Pepito Roman Entertainment

Call Directions Contact the establishment

Pepito Roman Entertainment PRE or Pepito Roman Entertainment is the right page for the wrong people. PRE (Pepito Roman Original Pinoy Singer)

Ahem..Makikirakers ang PRE sa pagbibigay Liwanag ng mga kapatid kong LOST IN LANEMagkita kita tayo mga erp.apir!
30/09/2026

Ahem..
Makikirakers ang PRE sa pagbibigay Liwanag ng mga kapatid kong LOST IN LANE
Magkita kita tayo mga erp.
apir!

We've been keeping this one to ourselves long enough.

Our debut single is coming.

A sound we've never shared.
A story we've never told.
A song that marks the beginning of our next chapter.

Here's your first look.

"LIWANAG"
Coming to all major streaming platforms on Oct. 23, 2026 (12:00AM PHT)

Don't say we didn't warn you ⚡




Single cover art: Renz Delster Antiquiera Galiguis

ANG ALAMAT NG ALBUM NA “DON’T FORGET TO SMILE” NI PEPITO ROMANAng album ko na pinamagatang “Don’t Forget To Smile” na ip...
29/09/2026

ANG ALAMAT NG ALBUM NA “DON’T FORGET TO SMILE” NI PEPITO ROMAN
Ang album ko na pinamagatang “Don’t Forget To Smile” na ipinanganak noong September 27, 2025 ay nagmula sa idea na gaano man kahirap ang buhay, huwag nating madaliin ang ating pagtae.
The end.
Deh, joke lang.
Ganito kasi yun mga pre…
Pagkatapos kong bumuo ng iba’t-ibang banda na may iba’t-ibang genre at iba’t-ibang mga myembro, na iisa ang kinahinatnan (madisband), nalungkot ako ng bigtime. Akala ko katapusan na ng mundo. Dumating ako sa point na ayoko nang makinig ng rock, hanggang pati lahat ng music ayoko nang makinig. Any genre. As in gusto ko lang marinig ay yung tunog ng katahimikan ng mundo.
Okay lang sana kung ilang minuto lang na naging ganun ako. Pero umabot ng months din. Teka, hindi ba pwedeng idelete itong part na ito?
Shortcutin na nga lang natin.
Track 1 sa album
OPTIMISTIC
January 2025 nung irelease ko ito as single.
Ito ang piinakauna kong nilabas sa nasabing taon to remind us na ugaliin nating tignan yung bright side ng bawat negatibong pangyayari sa ating buhay.
At the same time magkaroon tayo ng “hope”.
“Magiging okay din ang lahat” sabi nga eh.
Pero may kaakibat na responsibilidad.
“gawin mo lang ang dapat”
At konting motivation
“kayang-kaya mo yan”.
Start the year with positivity, man.
Ikalawang kanta sa album
OW YEAH!
So… kung inspired and motivated ka na, magiging feel good ka na.
Di ba madalas pag feel good tayo madalas nasasabi natin, “ow yeah” with feelings so pure.
Reminder din ito na sobrang dami palang dapat ipagpasalamat sa buhay.
Lahat ng masarap gawin para sa atin, yun na yun.
Mapapa ow yeah ka nalang talaga. Haha
Third song
MAGANDANG UMAGA
Motivated na eh, feel good na rin. So…
Kada gising na sa umaga, happy na.
“kay ganda ng bawat umaga kung may ngiti sa ating mukha”
Subukan mo kayang i-first song of the day yan, tignan ko lang kung hindi ka mapangiti.
Pang apat…
KUNWARI LANG
Dito palang papasok yung 3rd person POV sa kwento nitong album.
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalakeng itago nalang natin sa pangalang Pre.
Like, si Pre nalungkot, pero piniling maging optimistic kaya naging feel good, naging masayahin araw-araw, tapos nagka-crush.
Lagi niyang iniimagine na gusto rin siya ng crush nya at pinapangarap din siya.
“sa panaginip, ako ay gising naglilibot sa isip mo”
Bahala ka nang umintindi sa art between that line para ma exercise naman konti ang neurons mo.
“kunwari ako’y laging nasa isip mo”
Ayan, literal nang sinabi.
Fifth song
L M C E
Lumalim ang kanyang pag-ibig. Nagkakamabutihan na.
“sa tuwing kasama kita, walang kasing saya”
Parang sure na siya sa kanyang feelings. Talagang napaibig na si Pre.
“ikaw lamang ang nais makapiling, sa’yo lang natagpuan ang tunay na saya”
Akala niya masaya na siya sa buhay. May isasaya pa pala.
“ikaw lamang ang tanging iniibig, sayo lang natagpuan ang tunay na kaligayahan”
Kung nakaramdam ka na ng ganyan, fistbump na agad.
Pang anim
DAHIL BABAE SIYA
So naging sila, lumabas yung ibang color ni gurl.
“nagagalit pag sinabing mataba siya”
Kahit joke lang naman.
“pag tahimik mas maraming sinasabi”
Huhulaan mo nga lang talaga. hahay…
Pero mahal siya ni Pre kaya isinagad niya ang kanyang pang unawa, itinodo ang pasensya, at pinaubaya ang sarili. Pow!
Dahil babae siya.
Yun lang, wala nang ibang explanation.
Seventh
GUSTO
At kahit ganun si gurl ay gusto pa rin niya itong makasama for life.
“gusto ko lang ay lumigaya sa piling mo”
“nais ko lang namang sumaya na ikaw lang ang kasama. Gagawa tayo ng baby.”
Gago rin eh. Hindi nalang basta pag-ibig ang naramdaman ni Pre.
May konting init na. Pow!
Pang walo.
TINDAHAN NI MAMA
Akala ni Pre yun na ang buhay.
Lolokohin lang pala siya ni gurl.
“binangkrap mo ang tindahan ni mama, tapos brineyk mo ako”
May mas sasakit pa ba diyan? Pow!
“noodles at de lata ay simot.
Bag mo ay punung-puno pag-uwi.
Wala mang lang goodbye kiss”
Ansakit di ba? Pfffft…
Pang Siyam
UTANGERONG KUPAL
Eto ang mas masakit pa pala
Nagkautang pa pala si gurl sa kanya
Tapos ayaw pa magbayad.
“dati ang bait-bait mo, nung umuutang ka”
May masamang intensyon pala
“ngayong ang bangis-bangis mo na”
Halimaw na, dati kuting lang, kumbaga
“ikaw na na’ng may utang, ikaw pa ang galit”
Like many Filipinos, di ba. Haha
Number 10
MAKALIMOT
Pinilit niyang kalimutan nalang si gurl pero habang kinakalimutan niya ay lalo naman niyang naaalala.
“pinipilit kitang limutin na, ngunit lalo namang naaalala”
Paradox tawag diyan I think.
Like, kakalimutan ko na si gurl.
Sinong gurl, yung ex mo?
Oo.
Ano ulit itsura nya?
Maputi, straight ang hair, makapal ang mukha. Waaaaahhh… naalala ko na naman siya.
See?
Mas lalo lang niyang naalala.
Number 10.5
MOVE ON
Filler lang yan sa album
It’s just there to remind us to move on
“move on 4x”
Tapos, outro na agad.
Dapat ganun lang kabilis mag move on.
Pang onse
ROLLER COASTER
So ganun lang talaga ang buhay, may pataas, pababa, paikot ikot pa
Mabagal ang ikot ng mundo pero unpredictable ang mga pangyayari
“maglakad kahit hindi alam ang pupuntahan”
We should keep going
“mabuhay kahit hindi alam ang kahulugan nito”
Let’s live. Don’t just exist.
May kanya kanya tayong definition ng life.
Yan ang gawin nating compass dahil wala naman talagang nakakaalam
Bakit ka pa mabubuhay kung mamamatay ka rin naman?
“dahil kung alam mo na, boring na ang roller coaster ride”
Kaya let’s find out.
Pang dose
English man ang pagkakabasa mo sa “dose”
Pang kumpleto sa dosage na rin itong pang dose (12) na kanta.
SUNSHINE
Magsilbi sana tayong liwanag sa buhay ng iba.
“I got sunshine in my head
I got sunshine in my heart
I got sunshine in my pocket
Can’t you see it in my eyes?”
Dapat sa mata palang, nakapagbibigay na tayo ng kalinawan at kaaliwan sa ating kapwa.
Ganun lang kasimple.
Pow!
At yan na nga ang medyo walang katuturang kwento ng album na pinamagatang
Don’t Forget To Smile
Sana kahit papano ay napangiti kita at laging mapangiti sa tuwing papakinggan mo ang album na yan. In particular order, ha.
Salamat sa pagbabasa
Apir!




