Puff Poem

Puff Poem POEM ARE ALL AROUND MAKING PEOPLE FREE AND CREATIVE.

19/05/2025

Kung Kailan Nagkalayo

Kung kailan lumayo, doon kita hinanap,
Anong hiwaga ang sa iyo'y nahagap?
Puso ko'y sabik, tanging ikaw ang hanap,
Isip ay ligaw, di maunawa ang ganap.

Sa bawat ngiti mo, ako'y nabibihag,
Sa iyong mata, ganda ang lumalagablab.
Sa mundong mapait, ikaw ang liwanag,
Sa gulo ng mundo, sa'yo'y payapang himig.

Kahit isang sulyap, pananabik ay 'di mapigil,
Kahit di kausap, halakhak mo'y musika sa pandinig.
Kahit di matingnan, presensya mo'y mahalagang tinig,
Ako'y patuloy na hahanga, irog kong binibini.

Sa maikling sandali na ika'y nakasama,
Ligaya'y umapaw, ika'y nakilala.
Batid ng puso, ikaw ang pinapangarap ko sinta,
Ngunit ang tadhana, landas nati'y di magkasama.

-puff

Address

Baguio City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Puff Poem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share