02/08/2022
Ipinakikilala at binabati ng MFB Art Lounge ang mga kalahok na magpapatuloy para sa SEMI FINAL ROUND ng MFB GOT TALENT SEASON 2 na may temang "Alab sa Puso ng Talentado at Makabayang Pilipino".
Mula sa siyam (9) na kalahok na naglaban-laban sa 1st Elimination round, pumili ang management ng anim (6) na kalahok na maglalaban-laban para sa semi-final round kung saan magkakaroon ng VERSUS ROUND ang mga kalahok. Hahatiin sa tatlong grupo ang mga kalahok kung saan magkakaroon ng dalawang kalahok kada isang grupo at sila ang magtatapat-tapat.
Pipili naman ng tatlong kalahok na magpapatuloy para sa FINAL ROUND na gaganapin sa The Forest Lodge Hotel, Baguio City.
Bago magsimula ang laban, dadaan ang mga kalahok sa Mentoring Session sa ilalim ng mga hurado at mentors na napili ng mga kalahok.
Maaring panuorin ang pagtatanghal ng mga kalahok sa YouTube Channel ng MFB:
https://youtube.com/playlist?list=PLTfqdYvO8z-teWcQAqo40zMOYoyXVW8RF
Nagpapasalamat ang MFB sa mga kalahok na sumali at nagpakita ng kanilang talento at pagkamalikhain. Nais namin ipaalam sa inyo na hindi man kayo nagtagumpay sa patimpalak na ito, ang inyong galing ay may paggagamitan at mayroong pagbabagong bitbit kung ito ay inyong patuloy na isasapuso, hahasain at pipiliing ibigin kahit mahirap lubasang mahalin ang talento sa dami ng pagsubok na inyong haharapin hanggang matuklasan niyo nang buo kung ano ang tunay na layunin ng inyong talento - kung bakit ba ito dumadaloy sa inyong mga ugat at kung bakit niyo ginagawa ang mga bagay na ito ngayon.
Aasa kaming sa susunod na mga patimpalak ng My Father's Business, lalahok kayong muli at sasamahan niyo kami sa paghubog sa inyong mga kakayahan, hindi lang sa mga patimpalak kundi na rin sa mga programa at aktibidad na ibibigay namin para sa inyo.
Muli, PAGBATI SA MGA SEMI-FINALISTS NG MFB GOT TALENT SEASON 2.