Ahem...Bago matapos ang buwan ng Setyembre, happy first year anniversary sa album naDon't Forget To Smile ni Pepito Roma...
29/09/2026

Ahem...
Bago matapos ang buwan ng Setyembre, happy first year anniversary sa album na
Don't Forget To Smile ni Pepito Roman Entertainment
Nasawntrip mo na rin ba yung buong album?
Hehehe.
Apir!

24/09/2026

Ahem...
Salamat ng marami sa suporta nyo sa bago kong kanta.
Apir!

17/09/2026

Parang kailan lang noong hindi ko pa naareglo at nairecord.
ngayon, nakasave na sa selpon ng ibang tropa. hehe.
salamat sa lahat ng sumasawntrip.
Apir!



14/09/2026

Ahem...
High.
Hindi mo ba alam kung paano sabihin ang feelings mo sa kanya?
Tara, ikanta nalang natin yan sakaling mapansin ka niya.
Pow!
Paano Ba? by Pepito Roman
Brought to you by Tugtug Factory
Apir!



-Pepito Roman, right?-yes mam.-can I take a selfie with you?-sure mam.kitshhk!.Pow!
11/09/2026

-Pepito Roman, right?
-yes mam.
-can I take a selfie with you?
-sure mam.
kitshhk!.
Pow!

10/09/2026

Ahem...
Paano Ba?
Yan ang tanong na sasagutin natin sa pamamagitan ng isang awitin ni PRE.
Apir!



Ahem..Isa sa mga matitinding artists ng Nueva Vizcaya.Pakisuportahan po natin ang kanilang debut single.
09/09/2026

Ahem..
Isa sa mga matitinding artists ng Nueva Vizcaya.
Pakisuportahan po natin ang kanilang debut single.

Something new is about to light up!

LOST IN LANE is set to launch their debut single “LIWANAG” this October 2026.

And it's only getting bigger…

Local bands from Tuguegarao to Nueva Vizcaya will be joining the kick-off party!

BAND LINE-UP REVEAL SOON.

Stay tuned. The light is coming.
“LIWANAG” coming this October.

08/09/2026

Address

High Street
Bagabag
3711

Telephone

+63759169154

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pepito Roman Entertainment posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Pepito Roman Entertainment:

Shortcuts

Share