi mawawala ang pag-asang, may mga taong handa, tunay, at tapat na tangapin si Hesus na kung sa kasalukuyan ay maipapakita ng ating mga kabataan ang tunay na malasakit sa kapwa. Kung gayon, ating pagnilayan, Paano natin nakakaligtaan at nasasawalang bahala ang Panginoon na sinasalamin ng ating kapwa. Sino nga ba ang mga dapat nating binibigyang pansin at huwarang maging makatao?